Binisita ako ngayon nina Kylie at Alver. Matagal na rin kaming hindi nagkita dahil umuwi sila sa probinsya tsaka hindi kami magkaklase ngayong sem.
"Bless po." sabi ni Alver habang nagbbless sa parents ko.
"Ang plastic ng bakla." bulong naman ni Kylie sa akin. "Bless din po."
"Mas plastic ka tanga." bulong din ni Alver.
Nagtawanan naman kami dahil napansin yata nila Dad na nag-aasaran ang dalawa.
"Tamang tama magluluto ako ng kare kare ngayon." natutuwang sabi ni Mom. "Saan ba muna kayo? Sa kwarto ni Tori or sa salas?"
"Sa kwarto na lang muna kami, Mom." sabi ko.
Nang makaakyat kami sa kwarto ay hinigit nila ako sa kama at pinagitnaan.
"Ano na naman? Walang chika." natatawa kong sabi.
"Close na pala ulit kayo ni Riley ah." pang-aasar ni Alver.
"What? Paano niyo nalaman?"
"Lumabas sa news feed yung naka-tag sayo girl! Ang genuine naman ng smile nyo." pang-aasar pa ni Kylie.
Humalakhak ako nang malakas. "Mga baliw kayo!"
Simula nang dumating sila dito ay nanood lang kami ng Emily in Paris. Gabi na rin nang matapos namin ang series kaya dito na rin silang dalawa nakapag-dinner.
"Ang sarap niyo talaga magluto tita!" ani Alver habang kumukuha ng ulam.
"Mabuti naman at nagustuhan niyo. Sige, kain lang kayo dyan." natutuwang sabi ni mom.
"Nakakatuwa naman kayo. Mabuti na lang at naging kaibigan din kayo ng anak ko." sabi naman ni dad.
"May boyfriend ka na ba Kylie?" tanong ni mom kay Kylie.
Natawa naman kaming dalawa ni Alver. Mas bakla pa kasi minsan si Kylie sa aming dalawa dahil sobrang kalog niya talaga at funny pa. Maganda rin siya pero feeling ko talaga may tinatago sa amin si Kylie. Hmm.
"Madami po!" sagot ni Alver.
"Kapal bakla! Wala po, tita. May pinsan po ba si Tori na bagay sakin?" hagikhik ni Kylie na ikinatawa naming lahat.
"Ipakilala mo nga sa kanya Justin, anak." natatawang sabi sakin ni mom.
Bigla kong naalala si Justin. Mas matanda siya sa akin ng 2 years at masasabi kong gwapo nga siya pero babaero. Lahat na lang yata nang makilala niya sa bar ay nakaka ONS kaya wala rin akong tiwala kahit pinsan ko pa siya.
"No thanks, mom. Babaero si Justin."
"Grabe ka naman sa pinsan mo. But he's handsome, Kylie."
"Tita naman! Kinikilig na agad ako. Charot!" natatawa ulit na sabi ni Kylie.
Nagtawanan lang kami hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Nagpaunahan pa kaming tatlo nina Kylie at Alver sa pagkuha ng phone ko sa table.
"Riley!" kinikilig na sabi ni Alver.
"Oh my god!" sabi naman ni Kylie.
Kinuha ko naman agad ng cellphone ko at sinamaan silang dalawa ng tingin. Tumatawa naman sina mom at dad habang nagpapatuloy pa rin sa pagkain.
"Excuse me po." tumango lang sila at pumunta na ako sa may living room.
"Hello?"
"Hey. You busy?"
Ano kayang kailangan? Hmm.
"Not really. We're just eating."
"Oh. Sorry for calling you. Later na lang?"
BINABASA MO ANG
Didn't we almost have it all?
Storie d'amoreBeing in love is one the best feelings in the world. It is beautiful and reckless. However, the circle of forever didn't last that long as we thought. No matter how much effort we put, love isn't enough. Tori Leigh Martinez drowned herself in alcoh...