Chapter 9

2K 174 28
                                    





May mga words pala na hindi appropriate sa mga bata o sa inyo pero di ko pwedeng i filter o takpan kasi kung hindi ka naman nakakaintindi, hindi mo alam kung ano ang missing letter.






Unedited...






"Hindi ba masyadong delikado?" tanong ni Eight.

"Kung nag-aalangan ka, dito ka lang."

"Sama ako. May masama bang magtanong?" ako na sa buhangin at ikaw na sa corals. Madilim dito sa gitna ng dagat pero may water proof LED headlight naman sila.

Nagulat siya nang biglang tumalon si Scalpel kaya tumalon na rin siya.

Sinundan niya ang dalaga pero patungo ito sa mga coral kaya doon siya sumisid sa walang nabubuhay na halamang dagat pero tila mga pilak ang buhangin dahil nagliliwanag ito.

Kumuha siya ng buhangin at inilagay sa garapong nakasukbit sa bewang niya at agad na pinuntahan si Scalpel na nangunguha ng halamang dagat.
Tinulungan niya ito para matapos na kaagad. Sumenyas si Scalpel na aakyat na sila. Susunod na sana siya pero may nakita siyang matabang lapu-lapu na nakatago sa mayabong na halamang dagat kaya hinuli muna niya at pumaibabaw na.

"Shit!" bulalas niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa isda nang muntik nang mabitiwan.

"Gagawin mo riyan?"

"Ulam."

"Mas safe ka kapag pakawalan mo 'yan. Di mo ba nakikitang hinihigop at sinasala ng buhangin ang toxins na dinadala ng halamang dagat sa area na 'yon? Mamaya may lason pa yan."

Agad na binitiwan ni Eight ang isda.

"Kung gusto mong mangisda, huwag dito."

"Hindi na rin safe ang mga isda."

"Nagkakamali ka," sabi ni Scalpel. "Isang kilometro ang sukat noon. May boundary ang ginawa nila. Oras na lumagpas sa isang kilometro ang mga isda, makukuryente sila. Ganoon din ang ibang isdang magtangkang papasok kaya safe pa rin ang mga isdang binebenta sa palengke.

Sumakay na sila sa jetski. Si Eight ang nasa unahan. Napansin ni Scalpel na umiilaw ang buhanging sukbit ni Eight. Ibig sabihin, puno ito ng kung anong chemical na nagiging visible kapag madilim.

Nang dumaong ay agad na bumaba si Scalpel. Ang tahimik ng paligid lalo na't ilan lang naman ang nagna-night swimming.

"Ano na ang balak mong gawin?" tanong ni Eight na sinabayan na sa paglalakad ang dalaga.

"Kailangan ko ng lab," sagot ni Scalpel. Ang problema lang ay nasa isla ang mga gamit niya. "Maybe may alam si Tita Bloom na pwede kong gamitin."

"Kakausapin ko sila dahil hindi na biro ang nangyayari lalo na't may inilagay sa katawan ko ang gagong Andrew na 'yon!" sabi niya at napahawak sa leeg. Wala na ang sakit pero hindi siya mapakali hanggat hindi nawawala ang chemical na iyon sa katawan niya. "Kailangan kaya ito matapos at nang tumahimik na-"

Nagulat siya nang sinadyang pinatid siya ni Scalpel at agad na pumatong ito sa kanya at mariing hinalikan sa mga labi. Hindi siya makagalaw pero nang matauhan, he firmly pressed her body against his and kissed her hungrily. Maalat nang kaunti ang mga labi nila na nagbibigay ng kaunting lasa sa likidong pinagsasaluhan nila. Pumadausdos ang mga kamay niya sa maumbok na butt ng dalaga at saka pinisil iyon nang masuyong hinaplos ni Scalpel ang dibdib niya.

Napadilat siya nang maramdaman ang masilaw na bagay na tumutok sa mga mata nila.

"Don't move," bulong ni Scalpel. "Ahh, langga!" malakas na ungol nito at gumalaw sa ibabaw niya. "Oh my! Ooooh!"

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon