14

2.2K 162 28
                                    




Unedited...






Parang isang bahay lang din ang nandito sa loob. May sala, kusina at apat na maliit na kuwarto. Namangha sina Scalpel at Waves nang makitang puno ng iba't ibang klase ng baril sa pader.

"Kung kailangan ninyo ng katana o espada, nandito lang," sabi ni Bloom at pinindot ang gilid ng mesang may slide glass. Nasa loob ng mesa ang  sinasabi nitong patalim. "May canned foods sa cabinet pero sa likod niyan ay may mga bomba. Sa kuwarto ninyo, may mga baril din sa kama."

"Mom? Paano na tayo? Hindi habambuhay na magtago at nandito lang tayo," tanong ni Nine at napatingin kay Waves na sinisiyasat ang mga kagamitan.

"Matatapos din 'to. May dalawang linggo pa tayo para hanapin ang pinapahanap nila at mailigtas si Eight," sabi ni Bloom na napatingin sa anak. Hindi niya kayang mawala ang panganay at handa niyang itaya ang sariling buhay para mailigtas ito.

"It's okay, Mom. I am willing to die para sa bayan."

"Maging bayani sa isang buwan?" sabat ni Scalpel at naupo sa silya. "Pero paglaon ay mailibing sa kasaysayan ang katauhan. You can be a hero na hindi namamatay. You can save this province without risking your life!"

"Negros Occidental is worth dying for!" tugon ng binata at napahawak na naman sa sumasakit na ulo. "Ugh!"

"It's okay, mawawala rin 'yan," sabi ni Bloom at pinaupo muna ang anak. "Gusto mo ng water?"

"No," sagot niya at napapikit.

"Hindi ganyan ang dapat na epekto ng nanites sa katawan mo," sabi ni Scalpel. "Nabasa ko ang components sa dugo mo at walang ganyang side effect. Unless nag-reverse ang action ng tinurok nila sa 'yo."

Huminga nang malalim ang binata nang mawala ang sakit.

"I'm so fucking tired!" inis na sabi niya. "Bakit ako pa?"

"Hindi nila papasabugin ang Negros," sabi ni Bloom at binunot ang baril saka itinutok kina Regine Vitale at Saccharine Soo Mi kaya napaatras ang dalaga at nanlaki ang mga mata.

"Mom!" saway ni Ten at pinigilan ang kamay ng ina para hindi nito makalabit ang hawak na baril.

"Dahil pasasabugin ko rin ang bungo nitong dalawa nilang kamag-anak!" dagdag ni Bloom. "Pasok sa kuwarto sa dulo!"

"T—Tita..." usal ni Saccharine habang humahakbang paatras.

"Hindi kayo namin sasaktan kung makipag-cooperate kayo! Ngayon, pasok sa kuwarto kung gusto pa ninyong umuwi nang buhay!" madiing sabi ni Bloom na nagbabaga ang mga mata. Kahit mga inosente pa ang dalawa, hindi siya magdadalawang isip na patayin ang mga ito oras na lumihis ang NBI.

"I'm sorry, ladies. Alam ninyong nanganganib ang buhay ng Negrosanon dahil sa pamilya ninyo kaya sana huwag kayong magaya sa kanila," paumanhin ni Seven. Kung siya ay makakapagpigil pa, alam niyang hindi ang kanyang asawa. Papatay si Bloom kung kinakailangan.

"We understand, Tito. B—Believe us, hindi po namin ipagpalit ang buong Negros para sa kung ano mang ipinaglalaban ng aming pamilya," naiiyak na sabi ni Regine na gustong isumpa kung bakit naging anak pa siya ni  Hassan Vitale.

"It's okay. Pasok na lang kayo sa silid tapos kapag may kailangan kayo, tawagin lang ninyo sina Nine o Ten," sabi ni Seven kaya agad na tumalima ang dalawa at pumasok sa kuwarto.

Binuksan ni Nine ang TV habang si Bloom ay ang touch screen computer sa dingding para makita ang nangyayari sa labas ng bahay at sa nalalapit na lugar. May CCTV sa mga puno sa daan na natatakpan ng makakapal na dahon kaya malabong makita ng mga kalaban.

The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon