Chapter 5
Jake/Nathan Rafael's POV
Binayaran na namin lahat ng binili namin saka pinasok sa loob ng mga kotse namin. Kung nagtataka kayo kung bakit alam kong may kotse kami, nakita kase namin yung parking lot ng school. Nakasulat kase sa mga kotse namin yung pangalan namin. Yung kay Nova naman ay hindi namin alam kung asan kase sabi ng mga estudyante ay di daw kami close sa kanya.
Pumasok na kami sa loob ng gubat hanggang sa gitna ng gubat. Buti na nga lang at nakapasok ang kotse namin. Bumaba agad ako tapos sinuot yung itim kong sunglasses. Agad naman akong naka tanggap ng batok galing sa tatlo. Imbis na mainis ay natawa nalang ako dahil nahirapan si Nova na batukan ako kase ang liit nya. Mukha kaseng 5'4 sya habang ako 6'1. HAHAHAHAHAHA
"HAHAHAHAHAHA!" Sabay na tawa naming tatlo habang si Nova ay masamang nakatingin sa amin.
"Isang tawa nyo pa sisipain ko na yang alaga nyo."
Namutla naman ako dahil sa sinabi nya at gayundin ang dalawang kumag na katabi ko.
"Si-simulan na na-natin? Hehehehe."-Ako
Tumango naman sila kaya agad naming kinuha ang mga gamit na nabili namin saka nagsimulang gawin ang bagong tambayan namin. Marunong kaming gumawa dahil isa yan sa pinag-aralan namin sa mafia. Isa din sa rason kung bakit kami ang gumagawa ay dahil ayaw naming may makaalam kung nasaan kami.
•••••••••FAST•••••••••••FORWARD••••••••••
Dalawang araw na namin tong ginagawa. Linggo ngayon kaya walang istorbo sa ginagawa namin. Wala din namang naghahanap sa amin kase bumabalik din kami sa school para bumili ng mga pagkain.
"Akin na nga yung martilyo Jake!"-Nova
"Gago ka ako si Cyrus!" Sigaw ni Cyrus saka bumaling sa akin. "Yan si Jake!" Turo nya sa akin.
"Kasalanan ko bang iba mukha nyo tapos pareho kayong panget?!" Singhal nya sa amin.
Sa gwapo kong ito, sinabihan ako ng panget? Ang kapal ng pakeng peys mo!' Gusto ko sana isigaw yan sa kanya kaso pagod na ako. Si Kael naman ay nasa bubong malapit na syang matapos at ako ang nasa sahig, naglalagay ng tiles. Si Cyrus naman nagkakabit ng bintana tapos si Nova ang nag aasikaso sa dingding.
After wanmilyon yers natapos na din namin kaya agad kaming napahiga sa tiles dahil sa pagod.
"San ka pupunta Nova?" Tanong ni Kael nang tumayo si Nova kaya napatingin din kami kay Nova.
"Kailangan pa nating bumili ng ng mga kakailanganin natin sa ngayon solar at maghuhukay pa tayo para gumawa ng balon." Sagot nya.
"Kami na ni Cyrus ang maghuhukay, Kael samahan mo na si Nova."-Ako.
Agad naman akong tumayo at ganundin si Kael. Sinundan nya si Nova na patungo sa kulay dark violet na Lamborghini nito. Habang si Kael naman ay nasa kotse nya na din na kulay dark red.
Tiningnan ko naman si Cyrus na mahimbing na natutulog kaya kinuha ko yung water bottle kong walang laman saka tinapon sa mukha nya.
Bigla naman syang bumangon at hinawakan ang mukha nyang panget saka ako sinamaan ng tingin.
"Maghuhukay pa tayo. Bilisan mo na dyan."
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Kael/Vince Lawrence' POV
Ako nga pala si Kael Stanford na ngayon ay nagmamay ari sa katawan ni Vince Lawrence Chavez. Nandito kami ngayon sa mall at nauunang naglalakad si Nova. Nakakatawa nga eh kase ang liit nya.
Suot nya ngayon ang T-shirt ko at pajama ko. Tinapon nya kase lahat ng gamit ni Aphrodite kaya hiniram nya muna ang mga damit namin. Saka na din kami bibili ng bago pag natapos na namin yung ginagawa namin. Balak din naming umuwi muna sa dorm namin mamaya upang linisin ito tapos bukas na namin ipagpapatuloy ang bahay na ginagawa namin.
Pumasok na kami dun sa mga electronic devices ang tinitinda at dali dali namang kumuha ng kahit ano dun si Nova. Mahilig kase sya sa ganyan. Lumapit naman ako sa kanya habang sya panay kuha. Tumingin naman sya sa isang malaking box na puro solar na ilaw ang laman. Akmang aabutin nya ito nang maalala nya hindi nya pala iyon katawan kaya lihim akong napatawa.
Alam ko namang di nya maabot kase ang liit nya at hindi ko din yun maabot kase may malaki pang box na nakapatong dun. Parang 1 meter yata ang sukat ng bawat side ng box kaya mahirap talaga yun kunin.
"Piggy back ride." Nakangiting sabi sa akin ng unano na nasa harap ko kaya tinaasan ko lang sya ng kilay. Ang gwapo gwapo ko tas gagawin lang akong baboy?!
"Luhod ka bilis! Sasakay lang naman ako sa likod mo." Dagdag nya pa. Akala ko kase gagawin nya akong baboy.
"Ayaw ko lumuhod, madudumihan ako." Seryosong sabi ko sa kanya. Inaasar ko lang naman talaga sya eh. Ang liit liit nya kase. Hanggang kilikili ko lang sya.
"Luluhod ka o sisipain ko yan!" Pagbabanta nya sa akin at tumingin sa ibaba ko kaya naman ay natawa nalang ako at lumuhod. Sumakay naman sya sa likod ko kaya inangat ko sya at dahan dahan nyang nilipat ang isang box para makuha yung box na gusto nyang kunin. Gets nyo? Kung hindi bahala na kayo umintindi.
"Si Princess Zoelle yan diba?"
"Ang ganda naman ni Princess Zoelle"
"Balita ko ay nagbago na daw yan"
"Ang cute naman nila prince Vince"
"Para silang couple"
"Pati ba naman si Prince Vince lalandiin ni slut"
"Balita ko, ilang araw silang di nakikita sa school"
"Ang landi talaga"
Ilan lamang yan sa mga narinig ko kaya napatawa nalang ako habang yung iba panay tili. Ibinaba ko na si Nova at saka kinuha ang malaking box at dinala sa counter habang nakasunod naman sya na may dalang isang cart ng electronic devices.
BINABASA MO ANG
Reincarnated into a Slut Princess
PrzygodoweIsang mafia princess kasama ang kanyang tinuturing na pamilya ang maaksidente dahil sa isang pangyayari. Sa isip nila ay huli na iyon ngunit paano kung mabuhay silang muli? Paano kung mapunta sila sa ibang katawan? Tunghayan ang buhay ni Nova Imperi...