Kabanata 1

63 3 0
                                    

It's almost midnight and we're still drinking. Medyo tipsy na sina Genevieve at Kieran habang sina Blair, Rowena, Dominic, Randy at ako naman ay patuloy pa ring nag-iinom. Mukhang nasanay na yata ako sa alak. Hindi na ako nakakaramdam ng lasing.

Ite-text ko sana si Riley pero kinuha agad ni Randy ang phone ko.

"Ano ba?!" naiinis kong sabi sa kanya kasi nilagay niya sa bulsa niya ang phone ko.

"Hindi pwede."

Nakakainis. Sasabihin ko lang naman na nag-iinom ulit ako. Alam kong may pakialam pa rin sakin si Riley kaya gusto ko siyang i-text, hindi naman siguro siya magagalit diba?

Minahal niya naman talaga ako diba?

O baka ako lang 'tong umaasang babawiin niya pa rin ang sinabi niya sakin nung gabing iyon?

"Spin the bottle!" sigaw ni Genevieve sabay kuha ng bote at inilagay sa gitna ng table namin.

Halos mabitawan ko na ang shot glass ko nang makita kong hinahawakan ni Dominic ang hita ni Rowena. Tama ba ang nakita ko? Or nag-iimagine lang ako?

Hindi na lang ako nagsalita. Baka mamaya masabi ko pa sa mga kaibigan pero hindi pala totoo kaya nanahimik na lang ako.

Pinaliwanag lahat ni Genevieve ang gagawin. Ang hindi naman susunod ay maglilinis ng pinag-inuman namin. Pumayag naman kaming lahat kaya tuloy tuloy na.

Nang iikot na ni Genevieve ang bote ay biglang tumapat sa akin. Ako agad? Kinabahan ako kasi hindi ko alam kung anong ipapagawa at itatanong nila sa akin.

"Anong gusto mong unahin? Truth muna or dare?" tanong sa akin ni Genevieve habang napapapikit na kasi lasing na talaga siya.

"Truth." confident kong sabi.

"What will you do if you found out that your ex boyfriend is banging someone else?" Fuck. Really, Genevieve?

"Uhh.." hindi ako makapagsalita kasi iniisip ko pa lang, naiiyak na ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"You don't have to answer that, Tori. Ibang tanong na lang Gen!" pagdedepensa ni Kieran sa akin.

"KJ! Sige ito na lang--" hindi na natuloy ni Genevieve ang sasabihin niya nang biglang bumulong sakin si Kieran.

"Don't." ngumiti lang ako sa kanya.

"I will still fight for him because I love him. " what the fuck did I just say?

"Ang tanga." nagulat kami nang biglang nagsalita si Blair.

"Oh, I mean... Nothing. Sorry, Tori. It's just that stop fighting for him. He's not even worth it." seryosong sabi ni Blair habang nakatingin lahat sa kanya.

Tumahimik ang lahat at pinutol naman ni Randy ang katahimikan.

"Dare!"

"Block your ex on his social media accounts." sabi ni Genevieve.

Is she serious?

"I can't." naiiyak kong sabi.

"You can. Ayaw mo lang talaga." sabi ulit ni Blair.

Ngayon lang namin nakita na seryoso si Blair at nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

"Stop, Blair." naiinis na sabi ni Randy.

"What's your problem?" naiinis na ring sabi ni Rowena sa kanya.

"Okay lang. Matagal na din naman. Tama si Blair, I need to move on." nakangiti kong sabi kahit tumutulo na naman ang luha ko.

Didn't we almost have it all?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon