ARCANA'S BETRAYAL: Estrange

1.1K 30 15
                                    


"Two options for you: run or die?" ang nakakagimbal na tanong niya sa akin.

Nakatitig ako sa mga mata niya na animo'y nagpapakita ng mata ng taong di ko pa minsan nakikilala ngunit kilalang-kilala ko siya sa isip at sa puso.

Muli akong tumayo mula sa pagkakasalampak at buong tapang siyang hinarap. Isang hakbang nalang ang nagawa ko nang bigla niyang itinutok sa akin ang isang sagradong patalim na kayang kumitil kahit pa isang makapangyarihang nilalang.

"Binabalaan kita, 'wag mo baliwalain 'yon." Muli niyang paalala ngunit hindi ako nagpatinag. Kung meron man pagkakataon para makausap ko siya, ito na iyon. Ito na nga ang tamang panahon para magkalinawan kami.

"Narito ako hindi upang kalabanin ka, narito ako ngayon dahil ikaw ang pinili ko." Buo kong pag-amin sa kanya.

"Pinili mo?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Oo. Ikaw." Sagot ko sabay pilit na lagpasan ang patalim niya upang mahaplo ko ang kanyang pisngi. "Ikaw ang pinili ko sa kanila, sana'y wag mo ring baliwalain 'yon." Dugtong ko.

Napatitig siya sa akin at muli kong nasilayan sa mga mata niya ang orihinal na kulay nito. "Ganunpaman, hindi pa rin ligtas na magtagal ka rito. Umalis ka na." sagot naman niya, sa pagkakataong ito maski tono ng pagsasalita niya ay nanumbalik sa dati nitong ayos.

"Hindi... hindi ako aalis hanggang di kita kasama."

"Aalis ka o parehong tayong mamamatay?!"

"Minsan mo na akong iniwan, di na ako papayag na iwan mo ako ulit."

Ngunit di niya ako sinagot at mabilis siyang tumalikod sa akin, hindi ko rin namalayan ang mga kamay mula sa likuran ko na na bigla nalang humila sa akin papalayo sa kanya. Nang muli ko siyang masilayan, ikinagimbal ko ang nasaksihan ko.

Nagawa niya akong talikuran upang sanggahin ang isang patalim na ngayo'y nakabaon na sa kanyang dibdib.

Humugot ako ng matinding hangin upang isigaw ang pangalan niya ngunit ng ibubuka ko na ang mga labi ko'y bigla akong natigilan ng hindi ko alam ano nga bang ngalan ang bibigkasin ko, tama, sino nga ba siya?

Kanina pa ako sabi ng Sabi na kilala ko siya ngunit bakit di ko magawang masabi ang pangalan niya?

Patuloy akong umiiyak habang ang kamay ko'y nakaunat at pilit na inaabot siya kahit pa patuloy ang paghila sa akin papalayo ng mga kamay na di ko makitahan kung sino ang nagmamay-ari.

Sa ngayo'y isa lang nagawa ko, ang umiyak at sumigaw ng ''WAG!''

Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon