Chapter 8

2K 161 21
                                    






Unedited...





"Kailangan ba talaga nating lumangoy patungo roon?" hindi makapaniwalang tanong ni Eight habang naglalakad sila patungo sa cottage ni Eight.

"Mamayang gabi natin gawin," sabi ni Scalpel.

"Malayo yon!"

"Alam kong matibay ang resistensya mo sa tubig," sabi ni Scalpel. "Don't worry, sasakay tayo sa yacht mo pero hindi tayo lalapit sa affected site. Lalanguyin natin para hindi halata."

"Ano ang gagawin natin?"

"Mamaya na tayo magplano," sagot ng dalaga. "Bili mo 'ko ng souvenir."

"Eh 'di bumili ka!"

"Wala akong pambili," sagot niya kaya hinarap siya ng binata. "Wala akong dala kahit piso."

"Paano ka nakarating dito?"

"Diskarte," sagot ni Scalpel at kinagat ang kitkat. "Kinuha na nila ang fifty pesos ko."

"May pagkain kang dala?"

"Itong kitkat at Skyflakes," sagot niya.

"Nagbayad ka ng 50 para sa pagkaing hindi nga umabot ng trenta?"

"Sobra pa sa trenta pesos ang lasa," sagot ni Scalpel. Kakainin na sana niya ang Kitkat nang sitain siya. Bawal magdala ng pagkain at kung magdala man at magdala man ay magbabayad ng 50 pesos per head. Bawal din gumamit ng pera dito dahil bago pa man tumawid sa dagat ay dapat magpapalit na sa cashcard para gamitin sa pambayad kung may bibilhin man.

Napatingin siya sa kamay ni Scalpel na pumulupot sa kanang braso niya.

"Masakit pa ba ang sugat mo sa braso, Gha?" malambing na tanong ni Scalpel habang naglalakad sila.

"What are you doing?"

"Kicking every girl's ass in this resort!" nakangising sagot ni Scalpel at napasulyap sa papahilom nang sugat sa braso ng binata noong nahulog kay Wind. "Bakit dito mo naisipang kumuha ng cottage?"

"Gusto ko siyang bilhin pero ayaw ipagbenta ng may-ari. Bilang kaibigan ng pamilya, tatlong cottage lang ang ibenenta sa pamilya namin. Tig iisa kaming magkapatid. Ito ang pinakamalapit at pinakamagandang resort sa amin. Wala pang turista noon kaya ang tahimik pa at may privacy ako," sagot niya at sinariwa ang aalaala nila ni Reynalyn. à sila unang nagkakilala at dito rin ang unang may nangyari sa kanila. Ipinangako niya sa sariling bilhin niya ito para sana kung magkapamilya na sila ay dito na sila mamuhay pero ayaw talagang ipagbili ng may-ari.

Sa pinakadulo ang cottage ni Eight katabi ng dalawang punong niyog.

"May mga damit diyan," sabi ni Eight nang maupo si Scalpel sa kama nang makapasok na sila. "May tuwalya sa pinakailalim ng drawer."

Iginala ni Scalpel ang mga mata sa kabuuan. May pandalawahang kama na gawa sa narra, couch sa gilid, aparator, maliit na dresser at may banyo rin. Maliit lang pero malinis ang kabuuan ng silid. Very musculine tingnan at madilim sa loob lalo na't gawa sa kahoy ang mga gamit at kulay khaki at dalandan ang kulay ng makapal na kurtina, bedsheet at punda.

Nilingon niya si Eight na naka-de kuwatro na sa couch at naghihithit ng sigarilyo.

"Since when ka nagso-smoke?" tanong niya at napasulyap sa ashtray.

"Di ko na maalala," sagot ni Eight.

Tumayo si Scalpel at naghubad ng damit saka pumasok sa loob ng shower room para magbanlaw.

Nang lumabas siya ng shower, wala si Eight. Naupo siya sa kama at nagsuklay. Napatingin siya sa bedside table, mga larawan nina Eight at Reynalyn kaya napailing siya.

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon