Chapter 7

46 8 0
                                    

Vacation



"Pre, ingat kayo ni Roxanne ha? Ingatan mo yun, baka naman mamaya eh mag-take advantage ka! Naku!!! Lagot ka samin ni Paul pag ginawa mo yon!" napatingin ako kay Grim na nasa likuran ko habang nag-aayos ako ng buhok. Ngumiwi ako sakanya at bumuntong hininga.

"Pre, si Roxanne ang kahuli-hulihang babae na paiiyakin ko at babastusin ko. Mataas ang respeto ko sa girlfriend ko." sabi ko at yumuko para isintas ng maayos ang sintas ng sapatos ko.

"Want some websites that can help you survive when you can't take it anymore?" nakangising tanong ni Paul sakin habang nakaupo sya sa couch ng unit naming tatlo.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya. "Gago! Di ko talaga alam kung sinong mas malibog sainyo ni Grim. Kung sya ba o ikaw." inis na sabi ko ay binato sya ng nakakakalat na lata ng beer na pinag-inuman namin nung nakaraan.

Nasambot nya ang binato ko at agad naman nya yung ni-shoot sa trashcan. Ngumisi sya at kunyari pang inayos ang bridge ng salamin nya. Yung pose ni Sakamoto pag may ginagawa syang mga cool na bagay?

"Hoy! Hoy! Hoy! Wag mo nga kong madamay-damay dyan sa pag-pipilian! Hindi ako malibog!" singhal nya at naupo na rin sa sofa at kinuha ang manga na nakapatong sa coffee table.

Imbes na magazines o dyaryo, laging manga ang nasa coffee table sa sala namin. Dun kami mas interesado eh! Tapos yun din ang pinaka-malinis at maayos na parte ng unit dahil walang pwedeng bumasa o mag-dumi sa mga manga.

'Our treasure is everywhere!'

I glance at my final look and sigh. My heart doesn't stop beating so fast because of excitement! I mean----ngayon palang to mangyayari samin ni Roxanne! Ang mag-outing ng mag-kasama.

Nag-paalam kami sa dean at sa advisers namin syempre. Hindi namin pwedeng sabihin na mag-kasama kami dahil baka hindi kami payagan. Gumawa lang kami ng alibi para hindi halata at payagan kami.

Pinaalam ko na rin ang gagawin kong pag-labas sa school kay papa at pumayag naman sya. Nag-pasok din sya ng pera para daw may pang gastos ako sa pupuntahan namin.

Ilang araw na rin ang lumipas matapos naming malaman ang laman ng report card namin. Ilang araw na rin ang nakalipas ng halikan ni Roxanne ang labi ko ng walang pag-aalinlangan. Hanggang ngayon nga ay damang-dama ko pa rin ang labi nya sa labi ko. Ilang gabi akong hindi makatulog dahil sa ginawa nya.

Sinubukan ko syang tanungin kung bakit nya ginawa yun pero lagi lang syang umiiwas sa tanong at hindi yun sinasagot. Ang sagot nya lang palagi ay ang pamumula ng muka nya at palagi pa syang nahihiya pag nababanggit ko yun.

Tapos na rin ang botohan para sa magiging prize namin. 97% ng mga estudyante ang may matataas na marka dahil sa pag-susumikap. Ang natira namang 3% ay ang mga hindi nakaabot sa minimum lowest grade na 85. Ibig sabihin, mababa ang nakuha nilang marka. Mas bumaba pa sa 85.

Well, hindi naman sapilitan to pero nakakababa kaya ng confidence yun. Nakakatuwa nga dahil nakikipag-sabayan ang mga grade 7 sa lahat. Sila rin kasi ang halos hindi na makasabay dahil nga bago palang at naninibago pa.

Bumuntong hininga akong muli at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko. Simple lang naman ang suot ko. Naka-puting rubber shoes, itim na pantalon, kulay puting t-shirt na pa-v neck ang style at may suot na denim jacket. Malamig din kasi ang byahe.

Tinignan ko ang relo at ko at tinignan ang oras. Alas sais na. Kailangan ko ng bumaba para umalis.

Muli kong ni-check ng laman ng bulsa ko. Nandito ang wallet ko na may credit cards at cash, nandito rin ang phone kong full-charged na at may dala rin akong bagpack para sa isang two days and one night trip namin together ni Roxanne.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon