Chapter 17

2.5K 110 7
                                    

Chapter 17

Nova/Zoelle Aphrodite's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad kong minulat ang aking mga mata saka inayos ang aking higaan. Dumiretso naman ako sa banyo sa labas saka naligo.

Matapos kong maligo ay dumiretso agad ako sa kusina at naabutan si Kael na naghahanda ng pagkain sa lamesa kaya agad akong lumapit saka sya tinulungan.

"Good morning." Bati ko sa kanya saka sya hinalikan sa labi. Agad naman syang napatingin sa akin dahil sa ginawa ko saka ngumiti.

"Good morning." Sabi nya saka ako pinaghila ng upuan.

"Ang aga aga, harutan agad ginagawa nyo." Napatingin naman kami ni Kael sa nagsalita at sabay na natawa.

"Maupo ka na nga jan Cyrus."-Kael

Agad namang umupo si Cyrus sa harap namin saka nagsandok ng kanin. Tumabi naman si Kael sa akin saka nagsandok din. Isang plato lang nilagyan nya ng pagkain tapos yung plato ko itinabi nya kasi nga share daw kami.

Bigla namang pumasok sa kusina ang dalawa pang tukmol saka kumuha ng plato.

•••••••••FAST••••FORWARD•••••••••••

Nakarating na kami sa building kung saan kami pumapasok. As usual, puro bulungan at tilian pa din ang maririnig. Dala dala ni Kael ang bag ko saka hawak hawak nya ang kamay ko kaya di ko maiwasang kiligin. Ang dami ding mga estudyante na nakatingin sa amin habang papunta kami sa section namin.

"Kyaaaaahhhh!!!! Prince Zeus ang gwapo mo pooo!!!"

"Sayang talaga yung grupo ni Prince Zeus dati."

"Kung di lang dahil sa impakta nyang kapatid edi sana buo pa din yung Dark Dragons!"

"Balita ko napatumba nya si Miss Abigaile."

"Nandaya siguro."

"Di daw sineryoso ni Miss Abigaile."

"Prince Michael friends with benefits okay na ako!"

"Prince Rafael madami akong alam na positions!"

"Prince Vince ako nalang!"

"Sanaol may jowa!"

Hindi ko na sila pinansin dahil madami pa din silang insulto na sinabi tungkol sa akin. Yung iba kinikilig kasi hawak pa din ni Kael ang kamay ko nang makarating kami sa classroom.

Pagbukas ng pinto ng classroom namin, tilian agad ang sumalubong sa amin ng mga classmates namin. Dumiretso naman kami sa upuan namin kasi wala pang prof.

Inalalayan naman ako ni Kael saka inilagay ang bag ko sa gilid ko. Magkatabi kasi kami ni Kael.

Tiningnan ko si Cyrus dahil lumipat sya sa kabilang row at panay assume naman yung iba naming classmates na sila ang tatabihan. Dumiretso sya sa tabi ni Cass kaya masamang tingin agad ang ipinukol nila kay Cass.

Tumingin naman ako kay Jake na malalim na nag iisip kaya agad ko syang sinundot. Yung ex nya na naman siguro ang iniisip nya.

"H-hah?"

"Asan si Zeus?" Tanong ko.

"Dumiretso na sa section nya. Puro kasi kayo landi kaya di na sya nagpaalam." Natatawang ani nya kaya agad ko syang binatukan.

Sunod kong tiningnan si Kael na nakatingin din pala sa akin.

"Bakit?"

"I love you." Agad naman namula sa sinabi nya saka hinampas ang braso nya.

"Bwesit ka!" Sasagot pa sana sya nang biglang bumukas ang pinto saka iniluwa ang prof naming panot.

"Good morning. So didiretsuhin ko na kayo. Tapos ng pumili ang mga judges ng bagong royalties. Lahat ng tatawagin ko ay tumayo." Mahabang lintanya ni panot. "Prince Michael Zeiss Costeva." Tumayo naman agad si Cyrus. "Prince Nathan Rafael Deviene." Sunod na tumayo si Jake. "Prince Vince Lawrence Chavez." Sunod tumayo si Kael pero hawak pa din ang kamay ko. Lihim naman akong napangiti dahil dito. "Princess Zoelle Aphrodite Deviene." Sunod naman akong tumayo. "Follow me."

Agad naman kaming sumunod kay prof patungo sa isang room. Napakaganda nito. Binasa ko ang nasa ibabaw.

"Section Diamond."

"Ngayon pa lang ipanagawa ang room nato para sa mga royalties kayo ngayon palang magkakasama ang grupo ng royalties. Pumasok na kayo."-Prof.

Iniwan na kami ng prof kaya agad kaming pumasok. Nakabusangot lang si Cyrus kasi daw naiwan nya si Cass. Si Jake naman panay asar kay Cyrus habang si Kael hawak ang bag ko sa kaliwang kamay nya tapos yung kamay ko sa kanang kamay nya. Kinikilig ako mga bHi3!

Reincarnated into a Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon