Chapter 3

3.5K 139 11
                                    

Chapter 3

Nova/Zoelle Aphrodite's POV

Pag angat ko ng aking ulo upang makita ang taong may makapal na peys na bumunggo sa akin ay isang pares ng mata ang sumalubong sa akin. Ang lamig parang convo nyo. Chos!

Tumayo naman ako at akmang magpapatuloy na ako sa pagtakbo ng higitin nya ang braso kong maliit. Walang hiya toh ah. Malalagyan pa ata ako ng germs.

"Bitiwan mo nga ako!" Inis kong turan sa kanya.

"Anong ginawa mo kay Christine, Zoelle."-siya.

"Sinong Christine? At ano?! Kilala ba kita?! Bitiw na nga! May hinahanap pa ako eh!" Inis kong turan kaya binitawan nya naman ako.

Tiningnan ko naman ang braso ko at namumula ito dahil sa higpit ng hawak nya sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin habang sya ay malamig pa din na nakatingin sa akin.

"Sa oras na saktan mo ulit si Christine ako na ang makakalaban mo. Mark my words Zoelle." Malamig nyang turan.

Hindi ko naman sya pinansin at tiningnan ang itim na pinto sa harap ko.

"Dean's office." Basa ko. Agad naman akong napangiti dahil sa wakas nakita ko na din. HAHAHAHAHAHA! Sana nga ako ang una.

Pumasok na ako at nakita ang dalawang kumag na nakaupo sa sofa. Tumabi naman ako sa kanila at hinintay ang huling tukmol. Lagot ka sakin ngayon. Gutom pa naman ako. Ipagdasal mo nalang na marami kang dalang pera hayop ka.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Cyrus/Michael Zeiss' POV

Wassup madlang pipolllllll!!!! So ako nga pala si Cyrus Venniz. Ako ngayon ang nagmamay ari sa katawan ni Michael Zeiss Costeva o mas kilalang Prince Michael. Mga prinsipe at prinsesa ang nag aaral dito sa XAVIER ACADEMY. Pano ko nalaman? Nakasulat kasi sa ibaba 'school of royalties'. Ang ganda ng paaralan na toh. Akala ko nga nasa langit na ako nang magising ako pero di pala ako tanggap doon.

Ulila kaming apat sa dating katawan namin kaya kahit anong krimen kaya na naming gawin. Nagkakilala kami sa bahay ampunan at may kumupkop naman sa amin kaya akala namin apat magiging maganda na ang takbo ng buhay namin. Pero matapos kaming kunin ng kumupkop sa amin, lahat ng akala namin ay nawala lamang na parang bula.

Pinagtrabaho kami sa kanilang pabrika at puro bata din ang naroon. Siyam na taong gulang palang kami ni Kael at Jake noon samantalang si Nova naman ay seven. Naglilinis kami dun ng mga bote at isang beses lang kami pinapakain sa isang linggo. Puro tira tira lang nga ang kinakain namin.

Dumating naman yung araw na hinihintay namin. Tumakas kami kasama ng ibang bata. Sobrang saya sa pakiramdam nun. Kasama ko pa din silang tatlo. Wala kaming makain kaya natuto kaming magnakaw. Nang nagdalaga na si Nova, kinuha kami ng mga taong naka itim at tinuruan kaming pumatay. Simula noon hindi na kami nagkahiwa hiwalay at hanggang ngayon.

Nagulat nga ako nang makita ko ang itsura naming apat at di ko inaasahan na pati sa ibang katawan ay magkasama pa din kami. Mafia Princess si Nova sa underground world habang kaming tatlo ay ang mafia princes. Malapit na nga maging Mafia Queen si Nova eh. Nang magising ako, nagulat ako sa itsura ni Nova. Ang buhok nya kulay light brown ay naging light yellow. Ang light brown nyang mata ay naging kulay asul. Sobrang ganda nya at mas lalong gumanda sa ibang katawan. At ako naman? Siyempre ako ang pinakagwapo.

Naglalakad ako ngayon. Hinahanap ko ang Dean's office nang may mabangga akong chika beybs. Tiningnan naman ako nito saka ay ngumiti. Ngumiti din ako syempre gwapo ako eh. Inilahad nya ang kamay nya at tinanggap ko naman iyon. Fuschia pink ang kulay ng buhok nya. Yung mata nya din ay kulay green. Para syang anghel. Sarap idagdag sa listahan.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni miss beautiful.

"Yeah. Oh, I have to go!" May pa english pa yan ah? Diba ganun dapat? Pag gwapo dapat english at dahil gwapo ako, mamatay kayo kakanosebleed. HAHAHAHAHAHA.

Lumakad na ako at pumasok sa itim na pintuan at ang tatlong ugok ay nakangising nakatingin sa akin. Tiningnan ko sila na naka kunot ang noo ko. Tiyak akong wala na akong pera pag uwi ko.

 Tiyak akong wala na akong pera pag uwi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Michael Zeiss Costeva)

Reincarnated into a Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon