Chapter 10
– That Girl Again!
Sebrina Maica Gonzalvo
Ang saya panuorin ng mga bata dito sa park. May naalala na naman tuloy ako nasaan na kaya si Ven-Ven yung childhood friend ko. Nakaupo ako dito sa bench dito sa park pinapanuod ko ang mga batang nag-lalaro at naghahabulan ang saya nilang tingnan. Linggo na! kahapon ay lumabas kami ni Tita Cristy yung mommy ni Rex, sobrang bait talaga non nagpasama lang siya mag-grocery ayaw muna daw nya kasi kasama si Rex gusto daw nya makipagbonding sa Daughter-in- law nya
Nakakahiya nga eh paano ba naman may nakasalubong kaming kumare niya ang pakilala ba naman niya ay daughter –in-law daw niya ako. Jusme! matagal pa naman iyon. Pagkatapos mag-grocery ay nagshopping naman siya GAWD! Shopping Lord pala iyon ang dami niya pinamili buti na lamang kasama namin yung driver nila siya ang pinagbuhat ng mga paper bags. Ibinili nga din niya ako ng cute blue with black dress, at nagustuhan ko iyon ang ganda eh. nahiya pa nga ako sabi ko huwag na at ibinalik ko pa nga iyon sa lagayan pero kinuha pala niya ulit at ibinigay lang niya sa akin pagkauwi ko..
Hindi pa natapos doon ang araw na magkasama kami ng mommy niya. Dahil noong ihatid niya ako nakita siya ni Mama at nagkwentuhan muna silang dalawa, magkasundong magkasundo nga sila. at nagustuhan ko iyon. Halos makalimutan ko na nga si Rex kahapon eh nagkatampuhan pa kami, pero ano magagawa niya mommy nya kasama ko haha.. syempre nagsorry naman ako sa kanya.
Kring… Kring..
May tawag ako. I slide the screen.
“Hello Yam” sabi ko sa kanya.
(Hello. Tingin ka sa left side mo) So ginawa ko naman. Nakita ko may nakaupong malaking color blue na teddy bear. Napangiti ako. Ang cute!
(masyado ka kasing focus sa panunuod mo sa mga naglalarong bata hindi mo man lang napansin na may tumabi na sayo) sa boses niya parang naiinis ito dahil napakamanhid ko na naman at hindi ko nga naman napansin iyon. ABA! Lumilipad isip ko eh.
“hehe. nasaan ka ba? Magpakita ka”
(in your right side) tumingin naman ako. At ayon nga, nandoon siya sa kabilang bench kalinya ng bench ko naka-upo siya. Tumayo naman siya at naglakad papunta sa akin.. inend ko na yung call..
“paano mo nalaman na nandito ako?” sabi ko sa kanya pagkapunta niya sa harapan ko.
“halos sabay lang tayo dumating dito. I was going to your house when I saw you walking, then I followed you.”
“bakit hindi mo na lang ako kinausap agad?”

BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...