"Congratulations!"
Niyakap namin ang isa't isa at hinagis sa taas ang cap. Graduation namin ngayon at pumunta rin ang barkada ko.
Finally, naka-graduate na rin at review na lang ang iisipin.
"Congratulations, Tori." agad kong niyakap si Riley at binigay niya naman sa akin ang bouquet.
"Thank you, Riley!" natutuwa kong sabi. Kinilig naman ang lahat maliban kina Genevieve at Kieran.
"Saan nyo gustong kumain? Treat na namin." pag aaya naman ni Dad.
"Kayo po bahala, tito." sabi naman ni Genevieve.
Umuwi ang parents ko dahil ng graduation pero hindi pa rin sila magtatagal dahil ng work. Mabuti na lang din at magkakasama kami pati ng friends ko, kasama nga rin namin ang parents ni Randy. Hindi naman nakasama sina Kylie at Alver dahil may sarili din silang pupuntahan ng family nila.
"Hindi na po ako magtatagal tito, may work pa rin po ako and I just came here for Tori." ani Riley.
Nakita ko naman na kinikilig sina Blair at Rowena sa narinig.
"Sayang naman." malungkot naman na sabi ni mom. "Punta na lang kayo ng mama mo sa Saturday! Celebration ng graduation ni Tori."
"Sure, tita. Alis na po ako." he smiled then looked at me. "Congrats, Tori!"
Nang umalis na si Riley ay hindi pa rin nawawala ang ngiti at kilig ng mga kaibigan ko.
"Comeback na kasi!" Rowena exclaimed.
"Ilang years na rin kayong friends diba? Wala bang bumabalik na feelings?" pang-aasar ni Blair.
Simula nung naghiwalay sina Ate Vivian at Riley ay hindi na lang nangialam si Blair. Hinayaan niya na lang din na maging close ulit kami ni Riley dahil wala naman daw masama doon at labas naman daw kami sa problema ng dalawa.
Nagulat nga ako dahil todo suporta pa siya sa amin ngayon ni Riley dahil parang may sparks pa rin daw.
"Move on na guys! Ang tagal na kaya noon and they're better off as friends." Genevieve confidently said.
"Oo nga and Tori looks happier now. Kung hindi lang natin siya friend baka maisip ko na may boyfriend dahil sa sobrang blooming." pangloloko naman ni Randy.
Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya at hindi nakapagsalita. Napatingin naman ako kina Genevieve at Kieran na natatawa.
"Let's go. Sa Friday's tayo." natutuwang sabi ni mom.
Excited ang lahat dahil libre daw ng parents naming dalawa ni Randy. Natuwa pa sila dahil may celebration ulit next week, ipaghahanda raw kasi ako.
Habang nasa byahe ay biglang bumulong sa akin si Genevieve.
"Saan siya?"
Hindi agad ako nakapagsalita dahil napapatingin sa amin sina Rowena.
"Work." tipid kong sagot.
"Ano yan? Share naman!" hiyaw ni Blair.
"May chika!" natatawa namang sabi ni Rowena.
"May tinanong lang ako mga gaga." humalaklak si Genevieve at hinampas pa ako nang bahagya.
Nang makarating kami sa Friday's ay pumili na agad sila Dad ng para sa aming lahat. Habang naghihintay ay nagpaalam agad si Genevieve sa kanila hinila agad ako papunta sa watsons.
"Aray gagi ka." natatawa kong sabi habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Bakit hindi siya pumunta?" nagulat ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Didn't we almost have it all?
RomanceBeing in love is one the best feelings in the world. It is beautiful and reckless. However, the circle of forever didn't last that long as we thought. No matter how much effort we put, love isn't enough. Tori Leigh Martinez drowned herself in alcoh...