Chapter 3

68 11 0
                                    

Clinic




"Musta date?" napatingin ako kay Grim ng itanong nya yun. Umirap ako at siniko sya.

"Pang ilang beses mo ng tanong yan ah? Nung sabado pa yung date na yun." sabi ko at inismiran syang muli. Natawa sya at kinotongan ako.

"Gago! Viral ngayon yung kantahan ninyo ni Roxanne ah?" sabi ni Grim at nilabas pa ang phone nya para mag-type.

"Alam ko gago." sabi ko at hinablot ang manga na nakita ko sa bag ni Paul. Tinignan ako ng masama ni Paul dahil sa ginawa ko pero hindi ko yun pinansin at binuklat nalang para mag-basa.

"Teka nga, pre. Pansin ko masyado kang iritado ngayon ah? May dalaw ka?" pang-aasar ni Grim. Inis ko syang tinignan pero tumawa lang sya na parang tanga.

"Hahahaha! Biro lang! Hindi ka naman kase ganyan dati eh. Oo mahilig kang maging tamad pero hindi ka palaging iritado! Si Paul pa nga madalas nating bwisitin di ba?" sabi ni Grim na kunyaring natatawa pero bumalatay na rin ang pag-aalala.

Aaminin ko, nagiging iritado ako. Hindi ko kasi alam kung pano ko malalaman ang binulong ni Roxanne nung sabado eh. Hindi naman nya sinasagot ang tanong ko at puro pambabara lang ang ginagawa.

"What's your problem, Axel?" tanong ni Paul. Bumuntong hininga ako at umiling.

"Wala." sagot ko at umiling habang kunyaring nag-babasa.

Afternoon period na namin ngayon. Kanina pa nag-sisimula ang klase pero hindi pa kami nag-kikita ulit ni Roxanne. Hindi ko alam kung iniiwasan ba nya ko o ano pero wala naman akong ginagawang ikakagalit nya ah? Bakit nagagalit sya sakin?

Inis kong sinabunutan ang sarili ko dahil dun. Maski sa break at lunch break eh hindi pa rin kami nag-kikita! Hindi ko nga rin sya nakakasabay eh! Si Paul tuloy ang kasama ko imbes na sya! Buti pa tong si Grim palaging kasama si Mina.

"Is that the person who doesn't have a problem?" sarkastikong tanong ni Paul kaya tumingin ako sakanya. Nakakunot ang noo nya at natatangahan sa naging sagot ko kanina.

"Pre, mga kaibigan mo kami, share your problems! Ako nga shine-share ko sainyo yung problema namin ni Mina eh." sabi nya at tumungga sa pepsi nyang nasa lata.

Bumuntong hininga ako at ayaw pa rin mag-salita. Makausap ko lang ngayon si Roxanne magiging maayos na ko.

"Is this about, Roxanne?" tanong ni Paul. Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa muka ko dahil nalaman nya agad kung ano o sino ang problema ko.

"LQ? Kingina ke-bago-bago nyo!" sabi ni Grim. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya sakin.

"Bakit? Kayo ba ni Mina puro harutan lang nung una?" nakangiwing tanong ko.

"Hindi ah! Syempre may selosan din! Selosa kaya ang babaeng yun. Nung nalaman nga nyang pinuntahan natin si Roxanne sa room nya eh halos isumpa na ko!" sabi nya at umiling-iling pa.

"Ba't ka nagta-tyaga eh fling lang naman yun?" tanong ko. Tama naman ako di ba? Hindi naman nya mahal si Mina pero bakit nagse-stay pa rin sya sa tabi ni Mina?

"Eh ikaw? Ba't ka namo-moblema eh laro lang naman?" pambawi nya. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sakin ng nakakaasar.

"Tsk. Hindi lang kasi laro to para sakin." sabi ko at umiwas ng tingin. Why bother to lie about my true feelings if it's too obvious?

"Ganyan din naman ako." nanlaki ang mata ko at nagulat ng dahil sa sinabi ni Grim.

"Ano?!/What?!" sabay na tanong namin ni Paul. Wag ka gulat na gulat kami nyan ah! Si Grim ang kahuli-hulihang tao na magse-seryoso sa babae! Promise! Gago yan eh. Imposible talaga masyado.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon