Tonight
Days had passed and of course, our game isn't over yet. As long as she don't admit her lose, then our game will never be over.
I don't know kung gaano ba kasikat ang girlfriend ko para dumami ang mga bashers ko. Puro lalaki yun syempre. While the girls? Meh! They are always want my attention just like before. Hindi sila yung sumisigaw or what. Sila yung mga lalapit talaga para makipag-usap.
Here in Ethereal High, the school for high school students from Junior to Senior, the academics are always important. 90% of the students needs an 85+ grades. Para saan? Bukod sa maipag-yabang ay para na rin makuha ang ilan sa mga gusto namin.
Like what? Party, concert, free day, vacations at kung ano-ano pa. Yan daw ang kapalit ng pagiging mabuti naming mag-aaral. Patapos na ang 1st quarter ng mga students at dito na malalaman kung karapat-dapat ba kaming bigyan ng pabuya o hindi.
This school is a private school. The average private school. Hindi sya prestigious, pero masasabi mo talagang may natutunan ka.
Lumabas kami nila Paul at Grim para mag-liwaliw dahil in-announce ng aming butihing presidente na si Cara na hindi daw makakapasok ang teacher namin para sa Physics. Ewan kung bakit. Hindi na kasi namin pinakinggan pa eh. Tumayo na kami agad para umalis.
Well, i'm not really that stupid when it comes to STEM. Madaling matuto dahil iba-iba ang way ng bawat teacher namin sa pag-tuturo. Walang salitang boring lalo pa't gusto mo ang ginagawa mo.
Dalawang course ang pinag-pipilian ko sa college. It's either medicine or engineering. Hindi pa ko makapili dahil hanggang ngayon, Bio at Math pa rin ang ilan sa mga subject na hirap ako.
'Hirap maging bobo, tangina.'
Hindi naman sa bobo talaga ah. Pero gusto ko kasing ma-reach ang expectations ko sa sarili ko. Pake ko sa expectations ng iba? Mas masarap kayang i-challenge ang sarili! Tapos nakaka-proud pag yung challenge mo para sa sarili mo eh nalagpasan mo. Ang astig nun!
Ang papa ko naman, wala syang pake kung hindi ganun kataas ang grade ko. Basta para sakanya, walang bagsak at may natututunan ako. Bait ng papa ko no? Mana ko sakanya eh! Siraulo pag dating sa pag-aaral pero seryoso pag-dating sa pag-mamahal.
"Hey, lovey-dovey boy." napangiwi ako ng marinig ang nakaka-iritang boses ni Paul. Etong gagong to talaga sarap sapakin ng kaliwa't-kanan. Simula ng malaman nyang in love kami ni Grim eh yan ang tinatawag samin.
"Sapakin mo nga ang isang yan." inis na sabi ni Grim sakin at sinamaan pa ng tingin si Paul.
"Tss. Love slaves." pang-aasar pa ni Paul. Palibhasa walang lovelife.
"Anong long sleeves?" tanong ni Grim. Natawa ako dahil sa katangahan nya. Pilit rin namang pinipigilan ni Grim ang sarili nyang matawa dahil hindi nya alam kung ano ba ang nakakatawa.
"I said, love slaves not long sleeves, boke!" sabi ni Paul at binatukan pa si Grim.
"Aba malay ko ba!" sabi ni Grim at binatukan din si Paul.
Ngumiwi ako at pilit silang pinatigil. Para talagang mga tanga ang dalawang to. "Tigil nyo nga yan! Kahiya kayo!" nakangiwing sabi ko at pinatigil sila.
Sabay silang natigilan sa pag-sasapakan at tumingin sakin. Kunyari pa silang nagugulat dahil sa sinabi ko. Tamo? Para talagang mga tanga amp.
"Potangena ikaw ba yan, Axel?" gulat kuno'ng tanong ni Grim. Inismiran ko sya at sinapak.
"Malamang! Alangan namang ako si Apollo Ryuunosuke Aquino di ba?" sabi ko sabay tingin kay Paul na masama na ang tingin sakin.
"Don't mention my goddamn full name, stupid insect!" inis na singhal nya at inakbayan pa ko na para bang sinasakal. Ay mali----sinasakal na talaga nya ko! Grr!!!

BINABASA MO ANG
Love Is A Game
Teen FictionAxel Oceanus Villaforte | Roxanne Felicity Ricafort A man who hates a boring life will meet a girl who's only interested in games. A love that started with a game that falling is the endgame. Will you let yourself fall but in the end, you're the one...