Kabanata 16

42 2 2
                                    

The kiss felt so real. Alam kong mali pero iba ang nararamdaman ko. Ginusto niya ba iyon?

"Gising na!" sigaw ni Genevieve.

Kanina pa akong gising pero pinipilit ko lang na ipikit ang mga mata ko. Ayokong makita si Dominic, kahit si Rowena. Nakokonsensya ako sa nangyari kagabi.

"Tori, ikaw na lang ang nakahiga!" sigaw ulit ni Genevieve at ngayon ay hinihila niya na ang paa ko.

"Ito na nga." sabay bangon ko.

Nakaligo na pala silang tatlo. Nagmadali naman akong naligo at nag-ayos. Pupunta kami ngayon sa tangadan falls kaya magdadala ulit kami ng bikini. Excited naman ang lahat at sobrang ganda raw doon.

Naka black spaghetti strap top at denim shorts ako. Sinuot ko rin ang hoop earrings ko at nag make up ng kaunti.

"Sexy ah!" natutuwang sabi ni Rowena at hinampas pa ang pwet ko.

Gusto kong tumawa pero naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

Oh, God. I feel so bad.

Sa huli ay tumawa na lang ako kahit napipilitan. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ang katok mula sa pinto namin.

"Ako na." sabi ni Genevieve.

"Good morning." alam ko na agad kung kaninong boses iyon.

"Good morning babe!" tumili si Rowena at niyakap si Dominic.

Gustuhin ko mang tumingin sa kanila ay hindi ko pa rin magawa. Sobrang mali. Sobrang sama ng ginawa ko, ng nangyari kagabi.

"Sexy ni Tori ah?" natatawang sabi ni Kieran.

Binato ko naman agad siya ng unan at nag fuck you sign.

Bumaba na kami para mag breakfast. 7:30 am na at buti na lang ay libre raw ang breakfast dito sa tinutuluyan naming hotel.

"Kamusta kagabi guys? Did you have fun?" nakangiting tanong ni Rowena.

"Nakahanap kami ng boys!" kinikilig naman na sabi ni Blair.

"Really?"

"Yes, girl. Ang sweet nga ni Tori at nung guy na kasayawan niya. Ano ngang name niya?" tanong sa akin ni Blair.

"I don't know." natatawa kong sabi at nagpatuloy ulit sa pagkain.

"Ano ba yan, need natin malaman kung ano name niya. Ang hottie kaya!" kinikilig naman na sabi ni Genevieve.

"Woah. So kayo pala yung nakita kong nag kiss?" bigla akong napaubo sa sinabi ni Randy.

What the fuck? So nakita niya kami?

"Oh my g!" kinikilig na sabi ni Rowena.

Napatingin naman ako kay Dominic na kumakain pa rin. Simula nung pagkababa namin ay ramdam ko ang pag-iwas niya.

"Kwento naman!" ngayon ay gusto curious na silang lahat. Nakakainis. Paano nila nakita yon?

"Hindi ko na maalala nangyari last night." tipid kong sagot.

"Pwede ba yun girl? Ang hottie niya kaya! How can you forget it?" sabi naman ni Genevieve.

Oo nga naman, how can I forget Dominic?

How can I forget about the kiss?

"Sobrang lasing ako kagabi. Hindi ko na talaga maalala." pilit akong tumawa pero hindi talaga nakakatawa.

"Okay, we respect your privacy! Pero if you're ready, tell us ha!" may pagkindat pa si Rowena sa akin.

Ngumiti lang ako habang sila ay nagpatuloy pa rin sa tawanan. Palihim naman akong tumingin kay Dominic na nakikitawa rin sa kanila.

Didn't we almost have it all?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon