Chapter1
"hoy Samantha,haler kanina pa ako dada ng dada dito hindi ka naman pala nakikinig!" puna ni allen at saka binatukan ang babaeng tinawag niyang Samantha.
"aray!" gulat na nilingon ang kaibigang si allen na siyang nag mamaneho ng kanilang sasakyan.
"bakit ka ba nang babatok diyan ha?" baling nito sa lalaking mas matindi pa pumilantik ang mga daliri kesa sa kanya.
"aba! Naman talaga Samantha ni hindi mo alam bakit kita binatukan!kumusta ka naman !? sang mundo ka ba galing ha? Ang sabi ko kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig!" tuloy tuloy na litanya nito habang inaambaan ng kurot si Samantha matapos ihinto ang sasakyan.
"ah ganun ba,sorry na tao lang,kulang sa tulog eh ,alam mo naman magdamag ang taping,puro pa iyakan ang eksena ko,kaya stress lang ang lola mo" umiilag na sagot ni Samantha,saka ay mabilis na bumaba ng sasakyan.Diretso diretso niyang tinungo ang elevator ng garahe ng condominium na kanyang tinutuluyan.Nagmamadali namang sumunod si allen sa kanya.Eto ang maagap na pumindot ng button sa elevator.
"hay naku,kunyari ka pa,may ibang laman nanaman yang isip mo noh!,if I know lalake!" tsaka ay tumaas ang kilay nito.8 taon na niyang kasama eto sa buhay,nag iisang matalik niyang kaibigan,at tumatayong manager niya sa showbiz.Eto ang nag tyagang kumausap sa ibat ibang talent agency na mabigyan siya ng maliliit na proyekto,eto rin ang walang sawang nagbibigay ng kung ano anong regalo sa mga ehekutibo ng malalaking TV station ng bansa,kahit kaluluwa nga daw nito ay ibibigay na rin sumikat lang daw siya,hindi naman nagtagal 5 buwan mula ng sumalang siya sa mga auditions ay napansin din siya,at nag starring agad sa isang bold movie,sa una ay tinanggihan niya ngunit kailangan na nila ng pera dahil nung mga panahong iyun ay kinakapos na sila,naubos na ang mga naipon nila sa kakasunod sa mga vtr at go see ng mga talent agency.Pikit mata niyang tinanggap ang pelikula,nilunok niya ang kanyang pride,kahit maraming pumupuna na masyadong makamundo ang unang imahe ay hindi siya nag reklamo,lalo na ng matanggap niya ang una niyang sweldo bilang isang artista.Dahil mahusay rin naman ang kanyang pag kaka ganap sa naturang pelikula ay napansin ang kanyang acting at sunod sunod na siyang naimbitahanng umekstra sa mga teleserye sa telibisyon.At ngayun siya ang Reyna ng teleserye sa isang malaking tv network.Kabilaan ang kanyang endorsement,makikita ang kanyang mukha sa halos lahat ng billboard sa edsa,may 6 siyang tv commercial na lumalabas sa television kada ilang oras.
"allen naman,wala akong panahon sa mga lalakeng yan,ano ka ba?! Hindi ko uubusin ang oras ko sa kaiisip sa mga pacute na lalake nayan noh!" nakataas ang kilay na lingon niya sa kaibigan.
"ok,ok, fine wala na kong sinabi, ano ba gusto mong kainin ngayun? Kanina pako nagugutom"
"yan! Yan ang kanina ko pa iniisip,parang gusto ko mag pizza at pasta,…,ano sa tingin mo?" sabay kindat nito kay allen.
"aba,naglilihi ka ha?!,haha,sige na nga at nagugutom na talaga ako,ano magpapadeliver na lang ako ha"
Tumango siya at saka tinalikuran si allen,mabilis niyang isinara ang pinto ng kanyang silid.Diretso siya sa kanyang banyo,ang pinaka paborito niyang lugar sa kanyang bahay,dito siya madalas naglalagi kung wala siyang shooting,mas gusto niyang magbabad sa jakuzi kesa lumabas at lumustay ng pera di tulad ng ibang mga artista na walang ibang ginawa kundi mag shopping at gumimik,mag sugal at uminom,masinop siya sa kanyang mga kinikita.Hindi nga bat kaya siya nag artista ay para makaipon ng maraming pera nang maiahon niya sa hirap ang kanyang pamilya na nasa probinsiya.Gusto niyang magtapos ang kanyang mga kapatid na nakikituloy lamang sa kanyang mga tiyahin sa Davao.Nakapag tapos man siya ng kolihiyo ay hindi naman siya pinalad na makahanap ng magandang trabaho,palaging kontrakwal lamang ang kanyang inaabot.kung kaya't ng mag kasakit ang kanyang ina ay hindi manlang niya eto na pagamot sa isang magandang ospital,hanggang sa sinapit na nito ang kamatayan ay hindi nila naipalibing ng maayos,mahirap ang buhay sa kanilang probinsiya ,ng mga panahong iyon ay isang kabang bigas lamang ang nabibili niya sa kanyang sweldo kada kinsenas,kulang pa pambayad sa kanilang mga utang.Napilitan siyang iwan ang kanyang mga kapatid sa kanilang mga kamag anak at lumuwas ng maynila. "ate sabi sa radio may pelikula ka na daw?...kelan ba ipapalabas dito yun?" tanong ng kapatid niya na nasa kabilang linya. "hay naku Isay wag mong intindihin yun,hindi naman maganda yung pelikula ko nay un kulang sa budget at minadali lang pag kakagawa,intindihin mo yang pag aaral mo,para pag nakatapos ka na eh maipasok kita sa mga kakilala ko dito" paiwas niyang sagot sa nakababatang kapatid. "si Dino kumusta naman pala?," si Dino ang bunso nilang kapatid "nabili ba ni tiyang yung mga gamot niya?" "oo ate,hindi na nga siya sinusumpong ng hika niya eh,tsaka madalas naman kame bilhan ni tiyang ng mga prutas,bumait na nga siya sa amin ate eh" bungisngis nito,batid niyang masungit ang kanilang tiyahin,napapalo sila nito kapag hindi umuuwi ng bahay ang kanilang tiyuhin,sila ang napag bubuntunan ng galit.Pero dahil wala naman etong anak eto ang nag kusang loob na umako na sa kanilang mag kakapatid.Pinag aral sila nito kahit madalas ay nagigipit sa pera. "mabuti naman kung ganun,basta isay ,bantayan mo rin si Dino ha,wag mong pababayaan, kapag may kailangan kayo tumawag ka agad,turuan mo siya sa mga aralin niya ha?.." "opo ate wag kang mag alala pinagbubutihan namin ni dino,para maging proud ka naman sa amin,kami nga ate proud na proud na may ate kameng artista hihi,pinagkakalat nga ni dino ate ka namin eh." Mga salitang tuluyang nagpalaglag sa mga luha niya.Miss na miss na niya ang mga kapatid.Hindi niya makakalimutan ,matapos ang pag uusap nilang iyun ay puro batikos na ang inabot niya dahil sa lumabas na pelikula niya,sa palagi ay nag susumbong sa kanya si isay na nakikipag away daw si dino sa mga kaklase nito dahil madalas etong tuksuin na kapatid ng isang kalapating mababa ang lipad.Tinanim niya sa puso niya ang mga bagay na iyun at pinangakong sisikat siya at titingalain.At ngayun nga ay nasa tuktok na siya ng tagumpay.
Naputol ang kanyang pag iisip ng marinig ang mga katok ni allen. "Samantha halika na, kain na tayo nandito na lafangga natin,bilisan mo na diyan" malakas na sabi nito.
"oo palabas nako.." mabilis na syang umahon sa jakuzi,tinakpan ng roba ang basang katawan ,kahit eto ang naging puhunan niya upang makapasok ng showbiz ay hindi niya kailanman nagawang ibenta eto.