CHAPTER 4

45 1 0
                                    

"Jared!salamat naman at napasyal ka,ilang buwan naba tayong hindi nag kikita?" bungad agad sa kanya ng kanyang amain.Eto na lamang ang natitirang kamag anak niya.Hindi man eto ang tunay niyang ama ay hindi naman siya nito itinuring na iba.Eto ang naging katuwang ng kanyang ina simula ng iwan sila ng biological father niya.Kinupkop sila ng kanyang mama at pinag aral siya sa isang unibersidad sa davao. Binigay nito halos lahat ng luho sa kanyang mama,na siyang ikinalulong naman ng kanyang ina ibat ibang klaseng bisyo,kalaunan ay naghiwalay din eto at ang kanyang ina.Kasalanan naman kase ng kanyang ina na hindi inalaagaan ang mga ibinigay ng kanyang amain,nagpapasalamat nga siya na kahit naghiwalay ang dalawa ay patuloy siyang sinuportuhan nito sa kanyang edukasyon hanggang makatapos siya.
"Pa" ganting yakap niya,malaki ang ipinayat nito simula ng manatili sa bansa,isa etong kapitan ng barko may 38 taon din nag serbisyo sa isang malaking kumpanya ng langis.kung hindi pa dinapuan ng sakit ay hindi eto marahil mapahihinto sa paglalayag.Hindi na nakapag asawa muli,tila nadala na sa sinapit sa kanyang ina.
"pumayat na naman ho kayo,tama na kase ang ka lalakad ninyo" tuwing umaga at hapon kase ay naglalakad lakad eto sa park ng naturang condominium. "kumain at matulog nalang muna kayo para makabawi kayo ng lakas" inalalayan niya eto paupo sa malaking sopa nito sa veranda ng unit.
"naku,anak lalo akong magkakasakit kapag nakaupo nalang ako,alam mo naman sanay tayong mag banat ng buto" tinawag nito ang maid at nagpahanda ng makakain.
"kumusta ka na ba iho?,masyado ka rin yatang nag papaka buro diyan sa trabaho mo."
"ako , im fine papa,enjoy ako sa work ko infact im flying to davao tomorrow for business expantion" dumiretso siya ng upo.
"davao…handa ka na ba talagang balikan ang lugar na yun?" lumingon eto sa kanya at tumitig ng diretso.
Nag iwas siya ng tingin. "papa its been 8 yrs, matagal ko ng nakalimutan iyon." Pag sisinungaling niya.
"anak kita" tinapik siya sa balikat nito. "kahit hindi ka galling sa sarili kong dugo ay anak parin kita, sa loob ng mahabang panahon ay hindi ka nag karoon ng nobya,paano mo masasabing nakalimut ka na nga?" sapul siya nito.
"siguro ay pareho lamang tayo papa,masyado tayong nadala sa mga sinapit natin sa mga babae…" lingon nya dito.
"masyado tayong nag mahal…"natatawang sabi nito sa kanya, "nakakadala nga naman talaga iho" at malakas silang nagtawanan.

Dito siya magpapalipas ng gabi,natitiyak niyang guguluhin lang siya ni Melissa sa kanyang apartment, ilang bahay lamang ang layo nito sa bahay niya.Simula ng may mang yari sa kanila ay lumipat eto ng bahay upang lalong mapalapit sa kanya. 
'samantha ano ang masasabi mo sa bagong kumakalat ngayun na isyung,isa ka raw t-bird, as in lesbian?' tanong ng isang baklang reporter kay Samantha allen.Eto marahil ang presscon na sinasabi ng baklang kasama kanina ni sam.Umaga ang presscon kung kayat ipanalabas agad eto sa balita pagka gabi.
'ahm …hindi po.' Sagot ni Samantha.
'pero bakit hindi ka pa nga ba nag kaka boyfriend?,simula ng pumasok ka sa showbiz wala kang inamin o nakiwento manlang na may karelasyon ka na?' patuloy ng baklang reporter
'wala nga po akong naikwekwento pero it doesn't mean hindi pa ho ako nag kaka boyfriend' sunod sunod ang naging bulungan ng mga tao sa presscon .
'you mean ,nagkaron ka ng secret love affair?...hmmm' chismoso talaga etong reporter na to.
'yes! Nainlove din naman ako,but that was before I entered showbiz,mas pinili ko narin po kaseng mag focus sa career ko kesa sa lovelife kaya after nun,hindi na po nasundan' diretsong sagot nito.

 
"kapitbahay ko yan!" ang amain niya ,nagulat siya at nasa likuran na pala niya eto.
"talaga papa?...kanina nakasa lubong ko nga siya sa parking lot"
"mabait na bata yan,hindi yan halos lumalabas ng unit niya,kapag walang trabaho madalas ay nagkukulong lamang." Naupo na eto sa tabi niya.
"paano nyo naman ho nasabi ?,karaniwan sa mga artista laging laman ng mga bars at gimikan" napapailing na sabi niya.
"kinikwento nung manager niyang si allen.yun kase madalas kung nakaka kwentuhan sa umaga,nag jojogging dyan sa park,atsaka kapag gabi lagi nyang iniiwan diyan si Samantha,ung baklang yun makati ang mga paa,kung minsan eh dito pa nga pinapaiwan sa akin ang susi niya,kapag late na kse hindi siya pinagbubuksan ni Samantha." Napapailing na kwento nito.
Napatango tango na lamang siya at binalik ang mga mata sa tv. "alam ko ang iniisip mo.." baling muli nito sa kanya, "kamukha nga niya si jessa mo." Napatango nalang siya sa narinig mula sa amain.Totoo magkamukhang magkamukha ang dalawang babae,mas maputi nga lamang si Samantha,mas mahaba ang buhok,mas makinis,pero ang kanilang mga mata ,labi at katawan ay tila nanggaling lang sa iisa. 
" madalas ay nakayuko lamang mag lakad.Sikat na siya pero tila mahiyain parin ,at higit sa lahat masarap siyang magluto jared,kapag may mga okasyon ay inaabutan nila kame,"
Kumislap naman ang kanyang mga mata "talaga papa?..." tumango naman ang matanda "san ba ang unit niya?" at inginuso nito ang katabi lamang nito na pinto.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon