"Wag mo akong tingnan, nag-aaral ako." natatawa kong sabi kay Lucas.
"Why can't I look at your beautiful face?" seryoso niyang pagkakasabi.
Hindi ako makapag-aral nang maayos dahil kanina pa ako tinitingnan ng lalaking to. Kung hindi ka lang talaga mabait... at gwapo.
Charot.
"Naiilang kaya ako."
"Okay, mag-aaral na rin ako." ngayon ay humalakhak na sya at binuksan ang libro niya.
Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa university namin at sinamahan niya akong mag-aral. Ang sabi ko pa naman, turuan niya ko, hindi landiin.
"Why?" ani Lucas.
Napansin niyang nasstress ako sa inaaral dahil malapit na ang finals. Isa pa lang ang major namin ngayon pero halos mabaliw na ako, paano pa kaya next sem na apat na?
"Saan ka ba nahihirapan? Let me help you." tanong niya.
Tinuro niya naman nang maayos at naintindihan ko naman. Naiinggit ako kasi ang talino niya talaga. Pangatlo pa nga siya sa nakapasa sa qualifying exam. Nakakatuwa naman.
Pagkatapos niya ako turuan ay bumalik na ulit siya sa pag-aaral. Intermediate Accounting 3 ang inaaral niya, kaya naman daw kaso mahirap pa rin.
Nagpahinga muna ako ng ilang minuto at tiningnan ang cellphone ko.
Rowena Jane Aguilar updated her profile picture
Nakahalik si Dominic sa pisngi ni Rowena.
Oh, okay. Pusuan ko na lang.
Nagbasa ako ng comments at nakita ko agad ang kay Dominic.
I love you, babe ♥
Tinago ko agad ang cellphone sa bag ko at nagsimula na ulit mag-aral.
"Let's go?" aya ni Lucas.
Tumango naman ako at inayos ang gamit ko. Nang makabalik kami sa school ay hinatid niya ako sa room ko. Ngiti naman ang salubong sa amin nina Kylie at Alver habang sina Randy at Kieran naman ay nakatingin lang.
"Thank you."
"See you later?"
"Hmm. Okay."
Humalik ako sa pisngi niya at ikinigulat niya iyon. Ngumiti din naman agad ang loko at pinisil ang ilong ko.
"Sana all!" sabay sabay na sabi ng apat.
Inirapan ko lang sila at umupo na. Narinig kong tumunog ang cellphone ko at sa inaasahan, si Lucas nga.
Lucas:
Isa pa nga. Later? ;)Napailing naman ako at natawa.
Me:
Kapal!Lucas:
Damot :(Me:
Whatever! Hahahahaha! Later na lang. May class na ko.Lucas:
Okay, baby."Hmm. Improving ah?" natatawang sabi ni Alver.
"Sira."
"Crush ko pa naman. Hay sige. Sayo na." nagtataray namang sabi ni Kylie.
Dalawang buwan na rin ang lumipas. Simula ng matapos ang birthday ni Genevieve, hindi na talaga kami nag-usap ni Dominic. Bukod kina Genevieve, Kylie at Alver, sila lang ang nakakaalam ng nangyari at mabuti na lang at hindi napansin ng iba.
Bakit ba kasi ako nalasing? Bakit ko ba sinabi yun?
Gusto ko ba si Dominic?
Parang hindi naman. I mean, hindi naman talaga.
BINABASA MO ANG
Didn't we almost have it all?
RomansBeing in love is one the best feelings in the world. It is beautiful and reckless. However, the circle of forever didn't last that long as we thought. No matter how much effort we put, love isn't enough. Tori Leigh Martinez drowned herself in alcoh...