Chapter 11

2.8K 114 16
                                    

Chapter 11

Nova/Zoelle Aphrodite's POV

"Vince Lawrence Chavez and Jordan Agoncillo!" Sigaw ng referee kaya agad na tumayo si Kael.

"Galingan mo Kael! Woooohhhh!!!" Sigaw ko.

"Ayiiiieeeee!!!!!" Tilian ng mga estudyante kaya agad akong umupo saka tumingin kay Kael. Nginitian nya lang ako sabay thumbs up habang ang ibang estudyante ay panay bulong at panay asar.

"Ayiiiieeeee......" Asar ng dalawang kumag kasama ang kakambal ko.

Agad ko naman silang binatukan kaya napasimangot nalang sila. Eh kesyo masakit daw kasi ganito, ganyan, bahala nga kayo diyan.

Seryoso ang lahat na nakatingin sa harap. Lalo na kaming apat. Dalawang katana ang dala ni Kael dahil yun ang pinakapaborito nya. Marami syang koleksyon ng katana sa mansyon naming apat dati. Madami na din syang nakuhang parangal dahil sa galing nyang gumamit nito.

"Gooooo Prince Vince!!!"

"Kaya mo yan Jordan!"

"Wooohhh!! Jordaaaan!!"

"Natalo mo na yan dati Jordan! Kayang kaya mo yan!"

"Prince Vince pag nanalo ka may halik ka galing kay Princess Zoelle!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig.

"Sa gitna daw ng gym!" Dagdag ng kakambal ko kaya agad akong tumingin kay Cyrus at Zeus. Pinanlakihan ko naman sila ng mata dahil doon habang tawa lang ng tawa si Jake.

Puro hiyawan at tilian lang ang maririnig sa loob ng gym. Bumalik naman ang tingin ko sa harap saka nakitang nakangiti si Kael sa akin habang yung Jordan naman ay nakangisi.

"Fight!" Sigaw ng referee.

Agad namang sumugod si Jordan saka tinapon ang isang shuriken patungo kay Kael pero ginamit lang ni Kael ang kanyang katana para mapunta sa ibang direksyon ang shuriken. Sunod sunod lang ang pagbato nya ng shuriken kay Kael hanggang makapunta sya sa likod nito. Akmang itatapon nya ulit ang shuriken sa likod ni Kael nang bigla itong mawala. Bigla namang natumba si Jordan at nakita ang nakangising mukha ni Kael sa likod nya.

Para syang kidlat sa bilis nya. Maraming napasinghap dahil sa ginawa nya at marami ding namangha. Mahirap makipagsabayan sa bilis ni Kael dahil alerto ito palagi.

Tinutok naman ni Kael ang katana nya sa ulo ng lalaki kaya agad na sumigaw ang referee.

"Okay, enough!"

Tumayo naman ang lahat saka nagpalakpakan at ganun din ako. Hindi ako KJ noh!

Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang may tumulak sa akin kaya dumiretso ako sa baba. Buti na nga lang at hindi ako nagmukhang lumpia dahil nawalan lang ako ng balanse.

Agad akong tumingin sa tumulak sa akin at nakita ang tatlong nakangisi.

"Yung kiss!"

"Oo yung kiss nga!"

"Ang landi talaga!"

"Attention seeker!"

"Yung kiss Princess Zoelle!"

Humarap naman ako kay Kael saka ngumiwi.

"Bakit?"-siya

"Di ki-kita abot." Nahihiyang saad ko kaya agad naman nyang pinantay ang mukha nya. Pati mga judges at refefee nakikitsismis din.

Akmang hahalikan ko na ang pisnge nya ng bigla syang humarap kaya imbis na pisnge ay labi nya ang nahalikan ko.

"Ayiiiieeeee!!!!"

"Ang haba ng hair!"

"Sanaol nakakakiss ng gwapo!"

"Navideo nyo ba yun?"

"Tiyak na sisikat ako dahil dyan!"

"Can we continue the battle?" Malamig na turan ng isang judge habang nakahawak ng microphone kaya agad kaming bumalik sa pwesto namin.

Namumula pa din ang mukha ko hanggang ngayon. Napapagitnaan namin ni Kael ang kakambal ko. Ang awkward tuloy. Nakakahiya! Yung first kiss ko!

"Zoelle Aphrodite Deviene and Venus Abigaile Deviene."

Natahimik naman ang lahat at panay bulungan na kesyo mag back out na daw ako kasi daw mahina. Kesyo ganito kesyo ganun. Ay ewan.

Kinuha ko naman yung pana na nasa gilid ng mesa tsaka isinabit sa likod ko. Yung bruha naman may dalang daggers. Specialty yan ni Jake ah! Agad akong puwesto sa gitna habang si Abigaile naman ay nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

 Specialty yan ni Jake ah! Agad akong puwesto sa gitna habang si Abigaile naman ay nakataas ang kilay na nakatingin sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Prince Zeke Andrew Shiraz Xavier)

Reincarnated into a Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon