Chapter 18

2.5K 122 10
                                    

Chapter 18

Nova/Zoelle Aphrodite's POV

Nang makapasok kami, nakakabinging katahimikan agad ang sumalubong sa amin. Tumingin ako sa paligid nang mapansing hindi pamilyar ang mga mukha nila. Dumapo naman ang tingin ko sa lalaking may napakadilim na awra na animo'y kakainin lahat ng lalapit sa kanya. Nakakunot lang ang noo nito na nakatingin sa bintana kaya lihim akong napatawa.

Agad kong hinila si Kael sa pwesto nya at sumunod naman si Jake at Cyrus na nagtatalo pa din. Napansin nya ang presensya namin kaya agad syang lumingon sa amin. Ang kaninang madilim nyang awra ay biglang lumiwanag saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Kanina pa ba kayo kambal?"

"Kadadating lang namin Zeus." Sagot ko sa kanya.

"Ba't ang dilim naman ata ng awra natin ngayon pareng Zeus?" Sabi ni Cyrus with matching akbay pa. Ang kapal talaga ng calluses ng lalaking toh!

"Nothing. Wala lang ako sa mood. Buti at magkasama kayong apat!" Nakangiting turan ni Zeus.

"Kuya kung ang pagdilim ng awra mo ay dahil sa balak kong kunin ang half ng allowance mo, don't worry. Di ko na itutuloy." Natawa naman sya sa sinabi ko.

"You know what? You're really weird Zoelle. Minsan kuya, minsan kambal, minsan Zeus. Baka sa susunod ate na ang itawag mo sa akin."

"That's a good suggestion ate." Sabi ko na nakangisi kaya agad nya akong inirapan saka kumuha ng marshmallow sa bag nya at binuksan. Inilagay nya naman ito sa desk naming apat kaya kumuha agad ako. Sarap!

May tatlong rows dito sa loob ng classroom at bawat row ay may limang desk. Apat lamang ang pwede sa isang desk kaya sa kabilang desk si Jake.

Kumakain lang kami dito sa likod at walang pake sa mga mapanghusgang mata na nakatingin sa amin. Yung iba nga nagtataka kung bakit ako nakapasok dito sa loob ng section ng royalties.

"Hey bitch! Pano ka nakapasok dito?" Tanong ni Christine. Yung babaeng nasuntok ko sa mukha dahil hindi binigay sa amin yung IDs namin.

"Pathetic as ever. Her name is slut and not bitch!" Sabat ni Abigaile.

"Balita ko si Vince naman ang nilalandi mo tapos dinamay mo na din ang dalawa pang dating miyembro ng royalties." Isang coloring book na naman ang nagsalita.

"You know, nakapagtataka kung bakit ka nila pinatulan."

"Mas nakapagtataka kung bakit nandito pa din kayo. Akala ko losers aren't allowed on this section. A pathetic bitch na nakapasok lang dito because her boyfriend was the owner of the school and a freaking wore who lost on a kid." Sabi ko na may malapad na ngiti.

Agad naman silang naglakad patungo sa akin na animo'y kakainin ako ng buhay kaya agad na humarang ang apat kong kasama sa kanila.

"Let go of me!"

"Stop acting immature Christine. Being a member of royalties doesn't mean you can do anything you want. And Abigaile, being an insecure bitch doesn't suit you. You should be one of the maids in our palace. Isn't it wonderful?" I said with amusement in my eyes.

Agad namang nakawala si Abigaile at dali daling lumapit sa akin. Akmang sasampalin nya na ako nang may humawak sa braso nya.

"Try to slap my girl with that dirty hand of yours and I will surely make your life miserable." Malamig nyang turan kaya hindi makagalaw si Abigaile sa kanyang kinatatayuan at bakas sa kanya ang gulat at takot. That's right bitch! Matakot ka.

Dapat lang syang matakot dahil ang pinakaayaw ng mga binatang nasa harap ko ngayon ay ang sinasaktan ang mga prinsesa nila at mahal sa buhay. Pero mas nakakatakot kalabanin si Kael. Mahirap syang kalaban dahil sobrang bilis nyang gumalaw. Malakas ang 5 senses nya sa katawan.

"Let me go!" Inis na wika ni Abigaile.

"Let my girlfriend go!" Galit na sigaw ng kakadating lang na lalaki kaya agad binitawan ni Kael si Abigaile.

Masama namang nagkatinginan ang grupo namin at ang grupo ng kararating lang. Tahimik lang na nanonood ang iba pa naming kaklase. Si Abigaile naman ay agad na nagtago sa likod ng sumigaw na lalaki.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Kael kaya agad siyang tumingin sa akin. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya at dahan-dahan syang hinila para makaupo.

"Baby, they hurt me!" Naiiyak na sumbong ni Abigaile sa lalaki. Agad namang lumapit ang lalaki sa pwesto namin at malamig kaming tiningnan lalo na ako ang pretty face ko.

"Zoelle, how dare you do that to my girlfriend?! Didn't I tell you that don't you ever dare to hurt nor touch her?! Can't you understand what I've said?! I told you to fucking s----" hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng kamao agad ni Kael ang sumalubong sa kanya habang ang kamao ng tatlo ay nasa ere dahil si Kael ang unang nakasuntok sa lalaking nasa harap namin.

"You don't have the fvck*ng rights to shout on my girlfriend like that! Stop being an immature baby and use your tiny brain to know the situation. Try to touch my girl even the tip of her hair and I will surely torture you to death!" Lumabas na yung ugat nya sa sigaw kaya agad kong hinawakan ang kamay nya para kumalma.

"Ganun ka na ba talaga kakati at pati yung ibang miyembro ng royalties ay nilalandi mo na din?" Nakangising tanong ng isa pang lalaki na kasama ng lalaking nasa sahig ngayon at nakahawak sa kanyang panga dahil sa lakas ng suntok ni Kael.

"Isang masamang salita pa galing sa bibig mo at sisiguraduhin kong wala ka ng dila." Malamig na turan ni Jake na ngayon ay nasa likod na ng lalaki na nagsalita habang nakatutok ang dagger nito sa leeg nya. Nagulat naman ang lalaki at hindi makagalaw dahil isang maling galaw nya lang ay di na sya sisikatan ng araw.

"Fvck!"

Lumayo naman agad si Jake sa kanya at bumalik sa pwesto namin. Umupo na silang tatlo na parang walang nangyari habang pinapakalma ko naman si Kael.

Umalis na ang mga lalaki sa harap namin kasama si Abigaile habang ang iba naming kaklase ay hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi din namin namalayan na marami na palang estudyante na nakatingin sa amin mula sa labas.

Reincarnated into a Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon