"aaayyyy!!!" nagising siya sa lakas ng tili ni allen,diretso etong pumasok sa kuwarto niya kasunod ang mga kapatid.Alas otso pa lang ng umaga.
"Samantha,tingnan mo eto" pupungas pungas na iniabot nito sa kanya ang tabloid, front page sila ni jared, ang larawan ay kuha sa rooftop ng condominium na iyun,kitang kita ang pag iyak niya at galit naman ng lalake "samantha buttered girlfriend?" nakalagay sa caption ng larawan.Sumakit bigla ang ulo niya at napabalikwas siya ng bangon.Grabe naman talaga ang mga reporter na eto ,wala siyang takas.
"eto pa ,eto pa…" oa naman na pag kakasabi ni allen at iniharap sa kanila ang tablet nito,ang video sa youtube
"ay,ate ,nakunan kayo ni kuya jared!" si isay
Kitang kita sa video ang pag wawala ni jared, kagabi lang din eto ini upload pero may ilang libo ng hits at comment.
"samantha?!" tila naman nagmamaka awa ang itsura ni allen.
Madiin at puno ng diterminasyon niyang sinabi "ipatawag mo ang media,magpapa presscon ako! "
-
"so,Samantha talagang nag patawag kayo ng presscon para linawin ang mga kumakalat na larawan at video nyo ni jared,na kamakailan lamang ay napapabalitang iyong boyfriend,ano nga ang iyong mga aaminin?,base sa mga larawan ay isa kang batered girlfriend?" tila naman nag iinsulto ang mga pahayag ni tonette ,nakasisilaw ang liwanag ng mga ilaw na nakatutok kina Samantha at ang manager nitong si allen,katabi rin nila ang isang executive manager ng All Star Network upang magbigay ng suporta kay Samantha.
"Una po sa lahat,gustong kong magpa salamat sa mabilis na pag tugon niyo sa prescon na eto" panimula ni jessa, saka ay bumaling et okay tonette "salamat sa tanong tonette,tama,narito ako para ipaliwanag sa lahat ang tunay na nangyari,ang tunay na pagakatao ko,HINDI PO AKO BATERD GIRLFRIEND!" umugong ang bulungan sa paligid "Ako pa nga ang nakasakit" patuloy ni jessa, "Ang tunay ko pong pangalan ay MARIA JESUSA CAPISTRANO,tubong davao,napadpad dito sa maynila para tuparin ang aking pangarap,hindi po ang pag aartista,ang nais ko lamang ay magkaroon ng trabaho at maiahon sa kahirapan ang aking mga kapatid," bumaling siya sa kinaroroonan ng kanyang mga kapatid,nasa badang kaliwa sila kung saan naroon din ang ilang staff ng network.
"walang nakaka alam ng tunay kong pinagmulan,at pagkatao kundi ang aking manager at matalik na kaibigan na si allen" humarap sya dito at isa isa nang naglaglagan ang kanyang luha "inalok niya akong maging artista,siya po ang tumulong sakin mag karoon ng mga projects,nang mga panahong iyun,hindi kop o nagawang tumanggi,hindi kop o pinag sisisihan iyon,na kahit kasabay ng magandang oportunidad na iyun ay ang pagka durog ng aking puso." Napayuko siya at suminghot ,nagpunas siya ng luha at tumingin ng diretso sa mga nag aabang na reporter. "Iniwan ko ang kaisa isang lalaking minahal ko at nagpaligaya sa akin sa kabila ng kahirapan n gaming buhay,umalis ako ng hindi nagpapa alam sa kanya,hindi ko kase alam kung paano mag sabi dahil alam kong mas mahihirapan ako umalis,8 years,8 years akopng nag tago sa kanya,nag iba ang aking itsura at estados a buhay dahil naging artista ako,hindi ko akalaing sa loob ng mahabang panahon ay pagtatagpuin pa muli kame," sumigok sigok pa siya habang nag sasalita "patawarin mo akong JARED,naging duwag akong harapin ka,hindi ko agad nagawang magtapat sayo dahil natakot akong sumabatan mo,hindi ko naamin agad say o na ako nga si jessa dahil akala kong mas mabuti na iyong makilala mo ako sa ibang pagkatao,pero…pero hindi ko kailanman sinadyang lukuhin ka at paikutin,hindi kita nalimot,hindi nako matatakot mag sabi ng totoo,IM SORRY,mahal na mahal pa rin kita…." Hindi na niya kinaya magpatuloy pa bumuhos na ang masaganang luha niya,niyakap na siya ni allen ,sunod sunod ang kislapan ng mga camera,tumayo naman ang executive ng naturang network at pumalakpak,tumayo na rin ang kanyang mga kapatid at sumabay ng palakpak,kasunod noon ang napuno ng palakpakan ang presscon.
-
"yes?..." bungad ni allen sa babaeng nasa harap ng kanilang pinto.
"Nandiyan ba si Samantha?, I mean jessa?" sagot nito kay allen ng hindi nakatingin,humahaba ang leeg nito sa pag silip sa loob ng kanilang unit.
"at bakit?...anong kailangan mo sa kanya?" nakataas ang kilay na muling tanong ni allen,bahagya niyang sinara ang pinto.
"may gusto lang ipasabi si jared sa kanya…"tinitigan ng babae si allen.
"papasukin mo siya allen" tila napatalon sa gulat si allen ng marinig ang tinig ni Jessa sa kanyang likuran.
"ay! Ano ba yan! parang puro suspense thriller na nangyayari ngayun" niluwagan nya ang pinto upang papasukin ang babae,matangkad eto,maputi,makinis at kitang kita ang kasexyhan.Nakaramdam ng kaba si jessa.
"maupo ka," aya ni jessa, "soda,coffee?..." alok niya pa dito
"wag ka ng mag abala,hindi naman ako magtatagal" mataray na sagot ng babae, "ako nga pala si Melissa,GIRLFRIEND ni jared" tila nanlambot ang mga tuhod niya sa narinig
"alam mo bang ikakasal na sana kame,pero bigla kang nagbalik,sa totoo lang,hindi ka naman talaga mahal na ni jared eh,nalito lang siya,na excite!...syempre artista ka,alam mo naman ang mga lalaki,mahilig sa trophy" tuloy tuloy na litanya ni Melissa
"hindi ako naniniwala sayo…hindi ganung klaseng tao si jared" pilit niyang pinatatag ang sarili.
"eto oh" inilahad nito ang mga daliri,kuminang ang singsing na may malaking bato na tila diyamante,hindi siya maaaring magkamali,eto ang singsing na binili sa kanya ni jared 8 taon nang nakakaraan,ang unang bagay na binili ni jared mula sa unang sweldo nito ng mapromote sa trabaho "ayan,matagal na niya akong inalok ng kasal," tila nasisiyahan naman etong makita siyang natitigilan, nagpalakad lakad pa sa gitna ng sala at mataas na ang boses ng magpatuloy "jessa matagal nang tapos ang sa inyo ni jared,kaya kung ako sayo iwasan mo na siya dahil kung hindi magsasalita narin ako sa press,na isa kang mang aagaw ng boyfriend!artista ka naman,marami ka pang mabibingwit!pero si jared, sa akin na siya! Naiintindihan mo?! Akin na si JARED!!!" inilapit nito ang mukha kay jessa tila lalo pa siyang inaasar.
"hoy hoy hoy halika nga dito!!!" si allen, hinila nito sa buhok si Melissa at kinaladkad patungo sa pinto.
"lumayas ka na dito ,baka gusto mo kalbuhin kita impakta ka!!!" "baka gusto mo magpa presscon ng kalbo at puro pasa!" isinalya nito si Melissa papalabas ng pinto ,wala ng nagawa si Melissa nagkanda dapa eto sa pagmamadali makalayo kay allen.Pagkasara ni allen ng pinto ay agad na nilapitan nito si jessa na walang tigil na sa pag iyak.
"wag mo sabihing naniniwala ka sa bruha na yun?" tanong nito kay jessa,nakaupo na sya sa tabi ni jessa.
"hindi ko na alam kung ano iisipin allen,"
"gusto mo ba kausapin ko si jared?" " hindi!" maagap na awat nito kay allen ng abutin na nito ang cellphone "wag na please,tama na…pabayaan nalang natin siya,baka nga mas gusto na rin niyang matahimik"
"sigurado ka ba?"
Tumango nalang siya,kahit kabaliktaran ang sinasabi ng kanyang puso ,gustong gusto niyang makausap ang lalaki,pero hindi naman niya alam paano tatanggapin ang lahat kung sakaling totoo nga ang mga pinag sasabi ni Melissa.