Chapter 16
-- Welcome!
Mitch Zaira Cruz
Isang mahabang buntong hininga ang kanina ko pa ginagawa. Nais kong alisin ang parteng masakit sa aking dibdib. Hindi ko rin mawari kung ano ba ang nararamdaman. Tuwa dahil magkagalit na naman sila Rex at Maica o lungkot dahil magkagalit sila. Sumikip na naman ang kaliwang bahagi ng aking dibdib. Ano ba ang mas matimbang? I sighed. Hindi ako nakasama sa kanila dahil totoong may pupuntahan kaming buong pamilya at hindi ko ata kaya makita kung ano ang sitwasyon nila. Medyo nakahinga pa ako ng maluwag dahil hindi si Ashley ang may kagagawan na naman, kundi si Charles. That guy, may nararamdaman ako sa kanya pero hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang dala niya.
Masayang nagkukwetuhan ang mga magulang ko sa harapan. Si daddy na nagmamaneho at si mommy na nasa passenger seat. Katabi ko naman ang aking ate Zaireen na busy naman sa kanyang cellphone. I wonder kung sino ang katext niya o kachat? Pinagmasdan ko mabuti ang aking pamilya ako lang ata ang may dinadalang bigat sa dibdib. Bakit kasi napasok ako sa ganitong problema? Napailing ako dahil wala ako maisagot sa katanungan ko. Ang hirap ng ganito wala kang mapagsabihan. Bakit kasi na naiipit ako sa pagmamahal sa kaibigan at pagmamahal kay Rex? Ano ang tamang gawin? Iwasan nalang at kalimutan itong nararamdaman ko kay Rex dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Maica? O ipaglaban kung ano ang gusto ng puso ko at kalimutan ang sinasabi ng utak ko? What the hell! Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Na gusto ko nalang tanggalin ito sa loob ng katawan ko. Ang sakit sakit na. I sighed again.
Patungo kami ngayon kina Rence dumating na sila galing California kung saan na sila nakatira na. Masaya ako sa pagdating ng pinsan kong iyon. Nakakamiss din ang bonding namin. Pinapanood ko kung paano ang pagbukas ng napakalaking gate nila Rence. Sa pagpasok sa loob ay mamamangha ka sa kagandahan ng bahay nila or should I say mansion nila. May dalawa pang kapatid si Rence at katulad ko ay bunso siya sa pamilya. Naunang bumaba sila mommy at sumunod kami ng ate ko. Muli akong napabuntong hininga para makawala ang bigat ng aking dibdib. It’s time to act again, tss!
“Hello couz! How are you lovely and beautiful lady?!” masayang bungad sa akin ni Rence. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. “I’m fine as always! Duh! You haven’t change, bolero ka parin! Welcome back couz!” umikot ang aking mga mata attumawa lang siya at kumalas sa yakapan namin. Hinarap niya ang mommy at daddy ko pati na rin si ate Zaireen. Nagmano naman ako sa daddy at mommy ni Rence at nakipag high five kila Kuya Roen at Kuya Raven. Iginala ko ang paningin ko at nasiyahan nang makitang nandito na rin ang iba ko pang pinsan. Apat na magkakapatid sila daddy at puro sila lalaki. Si daddy ang bunso sa kanilang apat at pangtatlo naman ang daddy nila Rence. Nagkamustahan at nagkakwentuhan ang mga magulang namin kaya kaming magpipinsan ay ganoon rin ang ginawa. Puno ng tawanan at kwentuhan sa bahay nila Rence at makikita sa mga mukha at mata ng nadirito ang saya. Masasabi kong mapalad parin ako sa aking pamilya kahit na alam kong hindi ako mapalad sa pag-ibig.
Nagkaroon kami ng salo-salo na buong pamilya. Pagkatapos kumain ay nagkaroon ng kanya kanyang pinagkaabalahan. Kaming magpipinsan ay iba iba rin ang ginagawa. Nandito ako ngayon sa sala nila Rence at tahimik na pinapanood ang buong pamilya namin. Ang sarap sa pakiradam na makita at marinig na masaya sila. Nagulat nalang ako nang may tumapik ng aking balikat. Tiningnan ko ito at nakitang si Rence lang pala, nginitian ko siya at pinanood ang pag-ikot niya para makalapit sa akin. “Couz, seriously how are you?” nakangiti niyang tanong sa akin. Muli na naman umikot ang mata ko. “I’m really fine Rence” tumawa ako sa kanya “Why do you asked then? How about you?” tumaas ang kilay ko nang makitang tipid ang kaniyang ngiti. Oh well mukhang alam ko na. “Nakita ko siya siguro two weeks ago? She’s pursuing Rex again!” Nanlaki ang mata niya at umiling. “Let’s not talk about her, couz. “ Tumaas ang isang kilay ko sa narinig ayaw niya pagusapan ang impaktitang iyon? Nakakapanibago. “kumusta na sila Rex at mga kabarkada namin? Nakikita mo ba sila?” Tanong niya. Umayos ako ng upo at nagindian seat pa at humarap sa kanya. Mas komportable ako ng ganito total ay nakajeans naman ako. “Yes madalas ko silang nakikita at take note close ko na sila. Kabarkada na namin sila Rence lumipat si Rex sa school namin at classmate silang tatlo.” Simula ko sa kanya. “That’s nice, then! Why is Rex Transfer to your school?” nagkibit- balikat ako. “I don’t know Rence.” Tumingin ako sa baso ko sa center table at napabuntong hininga na naman. “He already has a girl friend”.
BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...