Chapter 5

50 11 0
                                    

Sick


The day is not that bright today. The weather is gloomy. So as the students who's taking up their periodical exam.

Pressure is everywhere. Everyone wants a better grade for the prize. It's a win-win opportunity for the students. The dean isn't forcing us to reach the 85 grade for every subject, nasa estudyante na yun kung mag-aaral ba sya ng mabuti o hindi.

Since millenials like me love the word 'prize' isa rin ako sa mga nag-sunog ng kilay para lang may mapiga sa utak kong puro si Roxanne lang ang laman.

Halos hindi na rin kami mag-kita ni Roxanne dahil nga kailangan naming mag-aral ng sobrang buti. Para na rin naman to sa future naming dalawa so, ok lang.

Yung dalawa kong kaibigan? Ayun, grabe din kung mag-aral. Anong dahilan ni Grim? Baka daw mag-karoon ng concert ang One Direction dito bilang pabuya sa mga estudyanteng naging matino at nag-aral ng mabuti para sa 85+ na grades.

Well, hindi naman imposible yun. Minsan na ngang nag-concert si Avril Lavigne dito dahil sabi ng dean eh. Masyado kaming binibigyan ng pabor ng dean kaya bialng kapalit, kailangang maging magaling.

Si Paul naman, kaya sya nag-sumikap ay baka daw mag-pamigay ng mga anime merchandise. Yung mga miniture, manga, flash drives with 1000+ anime, mga damit ng anime at kung ano-ano pa.

Ako? Bakit ako nag-sumikap? Para mabigyan kaming lahat ng trip to Boracay at makita kong mag-swimsuit si Roxanne.

'Mwehehehehe.'

"Stop that smug look, Axel. You look like a pervert old man." napangiwi ako ng marinig ang mahinang bulong ni Paul.

Tinignan ko sya habang nakayuko sa test paper at sinamaan ng tingin. "Shut up, bookworm!" i hissed while glaring at him.

Ngumisi lang sya at inayos ang bridge ng salamin nya at nag-pande-kwatrong upo at sumandal sa upuan.

'Eh di ikaw na tapos mag-sagot!'

Muli akong yumuko para tapusin na ang subject naming Physics at nag-seryoso. I meed to finished this first para naman makasabay akong kumain kay Roxanne.

Gusto ko sanang subukan kung hihintayin ba nya kong matapos bago sya kumain o baka naman mauna na sya dahil hindi ko naman dala ang kanin.

"Tangina! Axel! Anong sagot mo number 40?" napatingin ako sa katabi kong medyo malayo na sakin dahil pinag-hiwa-hiwalay ang mga upuan. Bawal mag-kopyahan eh.

Pinag-kunutan ko sya ng noo habang sya naman ay pinag-papawisan na at nagpa-panic pa. Para namang sa isang maling sagot ay babagsak na sya.

Tumingin ako sa test paper ko at nakitang letter C ang sagot ko. Tumingin akong muli kay Grim at pilit na itinago ang ngisi.

"Letter----" naputol ang sasabihin ko ng biglang may kamay na humawak sa ulo ko at sa ulo ni Grim.

"No cheating!" matigas na sabi ng adviser naming parang si Professor Severous ng Harry Potter.

Niyuko nya ng hard ang ulo namin ni Grim sa test paper kaya napayuko ako ng husto. Anak ng----di naman ako nagchi-cheat eh!

Binitawan na ni sir ang ulo namin ni Grim at dumaan sa gitna namin. Nakahinga ako ng maluwag at sinamaan ng tingin si Grim. Muli namang nag-sagot ang isa at sigurado akong nang-hula nalang sya.

Nag-sagot nalang din ako para matapos na.

"Past the test papers forward." matigas na sabi ni sir ng matapos ang isang oras na pag-sasagot sa 70 items na exam namin. Ang dami ano? Pero sa grading system ay 25% ang ambag ng periodical exam.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon