Ala-singko palang ng umaga ay gising na sila Samantha. Ali-syete ng umaga kase ang flight nila patungong davao,may premier night sila doon ng bagong pelikula ni Samantha ang TAKIPSILIM isa etong suspense thriller.Hindi na naulit pang makagawa siya muli ng bold movie,isa na siyang dekalidad na actress at pawang magagandang script na lamang ang tinatanggap niya.
Pag ka upo sa eroplano ay hinayaan na lamang niya si allen umasikaso ng kanilang mga dala dalahan. Agad niyang ipinikit ang mga mata,gusto niyang makatulog kahit ilang minuto lamang,pagod na pagod ang pakiramdam niya,hindi dahil sa presscon at pictorial niya nang nagdaang araw,kundi dahil sa isang lalaking hindi maalis sa isip niya.
Nagtake off na ang eroplano at nahimbing naman siya,ngunit ilang minute lamang ay naramdaman niya ang tabig sa kanya ni allen, "hmmm…ano ba! Hello,may natutulog" sabi niya ng hindi dumidilat. Bumaling siya sa kabilang side ng upuan at naramdamang may tinamaan ang ulo niya ng tila matigas na bagay,agad siyang napadilat,nanlaki ang mga mata niya ng mapag sino ang katabi .
"hi!" nakangiting bati sa kanya ni jared
"anong ginagawa mo dito?" sagot niya na agad umiwas ng tingin...bakit nga ba nandito ang lalaking eto.
"well , papunta akong davao,may business akong dapat asikasuhin dun" nakangiti paring wika nito.
"ah ok…" binalingan niya si allen na nasa tabi ng bintana "bakit hindi mo sinabi?" pinadilatan niya eto.
"ginigising nga kita diba?" ganti nito sa kanya.
"mukhang puyat na puyat ka yata?" tanong ni jared sa kanya
"ha,hindi naman gusto ko lang mag recharge nang kunti" sinuot niya ang baong shades at saka sumandal at pumikit para tapusin na ang usapang iyon.
"here…" at naramdaman nyang inalalayan ni jared ang ulo niya pasandal sa balikat nito,nanigas na ang buong katawan niya.
"eehheeemmm…" papansin ni allen.hindi nalang siya tumutol upang hindi na humaba pa ang usapan nila…kunsabagay masarap naman ang nakasandal sa lalaking eto.Sa labas ng hotel na kanilang tutuluyan ay marami ng fans ni Samantha ang nag aabang,kahit tirik ang araw hindi nila inalintana.Pag baba niya ng kotse ay umugong na ang sigawan. "Samantha! Ilove you" sigaw ng isang fan ,at magiliw namang tumutugon si Samantha ng ngiti , "ang ganda mo Samantha!" sabi pa ng isa.nag paunlak siya ng ilang minuto upang bigyan ng autograph ang mga masugid nyang taga hanga.Hanggat maari ay pinag bibigyan niya ang mga taga hanga niya,malaki ang utang na loob niya sa mga eto,kundi dahil sa mga taga subaybay niya ay hindi siya sisikat ,hindi siya kukunin bilang taga endorso ng mga produkto,kaya bilang pasasalamat ay madali siyang lapitan ng mga taga hanga niya.
Ilang minute pa ay tumuloy na sila sa kanilang silid.
"ano gutom ka na ba?" Tanong sa kanya ni allen,kahit kalian ay hindi siya pinababayaan nito,hindi na nga siya ikinuha nito ng alalay,dahil mas gusto nitong nababantayan siya at naasikaso,hindi rin naman niya gustong nag uutos,at kagaya ng ibang artista,sa mga maids nila mismo nangggaling ang ibat ibang balita.
"ikaw na bahalang umorder,daming gutom ko na" tinanggal niya ang sapatos at bag na dala.
"oo eh hindi ka naka kain kanina sa eroplano dahil ke pogi diba-diba?" tukso nito sa kanya
"hay naku,hindi pa kase ako gutom kanina" katwiran niya naglakad na patungong banyo
Alas osto ng gabi ang premiere night kung kayat mahaba haba pa ang pahinga niya,may panahon pa siyang intindihin ang parating niyang mga bisita.