Bitter Truth
"Musta pre? Pupunta daw?" napangiti ako habang inaayos ang neck tie ko at tumingin kay Grim na maayos na rin ang itsura kesa sa dati.
Ngumisi ako at mayabang na nag-ayos ng sleeves. "Syempre. Mahal ako nun eh." sabi ko at inayos ang buhok.
"Tss. Ba't di mo nalang sinundo?" tanong ni Paul na kalma lang na nakaupo sa sofa ng dorm.
Ngumuso ako at nag-kamot ng ulo. "Sabi nila tita sila na daw bahala eh. Aayusan pa daw kasi si Roxanne." sabi ko at tinignan ang relo ko.
"Potangena talo nyo pa yung ikakasal na hindi pwedeng mag-kita bago ikasal ah?" natatawang sambit ni Grim at sinapak ang braso ko. Natawa ako at binawian din sya.
Mas maganda nga kung kasal namin ni Roxanne ang pupuntahan ko eh. Baka mas nauna pa ko sa lahat pag nangyari yun.
Lalo akong napangiti ng ma-imagine ko kung gano kaganda si Roxanne sa suot nyang wedding gown habang hinahatid sya nila tito at tita patungo sa altar kung saan nag-hihintay ako sa pag-dating ng anak nilang tinalo pa lahat ng waifus ko dahil sa sobrang ganda.
"Tsk tsk tsk. Soon pre! Soon! Ikakasal din kami ni Roxanne." sabi ko at lalo pang napangiti.
Ngayon, dalawa na silang sumapak sakin. Lalo akong natawa ng makita kung gano kapangit ang dalawang muka nila.
"Imagine pa, pre! Pero ako ang mauunang ikasal kesa sayo. Kami muna ni Mina ang makakalasap ng forever." sabi ni gago at tumawa pa ng malakas.
'Bakit parang libog ng sinabi nya?'
"Iba ata ang sinasabi mong lasap. Forever ba talaga o iba na?" nang-aasar na tanong ni Paul na hanggang ngayon ay in denial pa rin.
Ngumisi ng nakakaloko si Grim at ngisian palang ay alam mo nang iba ang tinutukoy nya. Sabay kaming napa-poker face ni Paul kahit na wala pa syang sinasabi. "Pre, pag kinasal na kami, dun din yun mapupunta." sabi ni Grim at tinapik-tapik pa ang balikat ni Paul.
"Kaya ikaw Paul, kung ayaw mong mapang-iwanan, wag ka ng tumunganga dyan at wag mong sayangin ang oportunidad na umamin kay pandak. Sige ka, baka maunahan ka dun." sabi ni Grim. Umismid si Paul at inayos ang bridge ng salamin nya.
"I don't like her. I already devoted myself to my waifus. I don't need a 3d girl." pag-tanggi nya at nag-cross arms at umiwas ng tingin.
"Wokeeeeyy!! Sabi mo eh! Sayang pa naman yung si Yumi. Ang cute-cute pa naman. Mukang kailangan ko syang ireto sa iba ah?" sabi ni Grim sa sarili. Natawa ako dahil sa huli nyang sinabi.
"Kelan ka pa naging match maker?" natatawang tanong ko at kinuha ang phone ko at nilagay sa loob ng pantalon ko.
"Simula nung nireto ko si Cina kay Jared. Di ko akalaing tatagal silang dalawa hanggang ngayon. Samantalang nag-loloko lang naman ako nun nung inasar ko silang may gusto sila sa isa't-isa." sabi nya at natawa pa. Tumingin sya sa relo nya at biglang pumalakpak ng makita ang oras.
"Tara na mga pre! Hindi kumpleto ang prom night pag walang gwapo. At hindi pwedeng lumabas ang gwapo pag walang body guards kaya tara na." mahabang sabi nya kaya binatukan ko sya. Tumingin sya sakin at ngumuso.
"Aray ha! Kainis." sabi nya at ngumuso.
Ngumiwi ako at inismiran sya. "Ako yung pinaka-gwapo sating tatlo hoy." sabi ko at ngumisi pa sakanila.
"Dream on, dude. As long as my waifus says i'm handsome, then who cares about your self-proclaimed title?" nakangising pag-singit ni Paul at ginaya pa ang pose ni Sakamoto pag may ginagawa syang mga cool na bagay.

BINABASA MO ANG
Love Is A Game
Teen FictionAxel Oceanus Villaforte | Roxanne Felicity Ricafort A man who hates a boring life will meet a girl who's only interested in games. A love that started with a game that falling is the endgame. Will you let yourself fall but in the end, you're the one...