Simula

234 7 5
                                    

Simula

"I never loved you. I'm sorry."

It's been months since I heard those words and it is still haunting me everyday. I always thought that we were okay. I thought he loved me, I thought he was sincere, but I was wrong.. he never really loved me.

"Cheers!" sabay sabay naming itinaas ang shot glass at uminom nang diretso.

God! It hurts. Naka-ilang bottle na kami pero hindi pa rin ako nagsasawang mag-inom. I just want to forget everything about him.

I love him but I want to forget.

Am I too young for him? 5 years lang naman, pero sinabi niya sakin na "I'm too young" for him daw.

"Tori! Iinom mo na lang yan." natatawang sabi ni Randy sabay lagay niya ng juice sa baso ko. Akala niya hindi ko alam na hindi alak nilagay niya kaya hindi ko tinanggap.

"He's not worth it, babe." sabi naman ni Genevieve at bigla niya akong niyakap.

I am so lucky to have my friends. Sobra. Without them, I will be lying on my bed until I fell asleep or mag-iinom na lang ako mag-isa.

"You know what guys? I am so fucking happy because sinabayan niyo 'tong pagka-broken ko. I love you all! Cheers!" naiiyak kong sabi.

I can't believe I'm crying right now. It's not that I'm not crying everyday but it feels different when I'm with my friends. Ang gaan sa pakiramdam.

2 weeks na lang pasukan na and of course, same university pa rin kami ng friends ko although hindi na kami magkaklaseng lahat. I'll be taking BS Accountancy with Randy and Kieran. Sina Genevieve, Rowena at Blair naman ay BS Nursing.

"Ayoko na mag-inom, Tori! Putangina." lasing na sabi ni Kieran sakin na parang nagmakakaawa.

Pangatlong gabi na namin sa bar at nag-iinom na naman kami. Niyaya ko kasi sila kasi hindi ko talaga kayang magmukmok na lang sa bahay at umiyak.

I need a drink. And yes, alcohol is always the answer.

"Umuwi ka na lang kaya?" naiinis kong sabi kay Kieran.

"Joke lang eh, ito naman hindi mabiro." natatawang sabi niya sa akin.

Hindi na lang ako nagsalita at patuloy pa rin na nag-inom at tingin sa phone ko. Hinihintay ko kasi ang text ni Rowena dahil nangako siyang pupunta siya ngayon kaso nagka-emergency lang.

"Punta lang ako sa comfort room." sabay tayo ko at dinala ang bag ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila.

Nang makapunta ako sa comfort room, nag-hilamos lang ako ng mukha at nag-make up ulit.

Maglalagay na sana ako ng lipstick nang biglang may pumasok sa loob.

What the fuck? I forgot to lock the door?!

"Shit sorry. I can't.. Shit. Ihing na ihi na ako."

Hindi na ako nagsalita at dali daling lumabas. The nerve of that guy!

Tiningnan ko ang phone at may 5 missed calls na si Rowena. Fuck. I forgot to answer her texts and calls.

Tatawagan ko na sana siya pero napatingin ako sa table namin at nandun na siya. May kasama. Is this really Rowena?

"Who's that papi?" natatawa kong sabi kay Rowena sabay tingin sa kasama niyang lalaki.

Nagtawanan ang lahat at hinintay ang isasagot ni Rowena.

"Okay okay. Guys, this is Dominic and Dominic, these are my friends." tinuro kami ni Rowena at tumingin siya kina Genevieve at Blair na akala mo aagawin si Dominic.

Didn't we almost have it all?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon