12

2.4K 153 35
                                    

Unedited...


"Shit! Ngayon pa talaga?" inis na sabi niya nang mag-shutdown ang laptop na pinadala ng ina.

"Baka lowbat," sabi ni Scalpel na may hawak na tasang may kape. "Restart mo."

"Nag-shutdown na nga, 'di ba? Pano ko i-restart?"

Gabi na at kakatapos lang nilang kumain. Processed food ang dala nila para pang matagalan dahil hindi nila alam kung hanggang kailan sila rito. Dalawang araw at pangatlong gabi na nila ngayon nang maalala ni Eight ang kinuha sa bahay nina Alimar.

Kinuha ni Scalpel ang flasdrive at ibinalik din. Biglang bumukas din ang laptop.

"Wala namang laman ang flashdrive na 'to," sabi ni Eight habang tinitingnan ang screen.

"Try mo sa documents," sabi ni Scalpel at pinindot ang isang documents.

Binasa ni Eight ang mga impormasyong nandoon at tiningnan ang ibang litrato.

"Human trafficking!" sabi niya na naikuyom ang kamao.

"Mula noon ito na talaga ang illegal na gawain ng mga gagong yan!" sabi ni Scalpel na nakatingin din sa litrato ng mga batang nakagapos at nakakulong sa isang silid. Sa mga sumunod na larawan ay wala nang buhay na katawan nila at wala na ring mga lamang loob kaya nasusuka siya. Pati video ay tiningnan din niya pero hindi niya masikmura.

"Kaya pala wala kaming makuhang impormasyon dahil nililinis ng SWAT team!" sabi niya at napahawak sa leeg nang maalala ang ginawa ni Andrew sa kanya.

"Malamang may nakatunog na may nagbigay ng impormasyon sa inyo kaya minasaker na ang mga kasamahan mo," sabi ni Scalpel at naupo sa kandungan ni Eight sabay tukod ng kanang kamay sa gitna ng hita ng binata. Naging tahimik ang dalawang araw nilang pagsasama dahil nag-behave naman si Scalpel at hindi siya minomolestiyahan at busy ito sa kaka-eksperiment at basa sa mga dokumento ni Dr.Noel Allan.

"At muntik na akong mapasama," malungkot na sabi ni Eight. "Thank you for saving—" Tumigil siya sa pagsasalita at napabuntonghininga nang pisilin ni Scalpel ang tinutukudan ng kamay nito. "W—Why are you doing this, S—Scalpel?" nahihirapang tanong niya at napalunok ng laway.

"Nakakatuwa lang kasi na ang gwapo mo tapos ang suplado mo sa akin eh sanay namang lumuhod ang kalalakihan sa ganda ko," sagot niya at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng binata at tinitigan sa mukha. May napansin niyang patubong pimple ito sa kanang pisngi. "Dapat maghilamos ka bago matulog lalo na't maalikabok dito kaya ka magkaka-pimple."

"Iniisip mo pa talaga ang pimple kaysa sa problema natin?"

"Paano kung hahalikan kita tapos sa pimple mo dumapo ang lips ko?"

"Paano ka nagiging virgin sa ganyang pag-uugali?"

"I kept my vagina close and I killed stupid men," sagot niya pero wala pa namang napatay 'cause no one dares to touch her.

"Kapag hindi natin mahanap ang microchip, please take care my brothers," pakiusap niya habang sinasalubong ang mga mata ng dalaga. "Will you?"

"You will survive and kill them kaya huwag mo akong dramahan, mamang pulis!" sabi niya at hinaplos ang pisngi ng binata. "I know you will."

Bumaba ang mga mata ni Eight sa cleavage ng dalaga. Wala sa sariling ipinasok niya sa loob ng tshirt nito ang mga kamay niya at nang hindi nagreklamo ay pinagapang niya ang mga kamay hanggang sa makarating sa nais nitong puntahan, ang boobs ni Scalpel.

Niyakap siya ni Scalpel at masuyong hinalikan sa leeg. Sobrang sensitibo yata niya ngayon at nakaramdam na siya ng init sa buong katawan nang dahil sa simpleng ginawa ng dalaga.

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon