"Hungry?" tanong ni Riley.
"Super, pero okay lang naman." natatawa kong sabi.
Nandito na kami sa reception at may kaunting program pa raw na magaganap bago kumain. Pinuntahan lang ako ni Riley sa table namin para itanong kung okay lang ako.
"She's okay, couz. Bumalik ka na sa table niyo." sabi ni Avery.
"Okay. Laters." bumalik na siya sa upuan niya.
"Sayang hindi kasama si Tita Fiona." sabi ko.
"I know. I miss her." malungkot niyang sabi. "Omg! Oo nga pala, may nakita akong gwapo kanina."
Natawa ako at hinampas siya. Mahilig talaga to sa gwapo. "Sino?" tanong ko.
"Ayun!" she pointed out to Dominic.
Damn. Si Dominic talaga?
"Ohh."
"Diba? Ang gwapo at ang hot niya sa tuxedo. Paano pa kaya kung nakahubad no?" natatawa niyang sabi.
"Baliw ka!"
"Ano kayang name niya?" tanong niya sa kawalan habang nakatingin pa rin kay Dominic.
"Dominic."
"You know him? Omg! Pakilala mo ko." she exclaimed.
"Boyfriend siya ng friend ko." natatawa kong sabi.
"Awit. Taken na pala." sumimangot siya.
Sakto namang tumingin sa side namin si Dominic.
"Oh my god! Tiningnan niya ako." hinawakan pa ni Avery ang kamay ko at kinikilig daw siya.
Seryoso namang tumingin lang sa akin si Dominic at hindi ngumingiti. Simula nung new year kasi, hindi na talaga kami nag-usap at nag focus lang siya kay Rowena.
"Wait lang, Tori ha. Puntahan ko lang fam ko." sabi ni Avery at pinuntahan na ang mga tita niya.
"Sure."
Ang ganda ng reception. Sobrang ganda ng mga lights at nang pagkakaayos. Tumayo naman ako at pumasyal.
To: Riley
Pasyal lang ako. Don't worry about me.Nag-reply naman agad siya.
Riley:
Okay.Pumunta ako sa may swimming pool. Mabuti na lang at may bench doon para makatambay ako kahit ilang minuto lang. Sakto rin at walang ibang tao.
Hay. Ang ganda talaga.
"Hey." nagulat ako sa nagsalita.
"Dominic?"
"Yeah." he replied. "How are you?"
"I'm doing great. Ikaw?" tipid kong sagot.
"Nothing's new. I'm still the same." he shrugged.
Wala akong masabi. Anong sasabihin ko? At bakit ba ako kinakabahan?
"So, your ex.. I mean, you got back together?"
"No. We're just friends." tumaas ang kilay niya. "What? Totoo naman." humalakhak ako nang bahagya.
"I see."
"Friend mo yung bride?" tanong ko.
"Yeah and ex." he chuckled.
Oh. Ex niya? Feeling ko tuloy magseselos si Rowena.
"Alam ni Rowena?"
"Of course. Akala mo ba magseselos siya?" tumawa siya.
Bakit ba? Akala ko lang eh. Hindi ko naman itatanggi na selosa kami nina Rowena, Genevieve at Blair.
BINABASA MO ANG
Didn't we almost have it all?
عاطفيةBeing in love is one the best feelings in the world. It is beautiful and reckless. However, the circle of forever didn't last that long as we thought. No matter how much effort we put, love isn't enough. Tori Leigh Martinez drowned herself in alcoh...