Confession
"Axel? Axel are you ok?" napamulat ako ng mata ng marinig ang boses ni Roxanne.
Dahan-dahan ko syang tinignan at halatang-halata ang pag-aalala sa mga mata nya. Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos yun gamit ang daliri nya.
Tinitigan ko lang sya at hindi nakasagot. Anong ginagawa nya dito? Di ba't nasa banyo ako? "Axel anong nangyari? Bakit ka sumisigaw? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong nya habang hinahaplos pa rin ang pisngi ko.
Muling nangilid ang luha sa mga mata ko. "Si A-axis...." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nanginig na ang boses ko.
Kumunot ang noo nya at nag-taka. "Sino si Axis?" tanong nya at pilit akong pinapakalma at lalo pang lumapit sakin.
"S-si A-axis...." muling pag-uulit ko. Hindi madugtungan ang sasabihin. Lalo syang nag-aalala. Ang asul nyang mga mata na nakatitig sakin ay masyadong napakaganda.
Parang pinipiga ang puso ko habang nakatitig sakanya. Ayoko syang makita na ganon ang lagay kagaya ng nangyari sa kapatid ko. Ayoko syang makitang nahihirapan, natatakot. Ayokong makita syang nanghihina.
"Anong meron kay Axis?" tanong nya pa habang pinupunasan ang luhang patuloy na bumabagsak sa mga mata ko.
Mabilis na nag-flashback sa utak ko ang nangyari sa kapatid ko. Kung pano syang manghina, mamayat, mawalan ng gana sa pagkain, mag-suka, at kung pano sya mag-karoon ng mga pasa at rashes sa buong katawan. Kung pano nyang ikalungkot ang pagkalagas ng maganda nyang buhok.
Lalong piniga ang puso ko ng paulit-ulit. Muling bumalik ang mga ala-alang napakasakit para sakin. Yung mga alaala ng kapatid kong pinahirapan ng sakit nya.
"Roxanne, yung kapatid ko...." muling nanginig ang boses ko at lalong nag-bagsakan ang luha sa mga mata ko.
Lumambot ang ekspresyon ng muka nya at lalo lang akong pinatahan. Napapikit ako ibaba nya ang muka nya at pag-dikitin ang noo naming dalawa.
"Shh... Don't cry, baby. Don't cry. Your sister will be sad." mahinang sambit nya at hinaplos ng daliri nya ang leeg ko at ang pisngi ko.
Nakagat ko ang ibaba kong labi at lalo lang piniga ang puso ko ng paulit-ulit. Bakit? Bakit kailangang mawala agad ng kapatid ko? Bakit kailangan syang pahirapan?
"Iniwan ako ng kapatid ko, Roxanne. Iniwan nya ko. Iniwan nya ko." paulit-ulit na sambit ko na para bang mawawala ang sakit pag pinaulit-ulit ko yun.
Pero kagaya nga ng sinabi ko, hindi makakalimutan ng memorya ang mga nangyari sa buhay natin. Kahit gaano pa yun kalagim. Sana ay kaya ko nalang kalimutan ang bawat pag-iyak ng kapatid ko. Sama kaya ko nalang kalimutan kung pano nag-hirap ang kapatid ko ng dahil sa sakit nya.
'Sana kaya ko nalang kalimutan kung pano nya hanapin ang walang kwenta naming ina.'
"Shh.... Stop crying, baby. I won't leave you. I'll stay by your side too. Please stop crying." mahinang sambit nya na syang nakapag-pamulat sa mga mata ko. Sumalubong sakin ang nakapikit nyang mga mata. Parang tinunaw ang puso ko habang nakatitig sakanya.
'Hindi, Roxanne. Iiwan mo rin ako.'
Kusang pumulot ang dalawang braso ko sa bewang nya na syang ikinagulat nya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Sinubsob ko ang muka ko sa dibdib nya at lalo lang ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Kung kaya ko lang kalimutan, matagal ko na sanang ginawa.
Niyakap nya ko pabalik at lalo pa kong isinubsob sa dibdib nya. "Shh... Don't cry, baby. I'll protect you, ok? Shh...." pag-papatahan nya sakin habang sinusuklay ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
Love Is A Game
Teen FictionAxel Oceanus Villaforte | Roxanne Felicity Ricafort A man who hates a boring life will meet a girl who's only interested in games. A love that started with a game that falling is the endgame. Will you let yourself fall but in the end, you're the one...