CHAPTER 3

50 1 0
                                    


"Samantha bilisan mo malalate na tayo sa presscon, baka kung ano nanaman sabihin ng mga reporter nayan! Naku nag sasawa nako magbigay ng kung ano anong regalo sa kanila noh?" nasa parking lot na sila ng kanyang condominium ,hila hila na siya ni allen pasakay ng kotse. " e di wag mong bigyan" wala sa loob niyang sagot ,abala siya sa pag hahanap ng kanyang shades sa kanyang bag. "ano ?! Hindi mo bigyan edi sinaraan ka ng mga nun,alam mo naman yung mga yun pera ang diyos, ano ba kase yang ginagawa mo" dederetso na sana siya ng lakad ng bumangga siya sa tila isang poste,malapad ang katawan nito at diretsong pumasok sa kanyang pang amoy ang mabangong hininga nito,agad naman siyang naalalayan at saka ay tinitigan. "ay! Samantha!" tanging narinig niyang sigaw ni allen ngunit hindi nya nilingon ang kaibigan,hindi niya maialis ang tingin sa ADONIS na nasa harap niya,nakakatunaw ang mga titig nito,dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.Pakiwari niya ay huminto ang kanyang mundo.
"je jessa?" tanging nasambit ng lalake,hindi niya maialis ang titig sa magandang babaeng hawak hawak parin niya.Kung hindi niya naagapan marahil ay sumubsob eto sa gilid ng elevator ng parking lot na iyun.Nanginig ang kanyang tuhod.Si JESSA.
"ay, pogi…sorry pero hindi si jessa zaragoza yan noh, Samantha,SAMANTHA ALLEN ang reyna ng All star network!" tila isang beauty contestant etong sumingit na sa eksena. Tila naman nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog mahina niyang ipinilig ang ulo.
"ah, salamat ha," dire-diretso niyang sabi at binawi ang kanyang kamay.
"Samantha ba,dito ka ba nakatira?" napakamot eto ng ulo,sinundan niya ang dalawa patungo sa van nito.
" bakit? May balak kang manligaw?" tila kinikilig naman si allen na sumagot,tinampi niya eto sa kamay, "allen ano ba diba sabi mo malalate na tayo?"pinandilatan na niya ang kaibigan,naka kita lang ng guwapo nakalimutan na agad ang lakad nila. "ay oo nga ,sige pogi next time nalang,may presscon pa kaming pupuntahan eh" papasok na sila ng van nang pigilan siya nitong makapasok.
"sam…ahmmm sorry nga pala kanina ha,"saka ay inilahad ang palad nito,napalingon siya sa kaibigan,tila nanghihingi ng saklolo,ngumuso lang naman si allen at tumango,tila sinasabing pagbigyan mo na.
Napipilitang inabot nya rin eto upang makipag shake hands. "wala yun,thank you ulit, sige ha bye" at binitiwan na niya ang kamay nito.muli ay pinigil nitong maisara ang pinto ng van. "im jared,jared Castillo"

 
Habang nasa biyahe ay paulit ulit sa kanyang diwa ang huling sinabi nito 'jared castillo',napaka guwapo niya at malambing ang tinig,nakatitiyak siyang maraming ng napaibig eto at marahil maraming umaasam na mapansin. Maganda mag dala ng damit,kagalang galang ang tindig at napaka linis.Tila isang anak mayaman eto,kita sa klase ng damit na suot at bango.At tanging siya lang ang tumawag sa kanya ng "SAM" napakalambing ng dating.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon