19

4K 242 69
                                    



Unedited...






Ilang araw nang tapos ang digmaan sa pagitan ng gobyerno at assasins laban sa milatanteng grupo. Nasa kulungan na rin si Louie na pinatawan ng life sentence at si Andrew Manalo naman nakulong ng ilang taon pero makakalaya naman dahil hindi idiniin nina Eight dahil sa pagmamakaawa ni Regine pero kailangan din niyang pagbayaran ang kasalanan alang-alang sa hustisya. Nagsalita naman si Andrew at lahat ng nalalaman nito ay isiniwalat alang-alang sa kasintahan. Tutal nabubuhay at nagsusumikap naman siya para kay Regine.

"Kailan ba uuwi ang magkapatid?" tanong ni Eight habang nakahiga na sila. Nakaunan ang dalaga sa braso niya at nilalaro nito ang nipples niya gamit ang daliri.

"Sabi naman nila iuuwi nila ang kapatid nila kaya naghihintay rin sila ng resulta," sagot ni Scalpel at pinaklakbay pababa ang kanang kamay sa katawan ng kasintahan. "Why so hot, Walo?"

"Am I?" tanong ni Eight at nilingon si Scalpel saka hinalikan sa noo. "Why so pretty, gha?"

"Inborn," sagot ng dalaga at niyakap si Eight.

"Palangga ta gid ka (mahal talaga kita)" sabi ni Eight.

"Mahal din kita," sagot ni Scalpel at ibinaba na naman ang kamay sa puson ng binata at nilaro ng daliri ang loob ng pusod nito kaya napapikit siya. "Bakit ba masyado kang perfect sa paningin ko, Walo?"

"Kasi perfect tayo."

Napangiti si Scalpel tapos ibinaba ang kamay sa puson ng binata at nilaro ang balahibo nito.

"Nagse-shave ka pala ng sabot(pubic hair)," ani Scalpel kaya hinawakan ni Eight ang kamay ng dalaga para pigilan.

"Pwede bang huwag ka na lang mag-ilonggo, gha? Okay na ako na lang magtagalog kahit na katawa-tawa ang intonation ko," pakiusap ni Eight na nananayo talaga ang balahibo kapag mag-ilonggo si Scalpel. Para kasing minumurder nito ang mga ilonggo word. Okay naman siya. As in straight talaga magsalita pero kapag bumuka na ang bibig, bawal ang bumuwelo sa kanya kaya makakalaban nila ang MTRCB nito.

"Bakit? Masama ba magsalita ng ilonggo? Ayaw mo ba?" Hinila niya ang kamay kay Eight at napasimangot.

"Kasi dahan-dahan ka lang sa mga ginagamit mo," sabi niya.

"Aw!" daing niya nang gigil na piniga ni Scalpel ang balls niya. "Pota! Masakit!" Malakas na sigaw niya tapos tinabig ang kamay ni Scalpel saka napaupo at napahawak sa namumulang itlog. "Hindi-masakit talaga! Naintindihan mo ba?"

Blangko ang mukhang nakatitig ang dalaga sa kanya kaya napapikit siya at pinapakalma ang sarili dahil parang naiihi siya sa sobrang sakit.

"Masama man pero parang gusto ko nang sisihin si Lord kung bakit niya ako binigyan ng itlog," sabi niya sabay pitik pitik sa balls.

"Eh sa natutuwa ako eh!" nakasimangot na sabi ni Scalpel saka nagsuot ng damit at nagmartsa palabas ng kuwarto.

Tumayo si Eight saka tumungo sa shower room at hinugasan para kahit paano ay maibsan ang masakit.

"Stay strong tayo ha," pakiusap niya sa itlog. "Pakatatag ka ha."

Kinuha niya ang tuwalya at nagsuot ng damit.

Nang lumabas siya, hinanap niya si Scalpel.

"Manong!" masiglang bati ni Waves.

"Hindi pa rin pala kayo umuwi," sabi ni Eight.

"Hindi po kami uuwi hanggat hindi namin kasama ang manong namin," sagot ni Waves. "Nangako kami. Gusto lang talaga namin makasama ang kapatid namin kahit saglit lang. Hindi naman namin nakawin eh."

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon