Chapter 21

4.4K 186 76
                                    

Chapter 21

Nova/Zoelle Aphrodite's POV

Nandito kami ngayon sa Cafeteria. Kasama ko si Selena at Cass sa isang table habang yung apat naman na kulugo ay nag-oorder. As usual, puro tsismis na naman ang buong Cafeteria. Di kasi sila makamove-on sa nangyari kanina at kalat na din ang nangyari sa classroom namin.

"Yun pala nangyari kanina?" Tanong ni Cass. Kanina pa kasi kini-kwento ni Selena ang nangyari sa loob ng classroom namin.

"Oo. Nagulat ka ba? Wag ka mag-alala madami tayong nagulat sa nangyari. Akalain mo yun, ang isang Princess Zoelle Aphrodite Deviene na kilala bilang campus' slut na napakahina at takot sa mga guro ay nagawang takutin ang terror na teacher dito." Namamanghang ani ni Selena. "At yung nag iisang Prince Nathan Rafael Deviene na palaging tahimik dahil ayaw kagalitan ng kahit na sino ay nagawang sumbatan at tapunan ng dagger ang isang guro. Gosh!"

"Dati sikat na sikat kayo dito dahil sa dumi ng background nyo but look at you now! Nakakapanibago!"- Cass.

Di ko nalang pinansin ang sinasabi ni Cass dahil pagod ako magsalita. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko saka tiningnan ang mga apps nito. Walang tungkol sa social media ang isang toh. Lahat din ata dito walang social media sa CP.

Tiningnan ko ang mga messages. May dalawang conversation lang dito. Convo namin ni Zeus at ni-- ewan di ko kilala. Ang nakasulat lang sa ibabaw ay 'My One and Only King❤️.' Tangena kadiri! Dinelete ko nalang lahat ng convo saka pati na din ang number ng di ko kilala.

Sunod kong binuksan ang gallery. Lahat yun ay mukha ko na animo'y clown sa sobrang kapal ng make up. Wig nalang ata at costume ang kulang pede na ako sa children's party. Ini-scroll ko pa ang gallery hanggang sa maagaw ng isang album ang atensyon ko. Puro mukha yun ni Shiraz at halos lahat ay stolen. Kawawang Zoelle, nagmistolang clown at kriminal para sa isang lalaking wala namang pake sa kanya. Dinelete ko nalang lahat ng albums sa gallery ko para sa bagong simula.

Sa tingin ko yung notes naman ang sunod kong titingnan. Bubuksan ko na sana ang app kaso biglang dumating ang apat dala ang mga order nila.

Tumabi sa akin si Kael at nilapag ang laman ng dalawang tray na dala niya. Si Cyrus naman ang nasa kabilang side ng table dahil magkatabi si Cass at Selena. Ang sama ng tingin nya kay Selena dahil kanina nya pa gustong makatabi yung Cass nya daw. Sa harap naman namin ni Kael ay si Jake at Zeus.

"Selena can I ask you something?" Tanong ko kay Selena habang kinakain ang hotdog na nasa plato ko.

"Sure!"

"Paano ka nakasali sa section ng mga royalties? No offense lang ah pero mukha kasing di mo kaya." Yumuko naman sya dahil sa sinabi ko saka nya inangat ang kanyang tingin at ngumiti. Abnormal din tong isang toh ah!

"Actually wala akong karanasan na humawak ng sandata o makipag-away." Sabi nya dahilan ng pagtahimik ng buong table namin. Nakikitsismis na din kasi ang mga kulugo at si Cass eh ako lang naman ang nagtatanong. "Isa ako sa pinakamahina sa academy. Napunta ako sa section na yun dahil isa sa pinakamayaman na kaharian ang kaharian namin at dahil dito." Turo nya sa noo nya.

"Bakit? Takot ba ang mga tao dito sa mga prinsesang may malalapad na noo?" Inosenteng tanong ni Jake kaya natampal ko nalang ang noo ko dahil sa kabobohan nya habang ang iba naming kasama ay natawa sa sinabi nya.

Kinuha ko naman ang isang malaking burger at saka isinubo sa bunganga ni Jake. Kagigil eh!

"Mmmmm!"

"Mukha kang natatae Nathan! HAHAHAHAHAHA!"-Selena.

Ngumuso naman si Jake dahil sa sinabi ni Selena kaya mas lumakas ang tawanan namin.

Reincarnated into a Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon