Kabanata 14

42 3 0
                                    

Nagising ako sa ingay mula sa baba. Nagmadali akong nag ayos kahit na sobrang sakit pa ng ulo ko. Bigla ko namang naalala ang nangyari kaninang madaling araw. Wala akong mukhang ipapakita kay Dominic at nababaliw na naman ako kaiisip kung paano ko siya haharapin.

Bumaba ako na parang walang nangyari at nakita kong nakahanda na pala ang breakfast.

"Mas mukhang lasing ka pa samin ah? Good morning." natatawang bati ni Genevieve.

"Nag ayos na ko ah? Mukha ba akong fucked up?"

"Medyo, girl." sabi naman ni Rowena.

Pagkatapos namin kumain ay nanood na kami ng movie. LOL ang pinapanood namin ngayon, si Miley Cyrus ang bida. Ilang beses ko na napanood ang movie na ito pero hindi pa rin nakakasawa.

"Pogi!" kinikilig na sabi ni Rowena.

"Mas gwapo boyfriend mo." bulong naman sa akin ni Genevieve.

"Tss."

Kinuha ko naman ang phone para magtingin ng tweets. Biglang may notif at nakita kong nagtext si Dominic. Napatingin ako sa side niya, hawak niya ang phone niya habang nanonood ng movie.

Dominic:
We can talk now.

I breathed heavily.

Dominic:
Or later?

Hindi ako nag-reply at nagpatuloy sa panonood. He turned around and looked at me, he even mouthed "I texted you" pero hindi ko siya pinansin at nag-iwas agad ako ng tingin.

Dominic:
You're avoiding me and it's not working.

Me:
Fyi, I'm not avoiding you. I'm watching.

Biglang tumunog nang malakas ang phone ko. Dominic is calling me. What the fuck? Tumingin silang lahat sa akin at dali dali kong pinatay ang tawag. Kinabahan pa ako dahil katabi ko si Genevieve, mabuti na lang at hindi niya nakita kung sino ang tumatawag.

"Sino yon?"

"Si Anna, yung pamangkin ko. Diba napipindot niya lagi yung call? kaya hindi ko na rin sinagot." pilit akong tumawa.

"Oo nga pala." halakhak ni Genevieve.

Dominic:
Still not talking to me huh?

Me:
Fine. Let's talk.

Sinabi ko kay Genevieve na may hahanapin lang ako sa kwarto kaya nagmadali akong umakyat. Nag-abang ako sa hagdan at hinintay si Dominic. Narinig ko naman na sinabi niya kay Rowena na may kukunin lang siya.

"I remember what happened last night, I mean nung madaling araw and you don't have to say something." paninimula ko.

"I'm not saying anything." ngumiti lang siya nang nakakaloko.

"And the kiss? It's nothing. I just thought you're someone that I like."

What a white lie, Tori.

"Hmm."

"I was drunk and let's just forget what happened, okay? Yun lang naman."

Hindi pa rin siya nagsasalita at parang naghihintay kung ano ang sunod kong sasabihin.

"Yun lang."

"Really, Tori?"

"What made you think na may iba pa akong sasabihin?" I faked my laugh.

"Because I think you're missing something."

"Ano?"

"Before you asked me for a kiss.." natawa siya nang bahagya. "You texted me. You asked me kung pwede tayo mag-usap and then I replied, I even waited for you downstairs pero wala ka. Then, I heard you groaning that's why I went to your room."

Didn't we almost have it all?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon