17

2.4K 190 59
                                    






Unedited...






"Wala tayong gamit!" sabi ni Scalpel na gusto nang magwala. Ang mga nandito lang ay suture, scalpel at forceps. Mga kagamitan para sa minor surgery.

"Tawagan na lang kaya natin sina Lolo Zero."

"Pinapasabog nila ang makitang helikopter at lahat ng sasakyang pandagat ay bantay sarado. Kung sa ilalim ng dagat sina Dad dumaan, nakahanda na rin sila roon," sabi ni Scalpel. Dekada ang inihanda nila para dito kaya hindi sila basta-basta.

"Dalhin natin siya sa hospital," suhestiyon ni Ten na labis na nag-aalala sa kapatid.

"At ano? Mas lalo nilang bantayan si Manong at kapag makuha na ang chips, papatayin nila!" sabi ni Nine na napatingin kay Eight na sumasakit ang ulo.

"Pupuntahan ko ang hospital!" sabi ni Ocean kaya napatingin sila sa binata. "Kukunin ko ang lahat na pwedeng magamit sa operasyon basta ilista ninyo!"

"Manong, masyadong delikado," nag-aalalang sabi ni Waves.

"Wala tayong choice," sabi ni Ocean. "Ano ang hospital na nandito? Negros Occidental lang ba ang sarado?"

"Sa ngayon, Negros Occidental lang," sagot ni Seven na nabahala sa kalagayan ng anak. "Sana ako na lang ang tinaniman nila!"

"Tatanungin ko si Dad kung ano ang  kailangang gamit sa brain operation."

Nakabantay 24 oras ang system nila kaya mabilis ang naging tugon nila kaya kumuha si Scalpel ng papel at ballpen saka isinulat ang mga kailangan.

"Sasama ako!" sabi ni Bloom.

"Wait, hindi pwede," sabi ni Ocean at tiningnan si Saccharine. "Ikaw, kabisado mo ang hospital dito, right? Saan nag-oopera ang lolo mo noon?"

"N—Nasa Negros Oriental," sagot ni Saccharine.

"Samahan mo kami."

"Sasama ako!" sabi ni Scalpel at dinalian ang pagsulat. "Tita, dito ka na lang po. Magduda na sila kapag dalawa tayong babae."

"Isasama namin si Ten," sabi ni Ocean. "Kailangan namin ng lalaki."

"No!" mabilis na tanggi ni Bloom.

"Ako na ang sasama," sabi ni Seven. "Okay na ang sugat ko at iinuman ko lang ng pain reliever."

Tapos na sila kaya binaybay na nila ang makitid na daan tapos nag-abang ng truck na dadaan. Gabi na. Mabilis na hinarangan nina Ocean at Scalpel ang truck at pinatay ang limang sakay nito saka itinago sa gitna ng katubuhan. Isinuot nila ang uniporme nila at kinuha ang ID. Saktong may nakatakip na makapal na trapal ang truck kaya hindi sila kaagad na nakikita.

"T—Teka ano ang ginagawa ninyo?" tanong ni Saccharine nang igapos siya ni Ocean.

"Kailangan natin 'to sa inspection," sagot ng binata at kinuha ang panyo saka nilagyan ng busal ang bibig ng dalaga.

Sa unahan si Scalpel katabi ni Seven na nagmamaneho habang nasa likod ang magkapatid na Villafuerte.

"Itigil ninyo," sabi ni Ocean nang mapadaan sa mga bahay na patay na ang ilaw. Bumaba ang binata at pumasok sa bahay.

Naghintay lang sina Scalpel. Narinig nila ang iyakan ng mga tao at nagmamakaawa. Pagbalik ni Ocean, may bitbit na siyang dalawang binatilyo kaya pinaandar na nila muli ang sasakyan.

"Gapos mo ang kapatid mo!" utos niya sa isang binatilyo at tinutukan ng baril kaya walang nagawa ang binatilyo kundi talian ang kapatid sa kamay at mga paa tapos ito naman ang iginapos ni Waves.

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon