Chapter 7

3K 128 2
                                    

Chapter 7

Nova/Zoelle Aphrodite's POV

Nandito kami ngayong apat sa bahay habang inaayos yung pinamili namin. Si Cyrus naman ay panay ngiti kase nga nakita nya daw yung crush nya tas binilhan nya daw ng uniform. Para sa akin nga daw dapat yun eh kaso gusto din daw yung bilhin ng crush nya kaya yung napili nalang ni Kael ang susuotin ko sa susunod na linggo.

Di ko pa yun nakikita tsaka yung sa kanila kase nung makapasok kami dun sa boutique na may mga uniforms ay naalala ko na wala pa kaming food supplies kaya ako na ang pumunta dun para bumili ng mga pagkain namin.

Natapos na naming ayusin ang kusina at ganun din ang sala. Yung sala namin ay may carpet sa baba kase di kami pede bumili ng sofa at baka ay mahalata kami. May TV naman sa gitna at naka arrange yung throw pillows sa gilid.

Pumasok na ako sa kwarto upang ayusin ang mga gamit ko kase magsasanay pa ako. Wala kaming kama kase hindi kami pede bumili. Pag nahalata kami, siguradong hahanap na naman ulit kami ng bagong hideout.

Ipwenesto ko na yung carpet ko saka nilagay ang dalawa kong carpet sa gilid para emergency. Ipinatong ko naman yung sobrang kapal kong bedsheet sa carpet saka inilagay sa gilid ang dalawa. Nilagyan ko na din ng apat na unan at makapal na kumot habang ang sobra ay nasa gilid din.

Bukas ko na aayusin ang mga damit ko kase sobrang pagod ako ngayon.

Humiga na ako sa aking higaan at tuluyan na nga akong nilamon ng dilim.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kael/Vince Lawrence' POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw kaya agad akong bumangon at naligo. Nagbihis naman ako ng malaking t-shirt at urban shorts ko. Niligpit ko na ang hinihigaan ko at saka dumiretso sa kusina.

Tulog pa yata ang tatlo. Napagod siguro. Mamaya, sisimulan na namin ang pagsasanay para sa bagong katawan namin. Lalo na si Nova kase mahihirapan syang mag adjust dahil sa liit nya.

Kinuha ko na ang manok sa mini refrigerator namin saka ibinabad sa tubig. Gusto ko sana na malaki yung ref eh kaso baka may makahalata sa amin. Masundan pa kami ng mga walking coloring books tiyak na maghahanap na naman kami ulit ng bago at yun ang ayaw kong mangyari. Grabe ang pagod namin sa paggawa ng bahay na toh tas mauuwi lang sa paglipat? Aba't mali yun!

Sinimulan ko ng maghiwa ng manok para sa lulutuin kong adobo. Paborito namin tong apat kaya kinakailangang damihan ko. Marunong akong magluto kaya walang dapat mabahala.

Ako at si Jake lang ang marunong magluto sa aming apat. Kung si Nova kase ang magluluto, mas maitim pa sa uling ang mangyayari. Kung si Cyrus naman ang magluluto, kasing tigas ng bato ang kakainin mo.

Matapos kong magluto ay kumain na agad ako dahil kailangan ko pang mag training.

"Good morning." Bati ni Nova sabay kuha ng plato. Nagsandok naman sya ng kanin tsaka adobo. Buti na nga lang at madami ang niluto ko.

Pagkatapos ko kumain ay inilagay ko na ang pinggan ko sa lababo. Lumabas agad ako at kinuha ang stick na mukhang espada. Kailangan ko matutong gumamit nito lalo na't hindi uso ang baril sa paaralang ito.

Lumapit naman ako sa puno at umasta na nakikipaglaban ako dito.

Isang oras na akong nagsasanay dito nang dumating ang tatlo saka kumuha ng stick.

"Jake kayo ni Nova ang magkapares habang si Cyrus naman ang akin"

Tumango lang silang tatlo at saka pumwesto. Nasa gilid ko si Nova at nasa harap ko si Cyrus. Si Jake naman ay nasa harap ni Nova.

Sabay naming itinaas sa ere ang aming espada at nang magsalubong na ang dulo ng aming espada ay saka kami dumistansiya.

Iwinasiwas ko ang aking espada sa hangin at ganun din si Cyrus. Sumugod naman sya patungo sa akin at ganun din ako.

Dalawang oras na kami sa pag eensayo at naisipan naming magpahinga.

"Tang*na mo Jake magbihis ka nga ang baho ng kilikili mo!" Reklamo ni Nova kaya hinila naman ni Jake ang ulo nya saka idinikit sa kilikili nito. At nang mailayo na ni Nova ang mukha nya ay isang malakas na batok ang natanggap ni Jake kaya panay kami tawa.

Matapos ang sampung minuto ay bumalik na kami sa pag eensayo. Umakyat kami sa mga puno saka namin pinana ang mga target namin. Matapos ng pagpapana ay nagpractice din kami ng martial arts.


Reincarnated into a Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon