Chapter 10

2.1K 169 31
                                    


Unedited...

"Mukhang may halong chemical ang lupa dahil walang nabubuhay na tubo o halaman sa gitna ng tubuhan," sabi ni Scalpel na nakakuha na ng sample.

"Sino po ang bagong may-ari nitong lupain?" tanong ni Eight.

"Sa pagkakaalam ko, si Richard Galang," sagot ng ina ni Alimar kaya naikuyom ni Eight ang kamao dahil pinsan ni Andrew si Richard sa ina.

"Nanay, napapansin ko pong pwede nang i-harvest ang tubo pero bakit hindi pa rin po tinatabas?" curious na tanong ni Scalpel.

"Tatlong linggo pa raw. Ewan ko sa may-ari niyan," sagot nito kaya napatingin si Scalpel kay Eight.

"Tatlong linggo," ulit ni Eight na alam niyang iisa lang ang iniisip nila ni Scalpel. Tatlong linggo rin ang palugit ni Andrew para sa micro chips. "Salamat po, nanay. Makakaasa kayong hahanapin ko ang mga demonyong nagmasaker sa mga kasamahan namin ni Alimar!"

Nang matapos kumain ay nagpaalam na sila para bumalik sa Bagtik Silay city.

Naunang makarating si Scalpel kaya hinintay siya nitong makarating para sabay na silang pumasok.

"Lahat ng tourist spot ay punterya nila," sabi ni Scalpel habang papasok sila sa bahay.

"Kailangan nating mahanap ang micro chips," sabi niya at napatingin kay Waves na palabas ng bahay.

"Manong Walo!" tili nito. "I miss you! Saan kayo galing?"

"Bakit nandito ka pa?"

"Weeks kami rito. By the way, Manong Walo, inaway po ako ni Nine," sumbong nito at ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso ni Eight.

"Anong inaway?" salubong ang kilay na tanong ni Nine. "Paano kita inaway?"

"Sabi mo flat ako tapos walang laman ang legs ko! Sabi mo pa pangit ako!"

"Wala akong sinabing ganyan!"

"Mayroon!"

"Ang sabi ko lang ay wala kang boobs at mukhang kasing laki ng binti ng tikling ang mga binti mo!" sabi ni Nine.

"Kita mo! Kapal talaga ng pagmumukha mo!" bulyaw ni Waves at tumingala kay Eight. "Kuya Walo oh, suntukin mo!"

"Tigilan ninyo ako!" naiinis na sabi ni Eight at tinulak si Waves pero agad naman sinaklolohan nang muntik nang tumilapon. "Sorry," paumanhin niya na nakaramdam ng awa sa dalaga dahil may pagkapayat pa naman ito.

"Okay lang po," nakangiting sabi ni Waves. "Ang pogi mo po. Sa inyong magkakapatid, ikaw po ang pinakaguwapo!"

"Psh! Sipsip!" wika ni Nine at nilagpasan sila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Waves.

"Wala ka na roon!"

"Sama ako!" Ayun, sinundan niya si Nine.

"Ganyan ba talaga kakulit si Waves?" tanong ni Eight pero napabuntonghininga nang ma-realize na mas malala pa ang pinagtanungan niya. "Haist, nevermind."

"Mabait naman si Waves at tingin ko ay gusto ka niyang maging kuya."

"For what?"

"Malay mo, gusto niya si Siyam."

"Damn!" bulalas niya nang maalala ang ugali ng kapatid. Mas lalong sumakit ang ulo niya. Kapag laitin ni Nine ang isang babae, iba ang meaning nun sa kanya lalo na't chickboy ito.

"Hmm? Mukhang nabahala ka kay Waves ah," ani Scalpel.

"Kailan siya uuwi?"

"Concern?"

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon