15

2.2K 169 57
                                    


Unedited...

"Walang papatay sa tauhan ko kung ayaw ninyong gilitan ko ng leeg ang dalawa!" madiing sabi ni Bloom habang kausap ang ama ni Regine. "Kung gusto mo pang makita ang anak mo, sundin ninyo ako! Walang magsasakang mamatay!"

Ibinaba niya ang telepono at naikuyom ang kamao. Nakikipag-negotiate na ang pangulo sa mga militanteng narito. Walang media na pinapasok at shutdown ang lahat ng computer system sa Negros Occidental. Pati electricity ay kontrolado rin nila pero naka-generator sila kaya walang problema ang power source.

"Lalabas ako!" sabi ni Bloom nang magtatakip-silim na.

"Wait, samahan kita," sabi ni Seven.

"Hindi ka makakakilos sa ganyang kalagayan kaya ako na!"

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa 'yo!" sabi ni Seven.

"Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag mapahamak ka. Babalik ako, bantayan mo ang mga bata!" sabi niya at isa-isang kinuha ang magaang armas.

"Sama ako," sabi ni Scalpel. "Kakailanganin mo po ang tulong ko."

Pumili siya ng baril at inilagay sa bewang.

"I'm in!" sabi ni Waves at sa mesa dumiretso. Paborito niya ang paggamit ng katana at espada. Pumili rin sila ni Scalpel ng shuriken at maingat na itinago sa likod para madali ang paghugot.

"Scalpel," tawag ni Eight at hinawakan sa kamay ang dalaga. "H—Huwag na lang kaya kayo lumabas?"

"Kapag magtago lang tayo, wala tayong mapapala," sabi ni Scalpel at kumuha ng bala. "Kailangan natin silang bawasan."

"Pero baka mapahamak ka."

"Trust me, uuwi ako."

"Please."

Nakipagtitigan siya kay Scalpel na nakatingala sa kanya pero umiba ang timpla ng mukha niya nang makitang nagniningning ang mga mata nito na para bang may masamang hihilingin sa kanya.

"Pahawak muna ako ng itlog mo."

"Haist! Umayos ka!" inis na sabi niya saka hinawakan ito sa kanang kamay. "Tara sa kuwarto."

Natawa si Scalpel saka tinulak si Eight papasok sa silid nila. Pagkasara na pagkasara ng pinto, sinalubong niya ang mga labi ng binata at nagmamadaling hinubad ang damit pati na rin ang mga armas na napili niyang dalhin.

Pinahiga siya ni Eight at tumayo sa harapan niya saka naghubad ng damit kaya lumiwanag ang mga mata niya nang makitang sumasaludo ang alaga ng binata sa kanya.

"Manong?" Ayan na naman si Nine sa speaker. "Sa sahig na lang daw kayo kasi hindi matibay ang pagkaayos niyan ni Daddy, baka masira ulit."

Sinipa ni Eight ang dalawang unan at binuhat si Scalpel para ilipat sa sahig.
Papatong na sana siya pero lumuhod si Scalpel at hinawakan ang pagkalalaki niya saka hinaplos ito.

"G—Gha..." usal niya.

"Tando, tando, sa diin bukid?(uod uod saan ang bundok?)" tanong ni Scalpel at pinagalaw-galaw ang pagkalalaki ni Eight kaya natawa ang binata tapos pinatigil sa pagitan ng boobs niya.

"Buang," ani Eight na medyo natuwa na sa naging kilos ni Scalpel.

"Manigarilyo 'ko, gha," pilyang sabi niya saka yumuko at isinubo ang dulo
ng pagkalalaki ni Eight kaya napahawak ang binata sa ulo ng dalaga para kumuha ng lakas.

"D—Damn! G—Gha... ahhh!" Napaungol siya nang sinubukan nitong isubo ang lahat pero nabilaukan lang kaya kung ano ang kaya ay hanggang doon lang ang isinubo nito. Napasabunot siya sa buhok nito at ginabayan ang ulo ng dalaga sa pagsubo. Mainit ang bibig nito kaya halos sumiklab ang buo niyang katawan sa kasarapan.

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon