Kabanata 21

56 2 0
                                    

"Explain this to me!" sigaw ni Rowena.

"Babe, I told you it was nothing."

"Oh, shut up, Dominic. You've been lying to me since you work there."

Kanina pa naming gustong umalis pero hinihintay lang namin si Rowena. Nag-aaway na naman silang dalawa ni Dominic at kahit nasa labas kami ay rinig pa rin namin ang bangayan mula sa loob.

"Lagi na lang silang ganyan." naiinis na sabi ni Genevieve.

"Kaya nga. Simula nung nagka-work si Dominic ay nagiging immature na si Rowena."

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

Sa totoo lang, curious talaga ako dahil napaguusapan sa group chat namin na magkaaway na naman daw silang dalawa. Wala na rin akong masyadong balita dahil malapit na ang finals namin at hindi ko na sila masyadong nakakausap.

"Lagi kasing magkasama si Dominic at yung Stephanie ba yon?" tanong ni Genevieve kay Blair. "Tapos yun nga, akala ni Rowena niloloko siya tapos basta nakakainis na talaga minsan. Hindi rin naman kasi mapagsabihan ang bestfriend natin."

I pursed my lips. "What?"

"Basta babe, nakakastress! Try mo kausapin minsan si Rowena at pagsabihan mo rin. Nawawalan na ng tiwala kay Dominic. Hindi naman siya ganyan noon eh." sabi naman ni Blair.

Umayos kami ng upo nang lumabas ang dalawa.

"Don't you dare touch me!" piglas ni Rowena.

"How can we fix it if you won't listen to me?" napapaos na si Dominic at hindi mawari kung ano ang nararamdaman niya.

But I know.. he's hurt.

"I need some space!" sigaw pa rin ni Rowena.

"Rowena.." hindi ko na napigilan at tinawag ko na siya. Pareho naman silang napatingin sa akin at umiwas agad ng tingin si Rowena.

Dominic suddenly breathed heavily. "Fine. If that's what you want, then let's break up."

"Hindi ako nakikipagbreak, Dominic! Space lang ang hinihingi ko." kitang kita ang galit sa mukha ni Rowena at halos tumulo na ang luha niya.

"Same thing. I can't handle this relationship anymore." after saying those words, Rowena slapped him.

Oh my god. I did not expect this.

"Rowena!" hinila siya ni Blair. Pumasok naman agad silang dalawa sa loob at sumunod agad si Genevieve.

Hindi ko alam kung susunod ba ako sa loob o kakausapin si Dominic.

"Dominic.." I called him.

"Not now, Tori." pumunta agad siya sa sasakyan niya at nagdrive na.

Fuck.

Dumiretso naman ako sa loob at nakitang umiiyak na si Rowena.

"H-he's cheating.." hikbi niya.

"Do you have any proof?" tanong ni Genevieve.

"Hindi na kailangan ng proof. Halata naman eh."

Oh, right. I get it now.

"Rowena, can I be honest?" tanong ko at tumango naman agad siya. "Alam mo namang mahalaga ang proof, diba? You can't just judge or accused him based on what you think. Sabihin na nating gut feeling mo iyon pero did you even hear his side?"

"Tori, he's a cheater! Palagi na rin siyang dumidikit doon sa Stephanie na iyon! Palagi silang magkasama!" hiyaw niya.

"Working together doesn't mean he's cheating. Mahal na mahal ka niya, Rowena."

Didn't we almost have it all?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon