Chapter 3

2K 132 17
                                    







Unedited...






Napabalikwas si Scalpel nang maramdaman ang malamig na dulo ng baril sa noo niya.

"Papatayin mo ako?" tanong niya at naupo pero nakasunod pa rin ang dulo ng baril. "What?"

Blangko ang mukha ni Eight na nakatitig sa kanya.

"Sabihin mo kung bakit nandito ka?"

Pasimpleng napasulyap si Scalpel sa wallclock. Alas singko 'y media pa lang kaya hinihila pa siya ng antok.

"Tutulong ako sa medical mission sa aeta," sagot niya.

Narinig niya ang pagkasa nito ng baril at bigla na lang lumiyab ang mga mata nito sa galit.

"Ano ang kinalaman mo sa pagkamatay ng fiancée ko?" mahina pero puno ng galit na tanong nito.

"Nadamay lang ako rito."

Itinali niya ang mahabang buhok at hinanap ang tsinelas para puputa sana sa banyo pero hindi siya makatayo dahil nasa tapat niya si Eight.

"Hindi nadadamay sa gulo ang mga Lacson o Angeles!"

Napatingala si Scalpel dito na bigla na lang umigting ang bagang dahil sa galit.

"Oras malaman kong may kinalaman ka sa pagkamatay niya, kakalimutan kong naging matalik na magkaibigan ang mga ninuno natin at papatayin ko rin kayong lahat!" pagbabanta nito at sinuri ang mukha ni Scalpel pero wala siyang nakitang kahit na ano mang takot sa mga mata.

"Hindi ba't matagal na ninyong kinalimutan iyon?" tanong ni Scalpel at ngumisi. "Bakit nga ba kayo pumirmi rito sa Negros? Bakit naging kuntento ka na maging isang pulis lang?"

"Unlike you, may dignidad kami!"

"Ah, dignidad pero naging tuta ng gobyerno at—"

Napatigil siya nang idiin ni Eight abng baril sa sintido niya.

"Hindi ako bayaran at hindi ako tuta ninuman!" mahina pero gigil na sabi ni Eight pero napakunot ang noo niya nang biglang tumawa si Scalpel.

"Just kidding, Walo. Bakit ba panay ka tutok ng baril eh, hindi mo naman pinapaputok?" nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya kaya mas lalong kumulo ang dugo ng binata. "Lumabas ka na dahil matutulog pa ako."

Binawi ni Eight ang baril at galit na lumabas kaya napailing si Scalpel at muling nahiga pero kakaidlip lang niya nang gisingin siya ng katulong.

"Morning!" masiglang bati ni Ten nang makasabay niyang pababa sa hagdan. "Pasensiya ka na kung maaga ka pa naming ginising."

"Okay lang," sagot ni Scalpel at napatingin sa malaking larawang nakadikit sa dingding.

"My great grandparents," sabi ni Ten nang mapansin ang tinititigan niya.

"Lhen and Adrian Montemayor," usal niya.

"Yeah. Sila ang nagturo sa pamilya namin na magkaroon ng simpleng buhay rito sa Negro Occidental kasama ang mga magsasaka ng pamilya."

"Hanga ako sa pamilya ninyo dahil hindi ninyo pinababayaan ang mga magsasaka ninyo."

"Without them we are nothing. Sila ang nagsu-supply sa amin ng bigas at gulay kaya kahit na nakapagtapos na ang mga anak nila, mas pinili pa rin nilang manatiling magtanim ng bahay."

"I see..." ani Scalpel. Kabaliktaran naman sila. Mga mangingisda ang pinoprotektahan ng kamag-anak niya dahil nasa isla sila.

Nang makababa sila sa dining area, napasulyap siya kay Eight na kumakain na.

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon