Kabanata 17

56 2 0
                                    

"We're home!"

Nagulat ako nang makita ang parents ko na nakaabang sa akin sa baba. Ang dami nilang dalang gamit at pasalubong.

"Mom! Dad!" sinalubong ko sila ng yakap.

"How's our baby girl?" nakangiting tanong ni Mom.

"I'm doing great, mom. Masaya naman po nung nag La Union kami and kila Genevieve po ako nag christmas."

"Sorry for being busy, anak. Alam mo naman na ginagawa lang namin ito para sa future mo. We miss you." sabi naman ni Dad. Naiintindihan ko naman at hindi ako nagrereklamo. They've been working hard for me and I'm glad that we're together now. I'll be celebrating new year with them.

"Sa labas na tayo kumain mag dinner ha? Namiss ko ang restaurant dito sa pinas." nakangiting sabi ni Mom. "Ayusin muna natin itong dala naming pasalubong."

Habang nag-aayos ng mga pasalubong ay bigla kong naalala ang nangyari sa La Union.

Me:
Oh shocks. Akala ko kay Randy ko nasend. Sorry!

Agad namang nagreply si Rowena gamit ang number ni Dominic.

Dominic:
I know sis! Nagulat lang ako kasi akala ko kung anong paguusapan niyo ni Dom at kailangan pa na private. Hahaha! Don't worry, I'll tell him na na-wrong send ka lang.

Hindi na ako nagreply dahil dumating din agad sila dito sa baba para kumain. Binati naman ako ni Rowena at nilampasan lang ulit ako ni Dominic. Simula noon ay hindi niya na ako kinausap. Inexpect ko na babatiin niya man lang ako kahit nung christmas ay hindi rin.

"Anak?" tawag sa akin ni Dad.

"Yes po?"

"Come here."

Lumapit ako kay Dad na nakaupo sa sofa at may hawak siyang maliit na paper bag. Pandora?

"Is that for me, Dad?" naiiyak kong tanong.

"Yes, anak. Alam namin ng mom mo na matagal mo na itong gusto pero hinintay naming makauwi dito para maibigay sayo sa personal." niyakap ko agad si Dad at napaiyak. Lumapit din naman si Mom at nakiyakap sa amin.

I really missed my parents. Thank God they're here.

"Kamusta naman ang studies anak? Wala ka pa naman sigurong boyfriend ulit?" humagikhik si Mom at nagpatuloy sa panonood ng tv.

"Okay naman po ang grades ko and wala pa rin po akong boyfriend after Riley. I'm still recovering."

"Hindi ka pa ba moved on?" umayos ng upo si Mom at lumapit sa akin.

"Almost a year na rin po kaming hiwalay and I think I've moved on already. We talked na rin naman po and I even visited Tita Fiona." nakangiti kong sagot.

"That's good to hear. Oo nga pala, may pasalubong din ako kay Fiona dahil mag kumare pa rin naman kami kahit hiwalay na kayong dalawa ni Riley." pareho kaming natawa at nagpatuloy lang sa kwentuhan.

6:30 pm nang umalis kami sa bahay para pumunta sa favorite restaurant ng parents ko. Ang tagal ko na ring hindi nakakakain dito dahil ipinangako ko na saka lang ako kakain dito kapag kasama sila.

"Ayan na pala sila." nakangiting sabi ni Dad.

Nagulat ako nang makita sina Riley at Tita Fiona na papalapit sa table namin.

Oh. It's awkward to see Riley.

"Balae!" sabay na sabi ni mom at tita at nagyakapan pa.

Pareho naman kaming nabigla ni Riley habang si Dad ay natatawa sa narinig.

Didn't we almost have it all?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon