Chptr 1 - Kathryn's first day

213 2 0
                                    

KATH


"Goodmorning Philippines! Goodmorning world!" Bati ni Kathryn na may ngiti sa kanyang labi. She's fond of Toni's line everytime PBB comes on so no curiosity about that. Isang typical na estudyante masaya ang gising sa unang araw ng school?


Si Kathryn yan!


Kinuha niya ang cellphone niya para i-check ang oras. Ala-sais palang ng umaga at may isa't kalahating oras pa siya para maghanda, buti na lang at malapit din ang eskwelahan nila. Nag-vibrate din ito at nag-message si Julia.


From: Julia

Goodmorning Kath! Sabay tayo pumasok ha? Puntahan nalang kita diyan sainyo. Namiss kita super!! Loveyou!


Lalo siyang na-excite na magkikita din sawakas ng bestfriend na walang ginawa kundi maging tambay sa Lola niya sa US. May mas maaga pa pala kesa sakanya?


To: Bessie Julia

Goodmorning Juls! See you later! :) xo


Tumayo na siya sa kama at nag-inat inat sakto naman at kumatok ang kanyang Ate Daisy na nag-alaga sakanya simula bata pa at naging bestfriend na din niya kapag wala si Julia. "Miss Kath, gising na po. Handa na po ang pagkain."

"Osige po ate, susunod na po ako."


Pagbaba niya nandun na ang Mommy at Daddy niya at kararating lang ni Julia. Sabay silang nagsalo salo pagkatapos ay umalis na ng magkahiwalay para pumunta sa kani-kanilang destinasyon. Maswerte kahit papano si Kath dahil nakikita at kahit papaano ay nakakakwentuhan niya ang kanyang magulang, di tulad ng iba na masaya dahil sa materyal na bagay na nabibigay ng magulang pero hindi natutukan.


>>


Pagdating nila ni Julia sa classroom maingay na agad at halatang excited makipagkwentuhan sa isa't isa kahit puro sila matatalino at hindi niya binayaran ang section na ito, alam niya na mana siya sa matatalino niyang magulang kaya lumago ang business ng kanilang pamilya. Na-upo sila sa second to the last row kasama ang isa pa nilang kaibigan na sina Miles. Ayaw niya kasi ng masyadong exposure porket anak siya ng school, ayaw niya ng tipikal na buhay mayaman.

"Oh hello there freak.. oops, I mean Kath." Tumingin siya sa likod niya at nakita si Zharmella Gomez na nakangisi. Binalewala na lang niya ito at tuloy parin sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.

"Ang aga Zharm, ah! Dun ka na nga." Inis na sambit ni Miles.

"Hindi ikaw kausap ko Milya. Pero sabagay freak ka din naman eh." Reply naman ni Zharm na parang ayaw talaga sila tigilan. Buti dumating ang kanilang teacher kaya bumalik na ito sa kanyang upuan.

Hindi parin lubos na maisip ni Kath kung bakit nagkaganyan ang kanyang dating bestfriend. They were inseparable, including Julia, when they were kids but the adolescent stage and she changed in an instant. She shrugged it off and listened to their teacher.

Reminders at announcements lang ang nangyari pero ang bagal ng oras at nakakagutom maghintay ng time. Hindi na sila nagtagal sa classroom at dumeretso na sa cafeteria para kumain.

Rivals But Lovers - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon