20

5.4K 218 80
                                    

Unedited...



Napaupo si Ten nang pagmulat niya ng mga mata ay napapalibutan siya ng taong hindi niya nakilala.

"S-Sino kayo?" alanganing tanong niya at napasiksik sa headboard ng kama. "Ano ang kailangan ninyo sa akin?" Kinakabahan siya lalo na nang maalala niyang bigla na lang may tumakip sa ilong niya at nawalan siya ng malay.

"Kalma lang," sabi ng lalaking may edad sa kanila. Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang magtama ang kanilang mga mata. Para bang may kung anong humihigop sa kaluluwa niya para humiwalay sa katawan niya nang dahil sa lalaking kaharap. Seryoso ang mukha nito pero paunti-unti ay nababasa niya ang galak. Ang mga lalaking nasa palibot niya ay mataman siyang tinitingnan.

"Kuya ba talaga kita?" tanong ng lalaking salubong ang kilay. "Bakit parang ang bata mo pa?"

"Kuya? Mas matanda ka po sa akin," magalang na sagot niya kaya napangiwi ang kaharap. Napanganga siya nang mamukhaan ang mga ito. "T-Teka, huwag nyo sabihing Villafuerte kayo? Teka, bakit nandito ako?"

"Kasi nandito ka naman talaga na-belong!"

Napalingon sa sumagot, si Waves at kasama nito si Ocean.

"Pinagsasabi ninyo? Teka, huwag ninyong sabihin na nadala ninyo si Manong Walo?" bulalas ni Ten dahil mga Villafuerte na ang kaharap.

"Kapatid lang namin ang nadala namin," sagot ni Ocean at naupo sa tabi ng ama. "Dad? May sasabihin ka?"

Nanatiling tahimik si Matter dahil hindi niya alam ang dapat na sabihin. Hindi siya makapaniwalang makaharap niya ang panganay na matagal nang itinago sa kanya. Masaya siya. Sobrang galak at gusto niyang yakapin si Ten pero nag-aalala siya kay Venize. Alam niyang masaya rin ito para sa kanya pero anak pa rin niya si Ten sa labas nang hindi niya sinasadya kaya pinipigilan niya ang damdamin.

Napatingin silang lahat sa pinakamatandang humagulgol sa pag-iyak.

"Apo ko!" sabi ni Skyler at pinahidan ang mga luha. "H-Hindi ko akalaing makikita pa kita. A-Akala ko mawawala ako sa mundo nang hindi ko kayo nakikita," sabi niya kaya napangiwi si Matter lalo na nang tumayo ang lolo at biglang niyakap si Skyler. "S-Salamat at tinupad ng Panginoon ang matagal ko nang pinapanalanging makaharap ka."

"H-Hindi ko kayo maintindihan," tanging nasabi ni Ten.

"N-Ngayong nandito ka na at buo na ang pamilya natin, h-handa na akong mamatay," luhaang sabi ni Skyler. Lately lang ipinaalam nina Matter na may anak nga ito sa labas kaya hindi siya matatahimik at madalas na tinatanong kay Matter kung nahanap na raw ba nito ang apo niyang nawawala?

"Dad naman! Huwag ka ngang magdrama riyan!" saway ni Sky sa ama. "Malakas ka pa!"

"B-Basta masaya ako!" sabi ni Skyler na gumagamit na ng tungkod. Kakarapos lang ng opera sa asawa nitong si Kimberly dahil nadulas sa bathroom at nagkaroon ng hip fracture pero pinilit pa rin niyang makapunta rito para makita ang apo sa tuhod.

"Teka. Apo sa tuhod? Sino? Ako? Hindi ho ba si Manong Eight ang apo ninyo?" sunod-sunod na tanong ni Ten na hindi alam kung kanino titingin.

"Ipaliwanag ko ang lahat," mahinahong sabi ni Matter at nagsimulang ikinuwento ang lahat kay Ten.

Nabuntis niya noon si Bloom pero binalak nitong ipalaglag ang bata pero dahil hinabol ng konsenya, mas pinili nitong gawing preserved baby muna si Ten at itinago sa laboratory hanggang sa dumating ang araw na nagkapamilya na ito at naisipang muling bigyan ng hininga si Ten matapos nitong ipinanganak si Ten kaya muli nilang ibinalik sa sinapupunan niya ang sanggol. At para makaiwas, pinalabas nilang si Eight ang anak ni Matter.

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon