Chapter 2

4K 151 6
                                    

Chapter 2

Nova's POV

Agad kaming naglakad upang malibot ang lugar.

"XAVIER ACADEMY." basa ko sa pangalan ng paaralan.

"Hanap tayo ng bagong tatambayan?" Alok ni Kael kaya nagsitanguan naman kami at patuloy na naglalakad. Sari saring bulungan ang narinig namin.

"Wala na atang damit si slut."-palaka 1

"Tingnan nyo si slut oh ang simple ng ayos. Himala ata."-palaka 2

"Tong slut na toh ba't kasama nya yung tatlong prinsipe?"-palaka 3

"Buhay pa pala yung slut. Kala ko mapapatay na yan ni miss Abegaile eh."-palaka 4

"Pati ba naman yung tatlong prinsipe lalandiin nya pa?"-palaka 5

Yan yung narinig ko na tungkol sa akin. Pano ko nalaman na tungkol sa akin? Eh malamang sa akin sila nakatingin. Yung iba naman panay tili sa mga kasama ko. Eto namang si Cyrus at Jake ay panay kindat habang si Kael naman ay naka poker face. HAHAHAHAHAHA.

Ewan ko ba ba't ang OA ng mga tao dito at kailangan pa tumabi para makadaan lang yung pagtsitsismisan nila. Sarap iuntog eh tapos ibitay patiwarik. Gigil nyo ko.

"Well, well, well!" Napatingin naman kaming apat sa nagsalita. Matangkad na babae ito at puno ng kolorete ang kanyang mukha. Hindi ko siya kilala pero parang malaki ang galit nito sa nagmamay ari ng katawan na ito.

May pinakita naman sya sa amin na parang ID ata namin. Sa totoo lang kanina pa namin yan hinahanap kase di namin alam ang pangalan ng apat na nagmamay ari ng katawan na ito.

Aabutin ko na sana ang ID nang ilayo nya ito. Aba at ang kapal naman ng pakeng peys nya para gawin yun sa susunod na mafia Queen.

Bored ko naman itong tiningnan habang sya ay nakangising nakatingin sa akin. Lumapit naman ang tatlong ugok sa akin at saka tiningnan itong babaeng nasa harap ko.

"Give me the IDs." Sabi ko sa kanya pero ang bruha nginisihan lang ako.

"Control your temper Nova!" Bulong ni Kael sa akin.

"Hindi ka na napagod slut at pati ang tatlong miyembro ng Royalties nilandi mo na din!" Sigaw nya sa mukha ko with laway. Aba kadiri.

Habang yung ibang studyante naman ay tahimik lang na nakikinig. Lugi ako dito eh. Ang liit ng katawan ko.

Tiningnan ko naman sa mata ang babaeng nasa harap ko sabay ngisi. Yung tatlong ugok naman ay dumestansiya kase alam na nila yung mangyayari.

Agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinahid ang laway ng babaeng mukhang coloring book. Tinaasan nya naman ako ng kilay kaya wala pang limang segundo ay nasuntok ko na ang mukha nito dahilan ng pagkahimatay nya.

Panay bulungan naman ang mga bubuyog sa tabi tabi tapos yung tatlong ugok panay tawa.

"Lagot ka Nova!" Pananakot ni Cyrus.

"Hindi ko na yun kasalanan. Baho baho ng hininga nya tas may libre shower pa? At ang kapal naman ng pakeng peys nya!" Sabi ko sabay kuha ng IDs namin.

Yung dalawang estudyante naman ay binuhat ang babae na nasa harap ko at dinala sa hospital ng school na toh.

"For the first time may napatumba si slut"

"Lagot sya sa iba pang Royalties."

"Si slut ba talaga yan"

Hindi ko na narinig pa at ibinigay na ang tatlong ID sa mga ugok. Binasa ko namn ang ID ko para malaman ang pangalan ng nagmamay ari ng katawan na ito.

"Zoelle Aphrodite Deviene." Basa ko.

"Nathan Rafael Deviene." Basa naman ni Jake

"Pinsan tayo ugok!" Sabi ko sa kanya.

"Michael Zeiss Costeva." Basa ni Cyrus sa ID nya.

"Vince Lawrence Chavez."-Kael

"Ang cool naman ng mga pangalan natin." Namamanghang ani ni Jake.

"Punta kaya muna tayo sa Dean's office kasi wala naman tayong alam sa lugar nato." Sabi ni Kael kaya nagsitanguan naman kami.

"Eh san nga bah ang Dean's office?" Tanong ko.

"Kael hanapin mo total ikaw nag suggest."-Cyrus

"Ganito nalang. Kung sino ang huling makahanap sa Dean's office, sya ang manglilibre para sa recess!" Suhestiyon ko kaya agad kaming nagtakbuhan.

Takbo lang ako ng takbo para mahanap ang Dean's office. Delikado pag ako ang manglilibre. Matatakaw pa namn yung mga ugok na yun.

Lakad takbo lang ang ginawa ko hanggang sa may mabunggo ako. Aba't sino naman toh?! Dahan dahan kong pinagpag ang damit ko at dahan dahang nag angat ng tingin.

 Aba't sino naman toh?! Dahan dahan kong pinagpag ang damit ko at dahan dahang nag angat ng tingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Prince Nathan Rafael Deviene)

Reincarnated into a Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon