Chapter 16
Kael/Vince Lawrence's POV
Nakatitig lang ako sa mata ni Nova habang inaalala ang nakaraan namin. Kung paano kami nagkakilala at kung paano kami nahulog sa isa't isa. Remembering all of our promises makes me really happy. Every memory with her will always stay in my heart.
Dahan-dahan naman akong lumuhod sa harap nya saka hinawakan ang dalawang kamay nya. Tulala syang nakatingin sa akin at hindi makagalaw.
"I Kael slash Vince Lawrence Chavez promised to make this girl in front of me happy and to listen on her problems, rants and stories." Pagsisimula ko habang nakatingin pa din sa mata nya na naluluha na. " I promise to be on your side forever and protect you from devils. I promise to protect those smiles of yours and would never make you cry because of pain. Princess Nova, I'll treat you like my queen and love you like a princess. I'll be your knight who'll save you from sorrows. Nova would you accept this man who is kneeling in front of you to be his girlfriend?"
Ngumiti sya sa akin ng napakatamis sabay ng pagbagsak ng luha nya. Marami na ding mga tao na nakatingin sa amin. Panay tilian lang sila at inaantay ang sagot ni Nova. Halos lahat ng nasa restaurant ay nasa gilid na ng rooftop.
"Mr. Kael slash Prince Vince Lawrence Chavez, I want you to know that this girl in front of you is willing to accept your offer to be your girlfriend." Sabi nya ng nakangiti kaya agad akong tumayo saka sya niyakap.
Binuhat ko naman sya saka sya nginitian. "I love you." I said.
"I love you too."
Puro tilian lang ang maririnig sa rooftop habang yung tatlong tukmol naman kasama si Miss Sakura ay nakikisali na din.
Kung nagtataka kayo kung sino sinasabi ko na Miss Sakura, yun yung babaeng kasama ni Cyrus. Pareho kasi sila ng features ni Sakura habang kay Nova naman ay si Ino. And me? Ewan ko, sa ibang anime ata ako. Hindi naman pwedeng si Gaara kasi may kilay ako noh!
"Naks pare! Kaya pala kanina mo pa nilalandi ang kakambal ko?" Sabi nya sabay tawa. Ngumiti lang ako kay Zeus saka bumaling sa katabi ko.
"Look into the sky."
"Waaaawww!" She said with amusement in her eyes.
May fireworks kasi na pumutok kanina. Yung fireworks na sa langit pinuputok ah! Wag kayong green minded. Nakasulat doon na Happy birthday Zeus and Zoelle. Unfair naman kasi kung di ko isali si Zeus eh future brother-in-law ko na yan kaya dapat maganda ang image ko sa mata nya.
••••••••••••••••••••••••••••••
Jake/Nathan Rafael's POV
Natapos na ang dinner date naming lima o mas dapat sabihing dinner date ni Nova at Kael na may extrang Jessie and James na sina Cyrus at Cass. Nandito na kami ngayon sa bahay at pagod na pagod. Sinamahan ni Kael si Nova patungo sa kwarto nito habang si Cyrus at Zeus ay kasama ko sa sala.
Panay ngiti lang si Cyrus kasi nga daw ang ganda ng crush nya. Sarap nyang iuntog eh nagmukha na syang adik.
"Hindi mo naman sininghot lahat ng katol sa mall noh?" Tanong ni Zeus habang umiiling iling.
"Mukha kang naka drugs pre! Kadiri ka pala mainlove. Ang panget mo na nga mas pumanget ka pa!"-Ako
Tiningnan nya naman kami ng masama saka padabog na nagtungo sa kwarto nya.
"Mauna na ako Zeus ah? Inaantok na ako eh! Pagod na ako at masakit na ang mata ko sa kalandian nilang apat kanina."
Tumango naman sya sa sinabi ko. "Segi mauna ka na."
Dumiretso agad ako sa kwarto saka humiga.
Kailan kaya ako makakamove-on? Pagod na akong masaktan. Sobrang sakit na. Niloko nya ako hindi lang isang beses kundi sampo. Sinaktan nya ako. Dinurog nya ako pero sya pa din ang hinahanap ko. Kamusta na kaya sya sa mundo ng mga tao? Ba't ba ayaw mo kong hayaang maka move-on Lily? Bakit ikaw pa din yung gusto kahit ang sakit sakit na?
Agad kong pinunasan ang tumulong butil ng luha galing sa mata ko. Tatlong taon na ang nakalipas pero hindi ko pa din sya makalimutan. Sobrang pagmamahal ang ibinigay ko sa kanya pero sakit lamang ang isinukli nya.
Pakawalan mo na ako Lily. Pagod na ako.
Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa loob ng kwarto. Mapait akong napangiti habang inaalala lahat ng nangyari tungkol sa amin.
I miss you.
BINABASA MO ANG
Reincarnated into a Slut Princess
AventuraIsang mafia princess kasama ang kanyang tinuturing na pamilya ang maaksidente dahil sa isang pangyayari. Sa isip nila ay huli na iyon ngunit paano kung mabuhay silang muli? Paano kung mapunta sila sa ibang katawan? Tunghayan ang buhay ni Nova Imperi...