Ilang lingo na ang lumipas simula ng lumabas sa pahayagan na opisyal na silang mag karelasyon ni jared.Sa araw araw ay halos wala siyang pag sidlan ng kasiyahan,sobrang pinupuno siya ng lalake ng pagmahahal,hindi na nito nabanggit pang muli ang tungkol sa naging nobya nitong si jessa,hindi niya alam kung matutuwa siya pero sa kabilang banda ay natatakot siya.Kailangan na niyang ipagtapat ang totoo,habang tumatagal ay lalong bumibigat ang pakiramdam niya sa patuloy na pagsisinunagling dito.Hindi niya gustong lukuhin eto natakot lamang siya sa magiging reaksiyon ng lalake kung sakaling aminin niya nag pagkakamali,natatakot siyang imbes pag mamahal ay galit ang ipakita nito sa kanya.'Paano nga ba ako mag papaliwanag?' 'saan ko uumpisahan?'
Nahinto siya sa pag iisip ng inihinto na nito ang sasakyan at binuksan ang pinto para sa kanya.
"parang malalim yata ang iniisip mo babe?" hinapit nito ang kanyang bewang at isinandal sa isinarang kotse.Pinaliguan siya nito ng halik sa mukha.
"ha?,Masaya lang ako na maaga akong natapos sa taping,makakasama kita ng matagal" sagot niyang naka pulupot ang mga braso sa leeg nito.
"talaga?" gumapang ang halik nito sa leeg niya, "tara na nga,baka hindi ako makapag pigil mapaparazzi pa tayo dito." Hinihingal na awat nito sa sarili.
Natatawa naman siyang kumapit na sa braso nito "kung ikaw ang kasama ko mag karun ng scandal ok lang" kinurot niya eto sa baba.Ilang minuto lang ay narating na nila ang unit niya.Iniabot niya ang susi dito at binuksan ni jared ang pinto,pag ka pasok ay bumungad sa kanila si allen, sa likod nito ay ang dalawang taong malapit sa puso ni Samantha.
"ate!" natutuwang bati ni Isay,sa paanan nito nakatayo ang 2 taong gulang na babaeng anak nito.
Ngunit lahat sila ay nawalan ng kulay sa mukha ng sumunod na pumasok si Jared.
"isay?,dino?!!" tila gulat na gulat na baling nito sa dalawang bisita ni Samantha.Nag pa lipat lipat ng tingin eto sa kanilang tatlo,naka kunot ang noo.
"ah teka maupo muna kayo kukuha lang ako ng maiinom" si allen ang nag salita mabilis etong pumunta sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig.
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni jared sa magkapatid,hindi naman agad nakapag salita ang dalawa, nagkikita sila sa davao kapag umuuwi siya doon at dinadalaw niya ang mga eto,kahit ilang beses siyang nag makaawa sa mga eto ay hindi nila sinabi sa kanya ang kinaroroonan ng kanilang ate,mahigpit daw ang bilin sa kanila ni jessa na wag sasabihin kung nasaan na siya.Inirerespeto niya ang pag sunod ng mga eto sa utos ng kapatid.
"ja—jared" nilapitan niya ang lalaki at hinawakan sa kamay "maupo muna tayo,mag papaliwanag ako"
"ang sabi mo hindi ikaw si jessa?" nakakunot na ang noo nito at puno ng panunumbat ang tinig nito
"ah…please jared,mag usap tayo ng maayos" niyakap niya ang lalake
"ilang beses kita tanong hindi ba?,ilang beses mo idineny?" itinulak siya nito,kitang kita niya ang poot sa mga mata nito,natakot siya.
"jared pls listen to me,hindi ko gustong lokohin ka,akala ko kase…" tumalikod na si jared at mabilis na ibinagsak ang pinto,kasabay niyon ang tunog ng naghulugang kobyertos sa kusina,nabitawan ni allen dahil sa tensyong nasaksihan."ate im sorry" nakaupo eto sa gilid ng kama niya habang tinatapik ang katutulog palang anak ni isay.
"gusto ka lang sana naming isurprise ni dino,at personal na makausap,hindi namin akalaing ganito ang mangyayari" tiningnan siya ng kapatid.
Pinunasan niya ang luha at pinilit na ngumiti, nasa kabilang side siya ng kama,tinitigan niya ang pamangkin "hindi,wala kang dapat ipag sorry ano ka ba?,ako ang may kasalanan kung bakit umabot sa ganito" nakangiting tiningnan naman niya si dino na nakatayo sa harap ng bintana, binatang binata na ang bunsong kapatid niya.
"ano nga pala yung gusto nyong sabihin?" pinilit niyang mag paka pormal
"ate magpapakasal na ako" si dino ang sumagot sa tanong niya,lumapit eto at iniabot ang imbitasyon sa kasal nito.
"ha?,talaga?" naubusan siya ng sasabihin,tinitigan na lamang niya ang invitation card
"ate" naramdaman niya ang kamay ni dino sa balikat niya "maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin,tama na ang pag sasakripisyo mo,pag bigyan mo naman ngayun ang sarili mo"
Tuluyan ng bumagsak ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan.
"hindi naman ako nag sasakripisyo,ano ba naman kayo" tiningnan niya ang mga eto "kahit kalian hindi ko inisip na pag sasakripisyo ang lahat ng eto,mahal ko kayo,alam kong tama lang ang mga ginawa ko, nakita nyo naman ,nakapag patayo tayo ng bahay sa davao,pati sila auntie maginhawa ang buhay ngayun,Masaya ako sa kinahinatnan ng buhay natin," sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.
"ate,alam namin ang sakit na tiniis mo,ayaw din naman naming na puro nalang kame ang iintindihin mo,sobra sobra na ang nagawa mo para sa amin,alam naming na ni minsan hindi mo nakalimutan si kuya jared,masayang masaya kame para sayo na nagkita kayo ulit,pero siguro panahon na din na kausapin mo siya at mag sabi ng totoo" napaka babait talaga ng kanyang mga kapatid ,si Isay na nakapag tapos ng kolehiyo at nakapag patayo ng sarili nitong klinika sa davao,isa etong dentist at nakapag asawa ng foreigner na nakilala niyang nagbabakasyon sa davao,tiningnan niya si Dino,mamang mama na ang tindig nito isa na etong engineer at may sariling kumpanya ng construction sa davao,maliit pa lamang pero hawak na nito ang mga nag susulputang resorts at mall na ipinapatayo sa kanilang lugar.
"mahal na mahal ko kayo…" tanging nasabi niya at nagyakap silang tatlo.
---"iho tama na yang alak" saway ni mr. Castillo kay jared,kinuha nito ang bote ng alak at inilayo na sa lalake.nasa rooftop sila ng condominium,doon niya naisip magpalipas ng sama ng loob,kailangan niya ng maraming hangin.
"papa bakit pinaglaruan niya pa ako" naghihimutok na tanong niya dito,hindi niya maintindihan ang mga pangyayari,pinilit niyang burahin sa isip niya si jessa,pakiramdam niya ay napahiya siya sa sarili ng makitang wala etong balat katulad sa dating kasingtahan,naniwala na siya na magka ibang tao eto,pero ngayun? Ano ang nangyari?
"baka may dahilan siya iho" tinapik tapik sya nito sa balikat "minsan may mga bagay tayong hindi naman natin gustong gawin pero napipilitan dahil sa mga dahilang tanging tayo lamang ang nakaka alam"
"pa,nasan ang tiwala niya sa akin?...bakit pinatagal pa niya?" puno parin ng galit ang tinig niya
"ilang taon ako nag alala sa kaiisip kung nasaan na siya,ibinuhos ko lahat ng panahon ko sa pagtatrabaho para paghandaan ang kinabukasan nami, umasam ako na babalik siya"
"eto na at bumalik na siya iho"
"hindi pa,hindi siya nag pakilala sa akin,nag sinungaling siya at pinanindigan niya na ibang tao siya,ang gulo ,hindi ko maintindihan!"
"Hindi mo maiintidihan hanggat hindi mo siya pinakikinggan" tumalikod na eto at nilapitan si jessa na kanina pa nakikinig "ikaw na ang bahala sa kanya" bulong ni mr. Castillo kay jessa"jared…" tawag niya sa lalake pero hindi siya nilingon nito.
"JARED!!!" nilakasan niya ang boses
"ANO!... sasabihin mo na namang hindi ikaw si jessa?" nagulat siya sa biglang pagharap nito at galit na galit
"o baka naman sasabihin mo na kakambal mo si jessa? Kaya wala kang balat?" gigil na sabi nito
"no…no… please listen to me…jared…im so sorry" nag uunahan ang mga luha niya sa kanyang pisngi
"alam mo,jessa, mahal na mahal kita…iniwan mo ako ng wala ka manlang pasabi,umasa ako na babalik ka! Nakita nga kita pero hindi ka naman umamin,sa halip pinaniwala mo ako na ibang tao ka?" mataas ang boses nito at iwinawasiwas ang kamay habang nag sasalita.
" ano ba ang gusto mo ?pag mukhain akong tanga!pag laruan ako! Bakit ano bang nagawa kong kasalanan sayo?!!!" duro nito sa kanya
"jared wala…makinig ka muna please…nagawa kong umalis noon dahil pareho tayong naghihirap sa buhay,gusto kong buhayin ang mga kapatid ko,hindi ko naman magawang umasa lang syo…kaya ng kumatok sa akin ang pag kakataon hindi ko na nagawang tanggihan"
"BULLSHIT!!!," tinabig nito ang baso na nakapatong sa mesa "handa akong magtiis,alam mong nag susumikap ako para sa ating dalawa.alam mong handa na kong pakasalan ka!"
"pero hindi pa ako handa ng mga panahong iyun?" malakas na singit niya dito,lumapit siya at akmang yayakapin si jared ngunit lumayo ang lalaki
"hindi ko maaatim na pati ikaw madamay sa obligasyon ko para sa pamilya ko,alam ko din ang pinag daanan mo jared, inaamin ko naduwag ako noon na tanggihan ka,natakot akong sabihin sayo na hindi pa ako handa,na marami pa akong dapat asikasuhin at unahin,kagaya ng pag ka duwag kong aminin na ako nga si jessa, hindi ko alam kung paano itatama ang lahat,pero ngayun…" tinangka niya muli lumapit sa lalaki "ngayun handa na ako,hindi ko na kakayaning malayo pang muli sayo, kahit kailanman walang pumalit sayo sa puso ko,ikaw ang nagiisang lalaking pinag bigyan ko ng sarili ko"
Hinablot siya nito at hinalikan ng madiin "hindi mo kayang malayo na sa akin dahil masarap akong humalik hindi ba?!" sinibasib siya nito ng halik,nasasaktan siya sa sobrang diin ng mga labi nito nalasahan nyang nag dugo na ang kanyang mga labi,itinulak niya eto " jared nasasaktan ako!" tila naman naguguluhang tiningnan siya ni jared at pinunasan ang dugong nasa labi rin nito.
"I have to go jessa…" mabilis na nilagpasan siya nito,
Hinabol at pinigilan niya ito sa kamay "jared please…nakikiusap ako ,wag mo naman akong iwanan…" halos hindi na siya makapag salita sa sobrang pag hikbi,ngunit tila bingi ang lalake,iwinaksi nito ang mga kamay niya at tuluyang umalis.