"hay naku ,grabe ang init sa labas" si allen na kababalik lang galing sa pag jojoging "uy may nag donate na naman ng bulaklak!" puna nito sa kanya ng maabutan siya nitong inaayos ang mga bulaklak sa isang malaking vase sa gitna ng sala. "hmmm may card ba?...pabasa nga" dinamput nito ang card na nakalapag sa mesita. 'lovely as you are…' "ay un lang…walang from da hu!!! Ano ba yan pa mysterious" tila naasar na sabi ni allen,at binagsak nalang ang card sa sahig ,naka pamewang na hinarap si Samantha "ang haba ng hair mo ano?,kanino sa tingin mo galling yan?...dun ke pogi o isa sa mga walang kasawa sawang suitor mong businessman?"
"ha?...ewan ko,basta nagagandahan lang ako sa bulaklak,kahit kanino galling keber! Sayang naman kung itatapon natin diba?" sagot nito ng hindi tumitingin sa kaibigan.
"weee…di nga…di mo alam?...if I know ,iniexpect mong ke pogi galing yan"
"hindi nga"matipid niyang sagot ,nasaan na nga ba ang lalaking yun,pagkatapos ng hindi magandang nangyari sa kanila nung isang gabi ay ilang araw na niyang hindi nakikita eto.Bigla ay nawala ang mga ngiti sa labi niya as pag alala dito.
"alam mo hanggang ngayun ,nagpapa ka misteryosa ka parin,tama na yan at may schedule tayo sa salon noh, kailangan mauna ka sa uso ngayun,kaya super make over natin yang mahabang buhok mo na sayad hanggang lupa"Pagkatapos sa salon ay tumuloy sila sa isang hotel upang mananghalian.Pumili si allen ng isang tagong lugar upang hindi naman sila pagtinginan ng mga tao habang kumakain.Naghihintay na lamang sila ng kanilang inorder ng may pamilyar na aura siyang nakitang dumating at umupo sa harap nila.Si jared, may kasamang babae.'kaya pala hindi nagpapakita ang gago dahil may iba ng kasama' inis na sabi niya sa sarili.Mukhang giliw na giliw eto sa kausap at inalalayan pa sa siko habang papaupo ang babae. 'hindi ba kame nakita nito?,o sinasadya talaga niyang ipakita sakin na may kalandian na siyang iba' 'kalandian?...ang dumi naman ng isip ko..'nagdilim ang mukha niya at napansin naman eto ni allen.
"oh bakit bigla kang sumimangot diyan?"
"wala,sumakit lang ang ulo ko" dahilan niya
"aw,teka may baon akong paracetamol" hinanap nito ang gamut sa bag,ilang sandal lang ay nahuli siya nitong maY tinitingnan sa likuran nito,agad naman etong napalingon
"ahahahay…kaya naman pala…nandito si pogi,at may kasamang iba,kasama ang kabit,lagut!" pangaasar nito sa kanya.
"anong pinagsasabi mo!?" tiningnan niya ang waiter na papalit ,dala na nito ang inorder nila
"alam mo allen kung ano ano pa pinagsasabi mo,kumain nalang nga tayo" gigil na dinampot niya ang kanyang kubyertos.'Nakaka inis!' bakit ba ganito ang nararamdaman niya,'nagseselos ba ako?' 'wala akong karapatan'
"uy,Samantha,ano yan?,papatay ka ba?" puna nito sa kanya,madidiin ang paghiwa niya sa kanyang steak hindi naman siya sumusubo."bakit ganyan ka kung makahawak sa tinidor mo parang gusto mong saksakin yung babaeng kasama ni pogi""ang tigas kase nitong steak ko,o sayo nalang" tuluyan na siyang nawalan ng gana.Napasandal siya,hindi niya kayang tagalan ang tagpong iyun tila malalaglag na naman ang mga luha niya kapag hindi pa siya umalis.Tumayo siya at dinampot ang shoulder bag.Napatingin si jared sa kanya,tila nagulat etong makita siya.
"o! san ka pupunta?"ngumunguyang sabi ni allen.
"pupunta lang akong department store parang wala na kase ako masyadong under wear" hindi siya tumitingin sa direksyon ni jared ngunit ramdam niya ang pagmasid nito sa kanya.
"ha?now na? kala ko ba nagugutom ka? Kahit yang salad manlang kainin mo" umiling siya
"hindi na,magkita nalang tayo dun ha" papatalikod na siya ng Makita niyang kumaway si Jared,wala sa loob na inirapan niya eto.'Hindi ba ako nakilala ni sam?,imposible' hinigop ni jared ang kape na inorder.
"so kumusta ang davao?" tanong ni kim,pinsan niya eto sa side ng kanyang ina.
"ibang iba na,marami ng turista" pilit niyang itiniuon ang isip sa kausap.
"nakita mo ba si jessa?" tanong nito bago sumubo
Umiiling na nagsalita "hindi, mahirap makita ang taong ayaw mag pakita haha" kunyaring tawa niya.
"well, baka totoo nga ang balita na nag abroad na eto,doon na nakapag asawa"
Kibit balikat "ewan,siguro" nilingon niya ang exit ng lobby ng hotel, wala na doon ang babae.
"cuz,wait lang ha may nakita lang akong kakilala,mag hi lang ako"
"ok, go ahead"naka ngiting sagot ng pinsan niyaIbinuhos ni Samantha ang sama ng loob na nararamdaman sa pamimili,hindi niya ugaling mag shopping pero ano bang gagawin niya para mawala ang inis,wala naman siyang ibang maisip,ayaw naman niyang mapag isa.Pag may nakita siyang magandang kulay kinukuha nalang niya,hanggang sa mag sawa na ang mga mata niya sa parteng iyun ng department store naisip niyang bayaran na ang mga napili at lumipat naman sa ibang section.Iaabot n asana niya ang card para ibayad sa cashier ay may mga kamay na nauna sa kanyang mag abot ng cash.
"miss eto na" sabi nito sa kahera,at malapad ang ngiting bumaling kay Sam
"what the…" gulat na sabi niya, "what are you doing!?" asik niya kay jared
"ako na,jared,ano ka ba" awat niya dito "miss ibalik mo nalang sa kanya yan"
"no!,miss sige na bilisan mo na mahaba na ang pila baka magalit na yung mga customer nyo" utos nito sa kahera na agad naman sinunod ang lalake ng mapansing marami na nga ang naghihintay
"wag ka ng umangal ," baling nito kay sam at saka inabot ang mga pinamili nitong nakalagay na sa malalaking paper bag
"o..wag na sam ako na magdadala" awat nito sa babae ng tila aagawin pa ang hawak na paper bags.
"ano bang ginagawa mo dito?" mahina ngunit madiin na sabi niya
"sinusundan ka,kahit may suot ka pang shades at wig,makikilala kita noh" nakangiting dabi nito sa kanya
"sinusundan?at bakit?" ay naku si allen,naisip niyang eto ang nagsabi dito na nandito nga siya,naiiling na inayus ang shades na suot,nakapag lakad siya sa department store ng hindi pinagkakaguluhan dahil sa suot niyang wig at shades,hindi rin siya nag lagay ng make up kung kaya hindi kapansin pansin ang itsura niya,hindi siya madaling mamukhaan.
"teka eh di ba may ka date ka?!" hindi niya napigilang mapalakas ang boses
"ha?,ka date?" natawa eto sa inasal niya "yung kanina ba sa hotel?, umalis na"
"oh…" tila naman natuwa siya sa sinabi nito
"pinsan ko yun si kim" nakangisi nitong tingin sa kanya,mas ikinatuwa niya ang huling sinabi nito
"o saan mo pa gusto mag punta?,sasamahan kita?" inakbayan na siya ni jared at tila nakuryente nanaman siya
"what?! Anong sasamahan?,hindi na noh kaya ko na eto" sagot niya at tinanggal ang mga braso nito sa balikat niya.
"sabi ni allen masama daw ang pakiramdam mo,kaya sasamahan na kita,baka mamaya kung ano pa mangyari sayo" ibinalik nito ang braso sa balikat niya.
"wow akala ko mawawalan nako ng bodyguard" mahinang sabi nya,natawa naman si jared,hinila naman niya na si Samantha paakyat ng escalator.
"nagustuhan mo ba?" tanong niya kay Samantha
"ang alin?" naguguluhang lumingon siya kay jared,muntik ng magtama ang kanilang mga mukha,maagap namang nahawakan ni jared ang ulo niya.
"yung mga flowers," sabay kindat nito kay sam.
"oh! Yeah…thank you nga pala.." hindi niya malaman ang sasabihin,ano ba eto at para siyang teenager na kinikilig.