Napagod na siya sa pag lalakad kung kayat napag pasyahan niya munang maupo sa tabi ng isang puno ng mangga,masarap ang simoy ng hangin at tahimik ang kapaligiran,may ilang araw narin siyang nananatili dito sa lupaing kanyang nabili sa davao,naisipan ng kanyang tiyahin na gawin nalang etong pataniman ng mangga at iba pang gulay,maganda rin etong gawing resort dahil kasama sa lupa ay isang malinis na talon.Inilatag niya ang dalang picnic mat at saka ay nahiga,kahit papaano ay naiibsan ng mga tunog ng ibon ang kanyang lungkot,buti nalang at naunawaan ng network ang kanyang pinagdaraanan kung kayat pinayagan siyang magbakasyon ng isang buwan, bago sila makapunta ni allen sa davao ay nag advance taping na sya.
"hhaaayyy…" buntong hininga niya, nakatitig siya sa mga dahong sumasaliw sa galaw ng hangin,kumusta na kaya si jared,sana ay napatawad na siya nito,sana ay Masaya naman eto.
"miss na miss na kita jared" malakas na sabi nya sa hangin at niyakap ang sarili
"mas miss kita!" nagulat siya ng may sumagot,pamilyar sa kanya ang tinig na iyun.Babangon na sana siya ngunit pinigilan siya nito,bigla ay naglapat ang kanilang mga labi,punong puno ng pananabik,mahigpit siyang gumanti ng yakap.
"oh god,I miss you so much"…si jared
"anong ginagawa mo dito?"…nalilitong tanong niya
"ano pa ,edi sinundan ka"…
"pero di ba…"
"anong pero pero…pssstt…tama na…hindi ako galit sayo,alam ko na saktan kita sa mga pinagsasabi ko,patawarin mo ako jessa,hindi lang ako nakapag isip agad ng mabuti,sa totoo lang natutuwa talaga ako ngayun na ikaw nga talaga si jessa ko,nang mga panahong yun,masyado lang akong na overwhelmed sa mga pangyayari,siguro dala lang ng stupid ego ko" paliwanag ni jared habang pakamot kamot ng ulo
"jared,im sorry talaga,mahal na mahal kita"
"mas mahal na mahal kita jessa" mahigpit silang nagyakap
"teka teka… si Melissa"
"wag mo nang alalahanin yun,hindi totoo yung mga pinagsasabi niya"
"pero…ung singsing…"
"shhhhh…."dumampi ang mga daliri niya sa labi ni jessa
"hindi ko alam kung paano niya nakuha yung singsing,pero matagal ng nawawala kase sa akin iyun,kung hindi pa naikwento ni allen lahat ng pinagsasabi niya sa inyo ay hindi ko pa malalaman na siya pala kumuha nun."…may inalabas eto sa kanyang bulsa…ang singsing na nabawi nito mula kay Melissa.
"here…" lumuhod eto sa harap niya…
"this only belongs to the one and only lady I truly loved…jessa…please marry me…" titig na titig na pakiusap sa kanya ni jared
Pumatak na ang luha ng kanyang kaligayahan "yes…yes jared I will marry you" at madiin silang nayakap…