Muli ay nilingon ni Jessa ang natutulog na nobyo. Himbing na himbing pa rin eto,marahil dala ng pagod nang nagdaang araw,bagong promote eto sa kumpanyang pinapasukan,mula sa pagiging assistant area manager ay naging Supervisor na eto.
Hindi magiging madali kalimutan ang mukha nito,batid ni Jessa na maraming magkakandarapang humilata sa harap ng kanyang nobyo.Eto kase ang perpektong larawan ng makabagong Adonis.Ang labi nitong mapula at katamtaman ang kapal,makinis na balat na kahit hindi kulay gatas ay tila naman caramel sa kakinisan,hindi nakakasawang yakapin ang kakisigan nito,nakahit paulit ulit siyang angkinin ay hindi siya nag sasawa.Ano nga bang may roon ang lalaking eto,ah, marahil sadyang mahal lamang niya ang taong eto.Lumapit siya sa kama at yumuko, tinanggal ang suot na singsing,dahan dahan niyang nilapag sa tabi ng unan nito ,saka ay kinintalan ng halik ang mga pisngi nito,mabilis siyang umatras at binuhat na ang kanyang mga bag,at dahan dahang binuksan ang pinto.Huling lingon,huling pagkakataon na mamasdan ang lalaking inibig nya ng 6 na buwan,at patuloy na itinitibok.
"mahal na mahal kita" mahinang sabi niya. "paalam, Jared" at isinara na niya ang pinto.