CHAPTER 6

32 1 0
                                    

Nakahiga lang si Samantha sa rooftop ng condominium na tinutuluyan ,pagkabalik nila galing davao ay humingi siya sa bigboss niya sa ALL STAR NETWORK ng ilang araw na pahinga.Walang sawa niyang tinitigan ang mga bituin ng gabing iyun ,walang ulap na nakatabing,masarap ang dampi sa balat ng malamig na hangin.Pakiramdam niya ay Malaya siya sa lahat ng suliranin.Sana ay ganito lang ang lahat ng klase ng buhay,walang naghihirap walang mayayaman,tama lang,mapayapa lang.
Maya maya lang ay may tumikhim sa kanyang likuran . "ehheeemm…" si jared may dala etong bote ng redwine at dalawang baso.Para kanino ang isa,eh wala naman etong kasama?Bakit nandito na naman eto?
"ah,nandiyan ka pala," bati niya dito,at dinampot na ang towel na dala dala niya,maglalangoy sana siya subalit gininaw din dahil malamig ang hangin.
"oh teka teka,san ka pupunta?" pinigilan siya ni jared sa kanyang siko,nanginig ang tuhod niya.
"ah,babalik na ko sa unit ko" ano ba etong lalake na eto…sabi ng isip niya
"nag dala ako ng redwine,yayayain sana kitang uminom nito,bigay sakin ni papa" nagkakamot eto ng ulo tila nahihiya.
"jared kase kailangan ko nang matulog" tanggi niya
"ang sabi sakin ni allen may isang lingo ka daw na off,bakit naman kailangan mong matulog ngayun?" hindi nito binitawan ang braso niya
"ah oo nga… sige,maupo tayo" 'ano ba etong kabog ng dibdib ko'naisip ni samantha
"bakit ba lagi kang nakayuko?...ang ganda ganda mo naman,parang palaging nahihiya ka" puna nito sa kanya,sinalinan nito ang kopita at iniabot na sa kanya
"hindi naman," saka ay tumingin siya ng diretso dito. "bakit ka nga pala nandito?, I mean sa condo na eto?" tanong niya dito atsaka inamoy ang alak bago niya tinungga.
"ah,katabi lang ng unit mo ang unti ni papa" "isa pa naiisip ko naring lumipat dito para mapalapit sa kanya" nakatitig eto sa kanya habang sinasabi ang mga katagang iyon,alam niyang siya talaga ang tinutukoy nito.
"ganun ba,anak ka pala ni mr Castillo" ibinaling niya sa mga ilaw ng katabing building ang tingin,hindi siya makatagal sa mga titig nito,nanginginig ang kanyang tuhod.Malakas talaga ang karisma nito sa kanya,oh baka naman iba lang etong nararamdaman niya.
"ikaw?,nasan ang parents mo?,if you don't mind me asking…" nakatingin narin eto sa mga katabing buildings,magkatabi lang sila ng iniuupuan at nakaharap sa mga naglalakihang gusali ng katapat ng condo nila.
"wala…nasa malayo" "ano nga palang ginawa mo sa davao?" tanong naman niya sa lalaki para maiba ang usapan.
"ah iyun, gusto kase ng boss ko na magtayo ng beach resort dun,gusto niyang kalabanin ung nag iisang resort sa davao,kaya ayun…saka bumisita ng ilang kamag anak" palingon lingon eto sa kanya habang nag sasalita.
"may pamilya ka pala sa davao, ilan na ba ang anak mo?"
"wala akong asawa" madiin nitong sabi "mga pinsan ko at kapatid ng dati kong nobya ang dinalaw ko"
"ang bait mo naman pala,dinalaw mo ang kamag anak ng ex mo?" 
"napamahal narin kase sila sa akin,isa pa mga ulila na sila"
"ganun ba"
"sa totoo lang kamukha mo siya"
"sino?"
"si jessa" at tinitigan siya nito. Nag init ang mukha niya.
"hindi ako si jessa!" asik niya dito ,bigla ay tila napapahiya ang pakiramdam niya,tumayo siya at nilapag ang kopita sa mesa.
"alam kong ikaw yan…hindi ko kailanman malilimutan ang mga labing iyan,ang mga mata mong laging may sinasabi" lumapit eto at pinigilan siya makalayo.Hinawakan siya sa magkabilang balikat at iniharap.
"jessa…naguguluhan ako kung bakit iniwan mo ko pero,hindi kita makalimutan" bumaba ang mukha nito at naglapat ang kanilang mga labi,tumigil ang mundo niya ,hindi siya makakilos.mariin ang mga halik nito at nag aalab,damang dama niya ang pananabik nito.Nawalan siya ng control at gumati narin ng halik,napakapit siya sa batok nito,naramdaman niyang bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg sinipsip nito ang lahat ng bango niya,napasinghap nalang siya sa kuryenteng dala niyon.Naramdaman niya ang isang palad nito sa kaliwa niyang dibdib,napaungol siya,kay tagal na rin ng panahon ng huli niyang maramdaman ang ganitong klaseng pananabik.IIsang lalaki lang nakapag paramdam sa kanya ng kakaibang kaba,kasiyahan,pagaalala,kababawan at kuryente.Taglay nito ang lahat ng katangian ng pinapangarap niyang makasama habang buhay.Unti unti ay nahuhulog siya sa malalim na pag gunita sa isa sa pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay.Dahil sa halik ng lalaking eto ay nagawa siyang ibalik sa panahong nakapag pabuo ng kanyang pagkatao at panahong  humiwa rin sa kanyang puso.Naramdaman niya ang unti unti pag luwag ng kanyang suot hanggang tuluyang malantad ang kanyang mga balikat,lunod na lunod siya sa mga halik nito ng bigla ay huminto na lamang ang lalaki sa ginagawa at kinapa kapa ang balikat at likod niya.Itinulak siya at bumakas ang pagkalito.
"bakit wala ang balat mo?,nasan ang balat mo?" napabitiw eto at napatutop sa noo.
"ja—red…" wala siyang makapang dapat sabihin.
"Sam,im sorry,hindi ka talaga si jessa?" naguguluhang tanong ng lalaki. Napatitig lang siya dito,tila may batong bumara sa lalamunan niya,bigla ay sumakit ang dibdib niya,gusto niyang yakapin eto sa pag ka habag.Lumapit siya upang kausapin ng masinsinan ang lalake ngunit umatras eto,hinalimukos ang mukha at saka nag salita.
"pero pareho kayo ng mga labi,pareho kayo humalik" nalilitong umatras
"im sorry sam,im really sorry" saka mabilis na tumalikod at iniwan na siya.
"jarred…" gusto man niya etong habulin ngunit hindi na kinaya ng mga paa niya.Tuluyang siyang napaluhod sa panlalambot.Saka ay unti unting naglaglagan ang mga luha niya,ang mahinang hikbi niya ay unti unti nagkaroon ng tunog,kasabay nito ay isang malakas na kulog,tila nakikisama ang langit sa lungkot na nararamdaman niya.Naging hagulgol ang iyak na sumabay sa pagpatak ng ulan,tila mag kasing lakas lamang ang pag bagsak ng mga eto,sunod sunod,walang tigil,hindi na niya pinigilan pa,ibinuhos niya ang lahat ng sakit na nararamdaman na matagal ng naka kulong sa kanyang puso.Iniiyak niya ang lahat,lahat lahat hanggang siya ay mapagod.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon