CHAPTER 8

21 1 0
                                    

"bakit nagawa mo sa akin eto?,hindi kita mapatatawad!" hinagpis ni Mabel, ang karakter ni Samantha sa teleseryeng pinagbibidahan. "patawarin mo ako mabel,hindi ko sinasadya" ilang eksena pa ng paghihinagpis ni mabel ang kinunan bago sumigaw ang director "CUT!" pack up na ang set,tapos na ang taping para sa araw na iyun. Tumingin siya sa gilid ng studio at nakita niyang muli si jared na nandoon,matyagang nag hihintay sa kanya.Ilang lingo narin siyang hinahatid sundo nito,tila hindi eto napapagod sa ginagawa.Kinawayan siya nito.Tumango naman siya at dumiretso na sa dressing room niya.Mabilis na nagbihis at iniwan na si allen,alam na nito kay Jared siya sasabay,hindi naman tumututol ang manager niya dahil hindi naman sila lumalabas ng hayagan sa publiko,marunong din naman siyang mag ingat,isa pa wala naman silang ginagawang masama sa labas kung kaya't malakas din ang loob nilang walang intrigang hindi maganda laban sa kanya.Ng iluwa siya ng hall ng studio ay nakita niya agad si jared na naka upo sa isa sa mga apple box at napapaligiran na ng mga reporter.Hindi muna siya lumapit,makikinig muna siya sa mga eto.
'jared ang pangalan mo anoh?,gaano na kayo katagal na magka kilala ni Samantha?'
"mga ilang buwan na din,pero parang matagal na kameng nagkakasama" magiliw na sagot nito,tila hindi eto nahihiyang humarap sa camera.
'nanliligaw ka ba?'
Ngumiti ng malapad bago sumagot "yes nanliligaw ako" tila kinilig naman ang mga reporter na pawang miyembro lahat ang third sex.
'alam mo bang maraming nanliligaw kay Samantha na mga politician at malalaking businessman?,hindi ka ba natatakot na maungusan ka nila o hindi ikaw ang piliin?'
"no..no…I have my own qualities" buo sa loob na sagot ni jared,kinilig siya,lalaking lalaki ang tingin niya dito,hindi eto naiintimidate sa mundo ng showbiz.Pinagmasdan niya ang bawat buka ng labi nito,bigla siyang nauhaw sa halik nito sa kanya.Ang mga mata nitong tila hindi marunong mag sinungaling.Sa bawat pagtawa nito ay lalo etong gumagwapo ,hindi nakakasawang pag masdan ,hindi niya napansin na nakalapit na pala ang isang reporter sa kanya,si Tonette ang isa sa pinaka intregerong reporter at pinakamaraming demanda mula sa mga artistang ginawan nito ng hindi kagandahang kwento.
'Samantha Allen,mukhang may bago ng paborito ang mga reporter,at hindi na ikaw yun,kundi si jared na matyagang naliligaw sayo.' Inginuso nito ang kinaroroonan ng lalake
"yeah…" natatawang sang ayon nito
'sa tingin ko inlove ka na sa kanya,sa tagal ko na sa industriyang eto,alam na alam ko na ang mga senyales kung inlove ang artista,at sa kaso mo,Samantha,alam kong malakas ang tama mo' direstong litanya nito sa kanya.
"hahaha,ikaw talaga tonette" tanging nasabi niya,napaisip tuloy siya,ganun ba siya ka obvious?
'sigurado ako,at bukas lang ay laman na eto ng lahat ng pahayagan ang eksenang eto at ang pag uusap natin…hahaha,salamat at may isusulat nanaman ako'
"walang ano man tonette…" pinatibay niya ang tinig,kahit tila pagbabanta ang tono ng huling salitang binitiwan nito ay nag paka tatag siya,wala siyang dapat ikatakot dahil wala naman silang ginagawang masama ni jared,alam niyang handa siya sa mga intrigang ibinabato nito sa kanya.
"for sure marami na namang bibiling publisher ng mga isusulat mong kwento tungkol sakin,so tonette maiwan na kita para maumpisahan ko nang gawin ang unang kabanata ng nobela mo" malambing ngunit makabuluhang sabi niya at tuluyang tinalikuran na eto at tinungo ang kinauupuan ni jared.Nang Makita na siyang papalapit ng lalake ay agad etong tumayo at nagpaalam na sa mga reporter,ng makalapit eto sa kanya ay nag kislapan muli ang mga kamerang dala ng mga naka paligid sa kanila.
Inalalayan siya ni Jared sa braso at iginiyak papalabas ng studio,hanggang parking lot ay sinundan sila ng mga reporter at camera man.
"hindi ka ba natatakot na makakaladkad sa publiko ang pangalan mo?" bulong niya kay jared.
"no sweetheart" matamis na ngumiti eto sa kanya
"im sure ,your face is on the headline of every tabloid by tomorrow" panunubok parin niya dito
"this face,with your face,sweetheart,its a privilege,to be with you… so I don't have any reasons to be afraid of, besides im loving this" kinurot nito ang tungki ng kanyang ilong.
"really huh? Just wait in see,soon your phone will be ringing endlessly,there will be left and right interview" binuksan nito ang pinto ng kotse para sa kanya.
"well,keep it coming baby" at mabilis na lumakad eto sa drivers seat,kumaway pa eto sa mga reporter bago tuluyang pinaandar ang makina ng kotse nito.

Ilang minuto din silang nanahimik sa kotse.Si jared ang bumasag sa katahimikan.
"san mo pala gustong pumunta?" tanong nito habang nakatutok ang mga mata sa daan
"kahit saan.." mabilis naman na sagot niya.
Bigla etong napalingon sa kanya, tila nagulat sa sagot niya.
"baka na gugutom ka na?gusto mo bang kumain muna?" may pag aalala sa tinig nito
"medyo" matipid lang na sabi niya
"saan mo gustong kumain" 
"ikaw na ang bahala" agad na sagot niya dito,mabilis naman na pinasibad nito ang sasakyan.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon